You are on page 1of 36

TINTA Balikwas Union of Journalists of the Philippines University of the Philippines - Diliman (c) 2012 no part of this publication

can be reproduced without permission from the authors.

Cover art by Siopao Special

Table of Contents
Prose Home Tuldok Pagtuloy ng Takbo Legata Ad Un Granello Di Sabbia Coke Float Turmoil Pamutas-Silya Raket Pagkatao, Pagbabago, at Pokemon Spare change Usok 6-word stories Poetry 1k per Unit Kabiguan ng Gitnang Kaisipan Laban ng Masa Bugtungan sa Media at Konsumerismo Padayon Photographs and Illustrations Bulok Religious Struggle Patigasan Ikaw ang nagturo saking lumaban Sino ba ang dapat na paglingkuran: ang nasa puder ng kapangyarihan o ang masang kalakhan? Life and Death Cuts 13 17 18 30 41 42 52 8 25 31 43 50 1 4 10 14 19 23 27 33 38 45 47 53

Balikwas

Home
Solar Plexus

The mechanical doors of the air-conditioned bus close behind you as you stretch your knees from the lethargy of the nine-hour travel. The trip is very much out of season it is neither summer nor Christmas but you insist on visiting the house that used to be your home in the countryside. You walk towards the shed where the tricycles await passengers and board the first in line, your eyes darting to the laminated notice hanging in front of you as soon as the vehicle starts moving. You figure you should not be surprised by the increase in fare rate (because fare rates increase over time, all the time), but you still find yourself suddenly remembering that ten years ago, you used to pay only four pesos for a ride. A small smile grace your lips as you ponder on what you can buy today with four pesos in hand. Four mint candies, perhaps? Or maybe a stick of fish balls? You almost miss your stop with this litany occupying your mind, but the sight of the familiar breakfast food stall, now worn out, takes you out of your reverie. You call out to the driver and the vehicle stops. You alight and dig for coins in your pocket in haste, the sound of the running engine beckoning you to hurry like an impatient tap of the foot. You count the money with your eyes seven pesos and put them on the outstretched hand of the driver. A moment later the tricycle is off, and the air smells of smoke and of burned gasoline. You adjust the strap of your duffel bag, turn around, and start trudging along the street leading to your house. It is dubbed the shitty

Balikwas

Balikwas

street, you remember, because stray dogs used to loiter and take a dump in the area usually void of human activity. When you were a kid, you tiptoed and never took your eyes off the pavement whenever you walk along there, afraid of stepping on the dreaded animal waste. But today, ten years later, the street is swept clean, and no dogs are in sight. Your footsteps slowly halt. Your eyes survey the bungalow in front you, taking in the change those ten years have brought. The fence and gate made of thin metal bars which used to be painted white, are now dressed with grease and rust. The windows are clouded with dust, leaving a pale shade of gray. The concrete walls, once clean, are now covered with vandal. And yet there is no mistake this is the place where you spent the first twelve years of your life. You can still see your younger self playing hopscotch and marbles under the shade of the large jackfruit tree in front of the house. You step into the porch, trying to shake off the train of memories coming back to you. You fumble for the keys inside your bag and reach for the padlock through the narrow slits, when you suddenly see the twelve-year-old you, barefooted, climbing the gate with ease. You remember. You never needed the keys back in those days to sneak in and out of the house. It is a pity your feet cannot fit in those slits anymore. With a clink, the gate opens. The metal bars are cold to your touch as you push them slowly, hesitantly, but you finally step inside the place you once called home. You walk to the door and reach for the knob, but you stop halfway when you spot an old sticker inches above it. The colors have faded and the sides are tattered, but you can still make out the silhouette of a redhead carrying a sword. Samurai X. You smile to yourself as you remember the times you spent in front of the television watching the series. You turn the knob and push the door open, your footsteps echoing as you enter. Instinctively, your hand reaches behind the wall on the side, turning on the light switch. Somehow, you arent surprised that

the fluorescent lamp is broken. You open the windows instead, and the afternoon sun sheds its pale yellow rays inside the house. You see the cracks on the floor you know all too well, because in your eyes back then, they are boundaries waiting to be crossed. You have done so, as a kid, leaping about the house with your thin legs. Now, the cracks have grown hundreds of stems, big and small, and you realize your little game would turn out to be far more difficult without the agility the younger you had. You walk towards the area that used to house your kitchen. You look up, and see the nail where a wind chime used to be hung. You raise your hand to grasp the space you imagine where it would be, and you suddenly see yourself as a child, crouched by the far wall in preparation for a sprint. In a moment, the little one takes off, and jumps on the final step to reach for the wind chime. It rings loudly, the sound flowing like ripples disturbing still waters. In other occasions, you remember, the ring would stop abruptly: the cords tying the silver metal bars together get tangled in a twisted knot. You make your way towards the bedrooms, but the ping-ping-ping sound of a coin knocking on the gate stops you on your tracks. You look at your watch its time. You would have wanted to stay a little longer, but perhaps it is better this way. Too many memories rush, and you are afraid you might not be able to let go. You trace your steps back to the door, to the gate, and you are greeted by the sight of a woman standing on the porch. You smile out of politeness; exchange a little chit-chat. And then you drop the small talk and get to business. You barely know her anyway. You hand her the keys, excuse yourself, and start heading home. Not the home you have just visited one last time, the home that has witnessed your childhood, but your home of ten years that has seen you grow up.

Balikwas

Balikwas

niya, dati rati ay nakahawak lamang sila ng kanyang apat na kapatid sa rehas ng bakuran ng pribadong paaralang ito, nangangarap na balang araw ay makatuntong man lamang ang gusgusin nilang mga paa sa malalawak at magarbong mga silid nito.

Tuldok
Anastasya

Makaraan ang ilang saglit, naghudyat na ang guro na tapos na ang klase at maaari na silang umuwi. Kinuha ni Laya ang kanyang bagong shoulder bag at nagpaalam sa mga kaklase bago siya tuluyang lumabas sa kanilang silid. Magtatakip-silim na nang magsimulang maglakad pauwi si Laya. Habang papalayo siya sa ingay ng mga mag-aaral na animoy nakawala sa hawla, nagsimula siyang magmuni-muni. Naisip niya ang sapatos at bestidang nakita niya sa tindahan noong isang araw, ang kamag-aral niyang kanyang napupusuan, ang lakad na matagal na nilang pinagpaplanuhan ng kanyang mga barkada, ang bagong programa sa telebisyon na kanyang kinahuhumalingan, ang nakakaindak na kanta na narinig niya sa radyo kanina. Walang ano-anoy may batang humila sa blusang suot niya. May hawak na lata, ang paslit ay nakikiusap kay Laya na maglagay siya dito ng kahit kakarampot na barya. Binilisan at nilakihan ni Laya ang kanyang mga hakbang sa pag-asang titigilan siya ng bata. Hindi siya nagkamali. Hindi nagawang humabol ng pobreng bata sa kanya. Sa hapo nito at takot na baka mawala siya sa kakasunod kay Laya, tumigil na siya. Wala na siyang nagawa kung hindi humikbi at haplusin ang sikmura habang sinusundan ng tingin ang nagmamadaling dalaga. Patuloy na naglakad si Laya. Matapos ang limang minuto, narating na niya ang kanilang tirahan. Bago pa lamang sila sa tahanang iyon. Ni minsan ay hindi niya nga sukat akalain na makakayanan ng kanyang pamilya na umupa sa isang bahay na tulad noon. Hindi naman ito magarbo. Mayroon itong dalawang palapag, tatlong kwarto at kumpletong mga kasangkapan. Para

Mayroon talagang punto sa buhay ng isang tao kung kailan mararamdaman niya na ang lahat ay nasa tamang lugar. Yung tila ba sa bawat minuto ng katahimikan, mapapaisip siya at mapapabuntong-hininga bunga ng tuwa at pagkakuntento. Para kay Laya, ito iyon. Sa wakas, tapos na ang mga panahon na kailangang mag-alala ang kanilang pamilya kung mayroon ba silang makakain kinabukasan at kung saan sila lilipat matapos palayasin sa bahay na kanilang inuupahan. Sa wakas, ang lahat ng bagay sa kanilang buhay ay nasa tamang lugar. Masaya sila. Wala na siyang mahihiling pa. Sa wakas, natuldukan na ang maraming taong pasakit na dulot ng matinding kahirapan sa kanilang pamilya. Sa wakas. -Nakangiting umupo si Laya matapos niyang sagutin ang tanong na ibinato ng kanyang guro sa klase. Kagaya ng kanyang inaasahan, natuwa ang kanyang guro sa galing na ipinamalas niya. Simula ng nagbalik siya sa paaralan, bumalik rin ang kaniyang sigla, kumpiyansa sa sarili, at ganang mag-aral, matuto, at higit sa lahat, bumuo ng mga pangarap. Sa mga ganitong pagkakataon niya nararanasan kung gaano kasarap sa pakiramdam ang magtamasa ng mga bagay na sa pakiwari niya datiy wala naman silang karapatan at kakayahang abutin. Sa isip

Balikwas

Balikwas

sa kanya at sa kanyang pamilya, higit pa ito sa kanilang inaasahan at pinapangarap. Dito nila pinaplanong buuin ang mga bago at mas magandang mga alaala sa pamumuhay nila bilang isang masayang pamilya. Noon kasing construction worker pa lamang ang kanyang ama, palipat-lipat sila ng tirahan. Tandang-tanda niya pa kung paano sila sigawan at palayasin ng mga may-ari ng mga bahay na kanilang inuupahan dahil sa kawalan nila ng pambayad. Para sa kanya, ang mga paglipat nilang ito ay naging bahagi na ng kanilang sistema. Sanay na silang makiusap, magmakaawa . Sanay na silang mag-impake ng mga gamit sa mga plastik at kahon. Sanay na silang magpaalam sa mga kapitbahay na kakikilala pa lamang nila. Naaalala niya pa nga noon, hinahatiran niya ang kanyang tatay ng pagkain tuwing pananghalian. Araw-araw, habang nakatingala silang dalawa sa gusaling itinatayo, aakbayan si Laya ng kanyang ama at sasabihing, Makakaahon din tayo, anak. At naniwala siya sa mga katagang iyon. Para kay Laya, iyon ang nagbigay sa kanyang mga labi ng ngiti ng pag-asa kahit na salat sila sa materyal na bagay, kahit na hindi sila kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang. Hindi naglaon, tila ba naghimala ang langit at naipasok ng isang kakilala ang kanyang ama sa isang mas mataas na posisyon sa isang construction company. Simula noon, umikot ang gulong ng palad. Natamasa nila ang lahat ng mga bagay na ni sa hinagap ay hindi nila akalaing maaabot nila. Naranasan nilang guminhawa. Naranasan nila ang pag-aalala kung ano ang masarap na maaaring lutuin , mga lugar na masayang pasyalan, mga bagay na kailangan nilang bilhin. Hindi sila mayaman, ngunit ang mahalaga, hindi na sila nagdarahop. Pumasok si Laya sa kanilang bahay at naupo sa sala. Ngayon, habang tinatanggal ni Laya ang kanyang sapatos, napangiti siya at nasabing,

Ito na iyon. Ito na ang pag-ahon na matagal na naming hinintay. Sa wakas. Matapos ang ilang saglit napansin niyang dumating na ang kanyang ina. Napaangat ang ulo ni Laya at nakitang may dala-dalang isang kahon na walang laman ang bagong dating. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi pa pala tapos. Hindi pa

Balikwas Sa tunay paglikha lang Ng labis na halaga para kay boss Siyang payasong Nagpasaya sa mga bata Ngunit umaalipin Sa sahurang hampaslupa Kaya si Sandy sa gabi Hindi na magkanda-ugaga Sa pag-asikaso ng kliyente Sa Cubao ay nagpuputa Mahapdi, malalim at patibayan ng sikmura Ganito na ba ang bukas para sa mga isko't iska?

Balikwas

1K Per Unit
Nikholai Swarobski

Sadyang matalim Mga kataga ng katotohanan Bawat pantig, mga sukat at pati mga pangngalan Tila punyal na tumubos Sa bagong sibol na hininga Malaman ng UPCAT passer Na wala na ring pinag-iba Ang pinasukang institusyon Sa mga ibang eskwela Na ang layon ay kumita Kasi 'di pinondohan Ng napapanot na hinayupak Na kinalampag sa Mendiola Ng mga taong biskwit lamang Ang laman ng mga sikmura Pagkatapos ng mga klase Sila'y 'di umuuwi Ang tulog at pahinga'y Call Center ang bumibili Ang bawat burger Na isinilang ng mga pawis at pagtangis

10

Balikwas

Balikwas

11

Maya-maya, halos hindi mo na ako pinapanood. Ibinaba mo pa nga ang backrest ng upuan at hinawakan ang kamay ni Mommy na nasa likod nakaupo.

Pagtuloy ng Takbo
Penn Evan

Uy, baka mabangga tayo, ang nag-aalalang sabi niya. Naabot na ba niya yung mga pedal? Hindi yan, kaya na niya yan, ang tiwalang sabi mo. Hindi pa, ako ang umaapak sa mga pedal. Siguro dahil kabisado mo na ang daan, kaya kahit hindi ka tumitingin, alam mo kung pepreno ka o aapak sa silinyador. Tuwing ihahatid mo kami pauwi, nakakarating pa rin tayo sa bahay nang walang nababangga. Ang mga araw na kagaya nito ang pinakamasasayang araw ko. Mga araw kung saan nakakasama kita, kahit ilang oras lang kada araw. Mga araw na pinakaaabangan ko. Akala ko noon, matibay na ang loob ko. Akala ko, naiintindihan ko, kung bakit papunta-punta ka lamang sa amin ng madalas kaya nakabisado mo na yung daan, kung bakit biglang ang madalas na iyon ay nawala na. Masaya ako noon kaya hindi ako nagtanong. Pero kahit nung nawala ka, kahit na nawala yung saya ko, hindi pa rin ako nagtanong. Akala ko nga kasi, naiintindihan ko. Hindi pala. Dali-dali kong pinahid ang mga luha nang marinig ko ang pagtawag ng tiyahin ko. Lumingon akong nakangiti at kumaway sa kanila ng lola ko na pinapanood ako mula sa bahay. Napahinto ang tingin ko sa lola ko. Kung andito sana siya, baka hayskul ka pa lang marunong ka nang magmaneho, ang may pait at nadidismaya na sabi sa akin ng lola ko noong unang beses akong nagkaroon ng lisensya para makapag-aral magmaneho. Hindi ko maintindihan ang galit nila sa yo noon. Hindi ko alam kung anong nagawa mo; bakit isang araw, sinabi na lang nila sa aking hindi mo na ako pupuntahan sa bahay, at bakit hanggang ngayon, galit pa rin sila sa yo. Pero hindi ako nagtanong. Kasi nga akala ko naiintindi-

Hila sa kaliwa sabay tulak palayo sa kambiyo. Apak sa clutch at alalay sa preno. Ikutin ng ikutin ang manibela. Kabig. Preno. Hinga ng maluwag. Nagawa ko. Nakaliko ako ng walang problema. Kaya mo na pala eh, ang sabi sa akin ng tiyuhin ko. Napatingin siya sa porma ko. Naaabot mo ba yung clutch? Medyo kinakapos lang ako, ang sabi ko. Lumabas ako mula sa sasakyan at hinayaan siyang ayusin ang upuan ko paharap para mas maabot ko ang pedal. Sinubukan ko at mas madali na ngang abutin, hindi ko na kailangan tumutok. Madali akong makalimot ng mga alaala ng kabataan ko kung kayat akala ko nakalimutan ko na rin ito. Ngunit isang tingin ko lamang sa binti kong nakaapak sa clutch, ilang patak kaagad ng luha ang nalaglag mula sa mga mata ko. Hanggang baywang mo lang ako noon. Ligtas para sa isang pitong taong gulang ang mga daan papasok sa tinitirhan namin ni Mommy. Inilagay mo ako sa kandungan mo at tinuruan akong magliko. Nakakapagtaka man, nakaya kong gawin ito nang mag-isa matapos ang ilang pagsubok na nakapatong ang malalaki mong kamay sa mga kamay ko.

12

Balikwas

Balikwas

13

han ko, kung bakit bigla kang nawala, at tama lang na huwag akong umasang hahanapin mo ako at gagawa ka ng paraan makausap man lang ako. Napatingin ulit ako sa binti kong nakaapak pa din sa clutch. Naaabot ko na, ang gusto kong sabihin sayo, pero wala ka sa tabi ko. Naaabot na niya yung mga pedal, malakas na sabi ng tiyuhin ko sa tiyahin at lola ko. Sa susunod siya na magmamaneho sa inyo papuntang palengke. Hindi ikaw ang pumapalakpak sa tabi ko. Napagtanto ko, nakakapagtaka para sa isang pitong taong gulang ang hindi magtanong o magtaka, nasaan ka? Sampung taon na pala ang lumipas at ang dami ko na palang gustong itanong. Bakit hindi ko na narinig man lang ang boses mo? Bakit wala ka para matuwa ngayon na naabot ko na ang pedal? Hinga ng malalim. Apak sa clutch. Hila pakaliwa sabay tulak palayo ng kambiyo. Apak sa silinyador habang unti-unting pinapakawalan ang clutch. Tingin sa daan. Malayu-layo pa ang tatakbuhin ko. Siguro nasa dulo ka, siguro wala. Siguro makakalimutan ko ulit ang mga munting alaala. Ngunit hinding -hindi kita makakalimutan, ikaw na unang nagturo sa akin magmaneho. Bawat apak sa pedal, bawat hila sa kambiyo, bawat liko, magagawa ko dahil sayo.

Bulok
Zarina San Jose

14

Balikwas

Balikwas

15

Legata Ad Un Granello Di Sabbia (Tied Up To A Grain of Sand)


kurtNeri

so disinclined to Elton John you called him EltomBong the kabakyaan. You made me eat dishes you said were pangmayaman, and boasted to us your cars as you point a finger on each page of your well-thumbed Encyclopaedia of Automobiles. You made us wonder about Planet Nibiru and of Martians invading the Earth, and made our jaws fell with the stories of Mr. Gabi Ng Lagim-- that guy whose combination of slow-stricken words and jarring laugh could chill anybody to the marrow. You were one of those who insisted that I should get a good education, and offered to fund it when you win the Lotto. Cho, you were a confidant, a mentor, a friend to us a father since our own was provinces away from us. No, I think you were more than these. You were our savior. You saved us whenever we run out of food or strength. You saved me when I was going to some alien place and feared my way home. You saved Ate when she was not feeling well while I was at school. You saved us from breaking down at some point when your very corniness, instead of your jokes, sends us into ripples of hearty laughter. And you really loved kidding us. Last night you made us listen to the finest of classical English songsa daily dose, it had becomewith the exemption of the Italian Legata Ad Un Granello Di Sabbia and said in a text message, yan ang gusto kong kanta pag namatay na ako, put that on record." Earlier this morning, you were gone. From now on we have to prepare edible dishes without you adding more pinches of salt or just ranting in the background. We have to watch movies without you demanding science fiction and snoring in almost half of it. We have to get up from bed, everyday, without your deep, rich voice murmuring, Good morning, baet. We have to work our lives just as the same, as though you haven't left, as though nothing has changed.

I want to rock you, rock you Through a wave of the sea, of the sea Tying you up to a little grain of sand So you cant run away in the fog And you will stay near me. It was funny how you wrinkled your thick black brows as you widen those deep-set eyes whenever you see me with my head pointed at the ground and not at the nameless faces I stumble upon while walking. You knew all along that if it was not a bashful yes or a no, it was ewan ko po that I would reply but you would still talk to me until either of your tongue or your throat sores. Funnier when you vilified my being dungo (introvert) whenever you catch me smiling alone in one corner, and after a while tell me, as though nothing had passed between us, that I was your favorite pamangkin besides Ate. Even funnier, for I thought the same of you, rollercoaster of emotions as you were. Though I could not really call you uncle because you were my grandfathers brothers son (complicated, I know), you became closer to me and Ate more than our genes could. You were the one who taught us classic songs through Liberaces and his cohorts quick pianist hands, the one (probably the only) who was

16

Balikwas

Balikwas

17

Funny how the banality of your surprises could transform ones ordered life into a mess. I want to keep you, keep you Tied up to a sun ray, a sun ray And with its heat the fog will disappear And you wont feel cold ever again. But you, you will run away and alone, alone, alone Alone in the night, you will call me.

Religious Struggle Marc Jayson Cayabyab

18

Balikwas

Balikwas

19

Coke Float
Anne Liit

Matagal na rin nang huli tayong magkita kaya nagulat ako nang matanaw kita sa di kalayuang mesa sa isang fast food. Inisip ko kung lalapitan ba kita para batiin o huwag na lang at magkunwaring walang nakita. Pinili ko ang huli. Maya-maya lang, lumapit ka sa kin at nag-abot ng coke float. Ngumiti ka lang. Pansin kong may pait ang ngiti mo. Pero hindi ako sigurado; baka ako lang ang nakaramdam non. Salamat, ang tangi kong nasabi kahit parang may ibang salita pang gustong lumabas sa bibig ko. Umalis ka rin agad. Pinanood ko na lang ang mabagal mong paglalakad papunta sa pinto ng fast food. Naisip ko, ganon ka pa rin, kaya pa rin kitang iwan sa paglalakad. Matapos kumain, matagal kong tinitigan ang binigay mo bago ko naisipang inumin na ito. Marami na rin tayong pinagdaan kasama ang paborito nating coke float. Kung matatandaan mo nga naging close tayo dahil don. Patigasan
Marlon Julian S. Nombrado

Fourth year pa tayo non. May flash card quiz sa math at tayong dalawa ang magkalaban. Nakakainis yun, kung alam mo lang. Marami na akong naipatalong quiz at kung matatalo ulit ako, hindi ko na

20

Balikwas magkwento sa kin. Nakakatampo naman to. Magkwento ka nga.

Balikwas

21

kakayaning makakuha ng mas mababang grade kaysa dun sa dati. At ikaw, tinagurian kang walking calculator at wala pa talagang nakatalo sa yo sa ganitong quiz. Pero kakaiba ata ang ihip ng hangin nung araw na yon. Akalain mong nanalo ako. Sobra akong natuwa at umiral ang pagiging alaskador ko. Hindi ko inaasahang sasakyan mo ang pang-aasar ko dahil di naman yun natural sa iyo. Nong di ko na alam kung ano ang sasabihin ko, nagkunwari na lang akong galit at iniwan kita. Akala mo talaga nagalit ako. Kung ano-anong mga pinansuhol mo sa kin para magkabati tayo. Sabay tayong magrereview para sa Quarterly Exam. Tuturuan mo ako sa Quantum Physics. Tutulungan mo ko sa plates ko. Madami pang ka-weirdohan at ka-nerdan ang nasabi mo bago mo inalok ang panlilibre ng coke float. Dahil nga sa insidenteng yon, naging malapit tayong magkaibigan. Kahit coke float lang ang hiningi ko, lahat ng pinansuhol mo sa kin, naibigay mo nung naging close tayo. Napatingin ako sa iniinom ko at naramdaman ko ulit ang panghihinayang ko noon dahil fourth year na tayo naging close kahit second year pa lang naman, classmates na tayo. Tapos, hindi pa tayo magkakasama sa college. Pero sabi mo nga, Katipunan lang ang pagitan ng pinasukan natin. Puwede pa rin tayo lumabas palagi, sabi mo pa. Sa mga unang linggo, madalas nga tayong nakakagala. Kasama pa nga natin minsan yung iba nating kaklase nung high school. Sabay rin tayo umuuwi sa probinsya pag weekend. Nang lumaon, naging abala na rin tayo sa pag-aaral natin. Minsan na lang tayo magkita. Hindi na rin tayo nagkakasabay ng uwi. Isang araw, habang kumakain tayo, naramdaman ko na lang na hindi na ikaw ang kaharap ko. Parang wala ka nang interes pakinggan ako o

Tumingin ka lang sa kin sandali at tumungo ulit sa pagkain mo, Tulad pa rin ng dati, walang kakaiba. Meron yan. Anong ginawa mo kanina? Inilabas mo ang notes mo tungkol sa bago ninyong lecture sa physics. Isa sa pagkakapareho natin ang pagkahilig sa subject na yun. Marami kang sinabi. Halatang gustung-gusto mo pa rin ang physics. Naintindihan ko yung mga una mong sinabi pero habang patagal nang patagal, nagiging komplikado na. Pakiramdam ko, grade one student ako na tinuturuan mag-add ng fractions. Tanda ko pa ang nakakaloko mong ngiti nung pigilin kita. Ano, akala ko ba taga-UP ka? Aba! Sorry naman, teh. Alam mo namang walang ganyan ang course ko e. Natuwa naman ako dahil mukhang bumabalik na ang interes mo sa kin. Pero nagpanting ang tenga ko sa isinagot mo sa kin. Sus! Mga dahilan mo naman. Bakit di mo na lang sabihing mas masaya ka na sa rally kaysa sa classroom. Kaya nga ang baba ng GWA mo last sem. Sorry naman, ang tanging kong nasabi. Di ko pinagtanggol ang sarili ko. Alam kong mali kaya parang gustong sumabog ng dibdib ko sa sobrang sama ng loob. Pakiramdam ko, nalulunod ako at nagpupumilit makawala sa pagkakahawak mo para makaahon. Siguro nga, iba na ako sa nakilala mo noong high school na kakayanin

22

Balikwas

Balikwas

23

ang lahat para makakuha ng matataas grades. Pero hindi ko pa rin maisip kung bakit mo nasabi yun. Akala ko naintindihan mo nung pinaliwanag ko sa yo noon kung bakit mahalagang makasama ako sa mga gawaing tulad ng rally. Akala ko tanggap mo pa rin ako. Kung sabagay, hindi ko naman tinanong ang pananaw mo sa mga bagay na yun. Ilang minuto rin tayong binalot ng katahimikan. Parehong blangko ang mukha natin. Walang gustong magsalita. Hindi na marahil natin alam kung ano pa ang dapat sabihin. Nagyaya na akong umuwi dahil hindi ko na kayang pakinggan ang nakakabinging katahimikan. Inihatid mo na ako sa sakayan ng jeep. Binilisan ko talaga ang lakad ko para maiwan ka. Nang marating ko na ang terminal, hindi ko na inabala ang sarili kong magpaalam pa sa yo. Yun na ang naging huli nating pagkikita bago yung kanina. Napag-isip-isip ko, bakit nga ba tayo nagkaganito? Sinlamig ng coke float. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may kakaiba akong malasahan sa iniinom ko. Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Ngayon ko lang napansin na may mapait na lasa yung float, hindi lang puro tamis. Siguro ang pait na iyon ay katulad ng naramdaman kong pait nang makita kita kanina. Mapait man, alam kong kailangan yon. Hindi na magiging ganun kasarap ang coke float pag nawala yon. Sana makita pa kita ulit. At sa pagkakataong yon, hindi na ako susuko sa pagpapaliwanag sa yo ng mga bagay-bagay hanggang sa magkaintindihan na tayo. Run. Run faster. Dont end up like the boy who was caught by the police in the midst of the dispersal and was clubbed to death. For whom this condemnation rally was launched. No, not really. The blood has been boiling since the government cut the education budget across the board. Students have been protesting this for years. But blood of a student leader has to be spilled to push the nation into protest. And now the students and the police are engaged in a chase that last happened when the PNP was still PC. In the grand irony of things, they who took an oath to protect the country are used to inflicting violence on the many to protect the interest of the few. Run faster. Let everything be a blur. Enter the narrow sidestreet. Duck into the darkness. Hear heavy footfalls following. And suddenly you are aware of the heavy breathing and the sweat trickling all over your body. Suddenly you feel the exhaustion. You barely slept the past week and you have been on your feet since morning. Your sheer agitation is the only thing keeping you going. But now you suddenly want to stop. Give up. You cant keep on running. You cant fight this alone.

Turmoil
M.A.E.

24

Balikwas

Balikwas

25

See a spark of light. Run towards the light, becoming bigger as you get closer. Enter the room running and fall on your knees. Adjust to the brightness. Look around the dingy dwelling, then at the wrinkled face of a mother. Drink this, dear. Nod and murmur a soft thanks. You better stay here until things get quiet. Those police, they shouldnt be doing this. They should be the ones protecting you young ones. Youre only fighting for your education for my Juniors future. Look at the young boy watching you from behind the wall of his makeshift duyan. You can stay here until morning. Thank you. But I have to go back. My comrades need me. You are not in this alone.

Kabiguan ng Gitnang Kaisipan


Siopao Special

Katotohanang likas at katotohanang likha May likas man at natural, may nilikha na at dumatal. ... Pag-asa ba ay isang mito? Pangakong paglaya ay di tapat. Ang doktor, pari at albularyo magkakaibang alamat. ... Nalilito ang tusong matsing pagkat di iisa ang klase ng saging. Walang paki, kain lang ng kain pag naghalo ang dagta, lason ang lulunukin +++ Ang ngayon ay mahalaga sapagkat bukas ay iba na. Subalit kung ang bukas ay tulad ngayon, ano pa ang halaga ng pagbangon?

26

Balikwas Kalauna'y baka malimot mo rin naman ang mga tunggaliang ipinaglaban. Antok ang siyang kalaban sa mahabang digmaan. Habang bata pa't mapula, bukas at may pagbaka. Sa pagtanda't pagkupas, namamanhid, nawawalan ng talas. +++ Sa pagpayag at hindi, Sa pagtindig at paglamya, may pagsisisi sa pagtambay sa gitna.

Balikwas

27

Pamutas-silya
Boy Jorge

She stood out. Alone. In the corner. With her shoulders hunched, her hair hiding her face from view and her knees slightly buckled and touching each other. The party was in full swing and yet, she stood awkwardly at the far end corner of the room. Laughable. It was as if she wasn't aware she didn't quite belong. Habang nagsasayawan na ang lahat, nanatili akong nakatayo sa isang sulok - isang madilim na sulok. Tila malapit sa kanila, ngunit malayo rin. Hindi ako makaalis kahit ninanais ko man. Para bang nakapako ang aking mga binti sa aking kinatatayuan. Nangako kasi ako. Hindi ako katulad ng iba na paasa lamang; may salita akong pinanghahawakan. Pero maalinsangan. Magulo. Maingay. Mahirap malaman kung ano talaga ang nangyayari. Nanatili ako sa madilim kong sulok, pinakikinggan ang mga dagundong ng halakhakan at sigawan. Ganito ata talaga sila pag may kasiyahan. I saw some guy approach her. He was holding a drink. For a moment, I actually thought she was going to receive his good graces. But I got my hopes up too high. She lowered her head some more, as if afraid of the guy, afraid of the drink, afraid of the mere gesture he extended towards her. Where in her lady balls did she find the guts to do that! Why the hell is she resisting? She was not aware that there was nothing she can do but stick out like a sore thumb.

28

Balikwas

Balikwas

29

Naputol ang daluyong ng pagmumuni-muni ko nang lumitaw ang isang lalaki sa harapan ko. May hawak siyang basong ang laman ay kakatwa ang kulay kaya't nagdalawang isip agad akong pansinin siya. Nilapit niya pa sa kin ang hawak niyang baso kahit na halata namang wala akong balak pagtuunan siya ng pansin. Bakit mo ba sinasaksak sa akin ang ideya mo ng masarap at nakakawili? Hindi porket nandito ako sa liga mo ay magagawa mo na lamang yurakin ang mga puwedeng gustuhin ko. Sino bang nagsabing teritoryo mo ito? The music clogged my ears as the smoke clouded my eyes. Too many people were smoking tonight. I could smell nicotine and weed in the air mixing with the aroma of alcohol and sweat. Intoxicating. This is why I like parties. Nobody gives a damn about anybody. I can feel the order in the chaos inside the room. The hazy feeling of being high, being drunk, being soaked with the deafening sounds from the stereo fun! Naniniwala akong malinaw naman ang mga mata ko pero napapansin kong malabog na ang paningin ko. Iba't iba na ang naghalo sa hangin at hindi nito hinahalina ang pang-amoy at pandinig ko. Bagamat sa kabila ng mga ito, tila nahihimay ko pa rin ang pinanggagalingan ng bawat hibla ng usok na dumidikit sa balat ko at bawat notang sinusuntok ako. Yosi. Juts. Beer. Tangina pati BO. Di ko kailangan ng mga ito para sabihing nagsasaya ako. At lalong hindi ko kailangan ang mga ito upang guluhin ang pag-iisip ko, ang mga resolba ko, ang pagkatao ko. Mananatiling malinaw ang gunita ko. Again, my eyes snapped to her. There is no point! Her being here is absurd! I am not sure if it was the alcohol in my system but it bugged me. She bugged me. I wove my way through the crowd to approach the girl who relentlessly irked me all night. As I made my way towards her, the music changed. The people started to get crazy, wild. Can you all fucks let me fucking pass? But the tide caught me in its waves. I tried to detach myself, and reach the girl in that dark corner. I think she saw me.

Wala talagang dahilan. Bakit ba ako pumayag na pumunta dito? Papaalis na lamang ako nang mapansin kong may babaeng tila naipit sa kaguluhang nagbabadyang maging bagyo. Bakit parang sinusubukan niyang pumunta sa kin? Bakit parang sinusubukan niyang umalis sa kulupong ng mga tao? Nakita niyang nakita ko siya. I caught her eyes. Nagkatitigan kami. And for a moment, I thought I knew why she stood there, awkward, weird, alone. At sa isang iglap, ramdam kong ramdam niyang hindi niya alam bakit siya nanduon, ipit, nawawala, mag-isa. Lumapit ako sa kanya, hinila siya mula sa libumbon kung saan tila hindi naman siya kabilang. She pulled me from the crowd. Why? I stared at her, dumbfounded, and realized my words failed me. But she didnt. I felt I realized where I belonged. Hindi doon, hindi mag-isa, hindi sa kung saan pa. Itinakdang siya ay aking makasama, na siya ay sumama. One with the wallflowers.

30

Balikwas

Balikwas

31

Laban ng Masa
Boy Jorge

Lugaw na naman Araw-araw na lang na laman ng tiyan. Minsan susuwertehin, madalas wala talaga Ang itlog na sahog. Kamusta naman, ulan, ikaw ba ay galit sa aming bubungan? Sa San Roque kami ay kakaalis lang. Ano, kami bay pinapalipat mo na naman?? Nakakawalang-ganang pumasok. Yung klasrum kasi namin puno ng mga lamok Sisenta kaya kami. Pinagsisikan. Nakatayo. Sa sulok. Akala ng iba petiks lang Puro karangyaan, puro kasikatan Ngunit tila papet na dinidiktahan lamang Baril sa tagiliran, bala sa likuran Ikaw ang nagturo saking lumaban
Marlon Julian S. Nombrado

32

Balikwas Walaparingpag-usad... sakorteng...ubodngkupad...ngunit... anongabang...panlaban...naming...namatayan... Sa mga AMPATUAN? Salot, talagang salot, kasalut-salutan walang humpay, kaliwat kanan ang pagtataas matrikula tumataas, tumataas, tataas pa, tataas pa Baka ginagago na naman kami niyan tulad ng datiMukha ba kaming mangmang? Ano nanaman kayang kapalit ang nais sa pamamahagiBayad sa Hacienda Luisita? BINOMBA nanaman kami kami na sabi nilay MALI mali raw kasing magmartsa MAGMARTSA SA KALSADA E ikaw, Kaibigan, ano ang iyong ipinaglalaban?

Balikwas

33

Raket
Agent Leon

Madalas ako dito sa liwasan tuwing hapon. Haraya ng umuunlad na bansa ang liwasang ito. Sa bandang kaliwa, may isang napakalaking pamilihan na halos puno lagi. Sa kabilang banda naman, mapapansin ang maraming magagarang sasakyang nakaparada. Sa may bandang likod naman nung isang restawran ay isang high-class bar. Lahat dito napasok ko na puwera lang sa bar na iyon. Wala naman kasi akong pera para makapasok sa lugar na iyon. At saka isa pa, puro pulitiko ang karamihang pumupunta roon. Kuntento na ako dito sa liwasan. Sari-sari ang natutunghayan ko rito. May magkasintahang magkahawak-kamay na tila ba nasa ibang mundo, mayroon ding mga batang kalye na naglalaro, at minsan pa nga, nakakasaksi pa ako dito ng mga isnatser. Masaya dito. Mga tipong hindi mo palaging inaasahan ang mga nangyayari. Isa na siguro sa pinakamasayang lugar ang liwasang ito. Kasi biruin mo, kahit madaling araw na, may sindipa rin ang mga ilaw, may mga tugtugan pa rin at madami pang taong pakalat-kalat. (Nakalimutan ko palang sabihin, may halos limang bar dito, ibat ibang klase.) Unang apak ko rito sa lugar na ito dalawang taon ang nakaraan. Nagbakasakali ako na baka makaraket ako dito para sa pagpapagamot ni inay. Malala na rin kasi ang sakit niya. Ubo pero mas matindi pa sa ubo. Minsan kasi dugo na yung lumalabas sa bibig niya. Nagpakonsulta kami sa doktor at sabi niya, malaki daw ang gagastusin sa pagpa-

34

Balikwas amin.

Balikwas

35

pagamot kay inay. Saan naman kami kukuha ng pera? Kung bumalik lang sana si itay, hindi na sana kami maghihirap ng ganito. Noong pitong taong gulang palang ako, pagkapanganak ni inay sa bunso kong kapatid, umalis si itay papuntang Saudi. Malaki raw kasi kita doon. Sa una, nakakapagbigay pa si itay, pero nang lumipas ang ilang mga taon wala na kaming balita sa kanya. Tapos, dala na rin siguro ng sobrang lungkot, nanghina si inay at tuluyan na ngang nagkasakit. Tumigil na kami sa pag-aaral ng bunso kong kapatid para makapagtrabaho. Kaya naman nagpasya na akong makipagsapalaran dito sa Maynila para may maipambili ng mga gamot ni inay. Isang hapon, habang nakaupo ako sinasabi kong liwasan, may lumapit sa aking isang babae. Madalas ko na rin siyang mapansin dito noon. Nakakapagtaka nga lang na lumapit siya sa akin. May lighter ka? Pahiram naman o, bungad niya akin habang ngumunguya ng bubblegum. Sorry miss, wala eh, sagot ko. Okay lang, sabi niya na may halong panghihinyayang. Nasaan yung kotse mo? At bakit ka nandito? Galing ka siguro ng trabaho, dagdag niya. Nagtataka ako kung bakit niya naitanong. Pero inisip ko sana mali ang sapantaha ko. Wala akong kotse miss. Tumatambay lang ako dito, sabi ko sa kanya na may halo nang pagkairita. Tumatambay? O may hinahanap? Narito na nga ako di ba, sambit niya. Gulung-gulo na ako sa kanya nang may biglang batang lumapit sa

Ate, ate, umuwi ka na dali. Si inay, si inay, humahangos na sigaw ng bata. Leche kang bata ka, di ba sabi ko huwag mo akong pupuntahan dito? Oo na uuwi na ako. Buwisit ka, pataray na sagot ng babae. Napakunot ang noo ko sa pangyayari. Naalala ko si inay. Ano na kaya ang kalagayan niya? Sana inaalagaan naman siya ng kapatid ko. Biglang may kamay na dumampi sa aking balikat, Pasensya na, kailangan ko nang umuwi, balik ka na lang bukas, pangiting sinabi ng babae. Ako nga pala si Evelyn, pakilala niya. Dali-dali siyang umalis, sinusundan ang kapatid niya. Tiningnan ko ang orasan ko, medyo matagal na pala ako dito at wala pa akong nahihita. Naglakad-lakad ako. Naalala ko na naman si inay. Patay, wala pa akong kinikita. Lumipas ang mga araw. Isang dapithapon, habang nakaupo ako sa may pasimano ng isang napakalaking fountain, nakita ko muli si Evelyn, may kausap. Palingun-lingon siya, parang may hinahanap. Nang mabaling sa direksyon kung saan ako nakaupo, ngumiti siya, at tinuro ako sa kasama niya. Lumapit sila sa akin. May kasama siyang lalaki. Medyo mas matanda sa akin base sa hitsura. Uy, tanda mo ba ako, tanong niya sa akin. Oo, Evelyn, Ikaw ha, hindi mo naman sinabi. Ito, may papakilala ako sa yo. Nakangiting sabi niya.

36

Balikwas

Balikwas

37

Nagtakatakang sagot ko, Sino? Siya nga pala si Mr. Rosales, Itinuro niya ang kasama niyang lalaki. Ngumiti iyon sa akin at kumaway. Bigatin yan, pabulong na sinabi sa akin ni Evelyn. Iwan ko na kayo ha! Umalis si Evelyn, habang naglalakad siyay pangiti-ngiti siya sa akin. Samantala, umupo sa tabi ko si Mr. Rosales. Medyo nahihiya-hiya. Nagkalakas loob siyang tanungin ako, Ano? Puwede ka ba? Alam pala ni Evelyn. Paano niya nalaman? Kinalabit ako ni Mr. Rosales, Ayaw mo naman ata, Mauna na ako. Tumayo siya tila aalis na talaga. Hinawakan ko siya sa braso, Pasensya na sir, kalian mo ba gusto? Dinala niya ako sa condo niya. Malaki. Mukhang bigatin nga ang isang to. Jackpot ako dito. Pasensya ka na at hindi pa ako nakakapagligpit, ani Mr. Rosales. Okay lang sir, ang ganda nga ng bahay niyo e! Naghanda siya ng hapunan. Dyusko, halos ngayon lang ako makakatikim ng ganito. Hindi ko nga masabi yung eksaktong pangalan nung pagkain, basta ang alam ko pagkaing mayaman. Para bang ispageti na may puti. Hindi ko alam! Basta doon sa amin, ispageti na ang pinakamasarap. Nagkuwentuhan kami saglit. At nung medyo maggagabi na, nagsimula nang uminit ang lugar. Madami ko nang beses nagawa ito, pero bakit kinakabahan ako? Hindi ko alam. Unti-unting nagdidikit ang aming mga balat. Hindi kalaunan

ay para kaming saging na tinatanggalan ng balat. Ramdam ko ang pawis niyang katawan. Ramdam ko ang labi niyang dumadampi sa aking mukha. Ramdam ko ang haplos niyang Naalala ko si Evelyn. Magkaparehas lang kami ng pinagdadaanan. Para ito sa mga pamilya namin. Salamat sa kanya, may kikitain ako ngayong gabi. Naalala ko rin si Inay. Naalala ko ang bunso kong kapatid. Patuloy pa rin akong hinahaplos ng aking katalik. Sa unang pagkakataon, nagkalakas-loob na rin akong sagutin ang bawat halik niya. Mahaba-haba pa ang gabi. Bukas, may maipapadala na ako sa probinsya.

38

Balikwas

Balikwas

39

pagpapanatili ng kinagisnan, hinahadlangan natin ang pag-unlad ng bawat isa. Ano bang ikinakatakot natin sa pagbabago? Dapat bang makuntento na lang sa kung ano tayo ngayon?

Pagkatao, Pagbabago, at Pokemon


Solar Plexus

Naisip ko tuloy, kapuri-puri nga bang talaga kung tulad pa rin ako ng dati? O di kaya, tulad pa rin nga ba ako ng dati, gaya ng sinasabi nila? Alam ko sa sarili kong malaki na ang pinagbago ko. Hindi ko masisi ang iba kung pisikal na aspeto lamang ang napapansin nilang pagbabago. Kung tutuusin, suwerte na kung magtagal ng dalawang linggo ang bakasyon ko. Walang masyadong oras para magkumustahan at magkuwentuhan nang matagal. Pero ikaw, hindi mo ako kailangang makita nang personal para mapansin ang pagbabago ko. Hindi ka naman dating ganyan, sabi mo sa akin nang minsang tumawag ka sa telepono. Hindi ko alam kung anong nakain mo noong araw na iyon at panay ang tawag mo sa akin, kaya naman nang maubusan na ako ng ikukuwento, napunta na tuloy sa mga reklamo ko sa buhay ang usapan. Puyat kasi ako at pagod sa dami ng rekisitong dapat ipasa para sa semestreng iyon, at tila nakagaan ng loob ang simpleng pagbabahagi ng mga suliranin. Nagpanting ang tenga ko sa mga sumunod mong sinabi. Tinalo mo pa ang sermon ng nanay ko, pati nga siguro ang lingguhang sermon sa misa ng pari doon sa amin. Wala na ba akong karapatang magbago? Ganoon na lamang ba ang tingin mo sa akin? Isang manikang walang buhay, isang laruang robot? Kahit nga manika, nangungupas. Kahit nga robot, nasisira sa paglipas ng panahon. Ako pa kaya? Tulad ka rin ng ibang nagsabi sa akin na sana huwag akong magbago. Ang pinagkaiba mo nga lang, iba ang isinulat mo sa dedication page ng autograph book ko. Mahalaga ako sa yo, sabi mo. Ako nga ba talaga ang mahalaga, o ang ako na nakilala mo? Kung sa bagay, hindi na mahalaga ang sagot. Nagbago na ako, sa ayaw

Tuwing umuuwi ako sa amin, hindi ako nakakalimutang batiin ng mga nakakakilala sa akin: wala pa rin daw akong pinagbago. Manang pa rin daw ako. Nakapuyod pa rin ang buhok, tulad ng dati. Nakasuot pa rin ng maluwag na t-shirt, jogging pants, at rubber shoes, na para bang handang-handa nang maglaro sa kung saang pa-liga. Hindi raw ako tulad ng iba na nakatapak lang sa Maynila, bigla na lang nag-transform at nag-evolve na parang Pokemon. Pati ba naman tela, nagmahal na at sobra-sobra kung magtipid ang mga bilihan sa Maynila? sabi nila sa tuwing nakakakita ng mga dalagang nakasuot ng pekpek shorts, mini skirt, pantalong may disenyong butas at punit, at mga blouse na kung hindi labas pusod, labas naman ang dibdib. Kung iisipin, iyon naman talaga ang hinihiling sa atin ng mga malalapit na kaibigan: ang huwag magbago. Kahit saang slum book, dedication page sa autograph, greeting card, talumpati ng 18 candles tuwing debut, at kung ano pa mang porma, hindi nakakalimutang ipaabot ang mga salitang stay as you are at iba pang anyo nito. Kumbaga sa pulitiko, naging motherhood statement na ang sinserong mensaheng ating natatanggap. Paulit-ulit. Subalit may isang bagay tayong nakakalimutan na imposible ang hindi magbago sa paglipas ng panahon. At isa pa, sa pamamagitan ng

40

Balikwas

Balikwas

41

mot sa gusto. At tiyak kong nagbago ka na rin. Pero hindi tulad mo, hindi kita ikukulong sa Pokeball ng mga ekspektasyon na huhulma sa pagkatao mo. Hindi kita isusumpa, dahil ilang beses ka mang magevolve, ikaw pa rin yan. At syempre, ako pa rin naman to.

Sino ba ang dapat na paglingkuran: ang nasa puder ng kapangyarihan o ang masang kalakhan? Antonio Jose Galauran

42

Balikwas

Balikwas

43

Bugtungan sa Media at Konsumerismo


Siopao Special

1. Kahong puno ng laruan May sundalo, manyika't, bahay-bahayan Kahit ano pang damputin mo Mauuwi sa pagkadik, pagkaloko 2. Sa mundo kung saan Ako ang pinakapalakaibigan Relasyong naidadaan Sa espasyong di matatapakan 3. "Nasa'yo na ang lahat" Ng pera ng waldas at salat sa buong Pinas nagkalat naisin ng tao'y di sasapat 4. Mundo kung saan Imbitado ang sangkatauhan Ang ikaw sa mundong ito Naiiba, inimbento, sintunado 5. Kwento mo at kwento niya Salamin ng mga sandali't alaala Ngunit pauli-ulit lang ang drama Ang inakalang ikaw ay di pala

Life and Death


Zarina San Jose

44

Balikwas 6. Bantay-sarado ang iyong sikreto Gwardiyado sa loob ng kwadro Hawak mo ang yaman mo Sa pagtatabi, ikaw ba ay llamado? 7. Kailangan mo raw, di pwedeng hindi Maputol ang tali, di maaari Sandatang kargado at kumokombo Pag-uusap sa bawat sentimo 8. Nakabuyangyang sa madla Ang kwaderno ng may-akda Food, travel, fashion, pop Usaping lipunan, flop

Balikwas

45

Spare Change
Macoy

He reaches to his pocket for change. The old woman is sleeping, her head bobbing up and down, her nose flaring from snoring too loudly. He counts his coins two five-peso coins. He drops them on the table before reaching out to the little rectangular carton box, the usual green and black color, the huge letters of the brand and below it, the heedy warning. He opens the box and taps it on his palm. Out goes three stubs, white filters which he holds delicately between the fingers. He feels the angst come in. Manang, sorry if I didnt wake you up, he says. Here are my dues. He grabs the lighter and turns on its gears. A flame flares up. The scantily clad woman on the side of the lighter he scratches with this thumb. Put the flame on the tip of the stick, until the tobacco turns red. He takes on a hit, breathes it to his chest, stays put for a full ten seconds, before letting it all out, through his nose, through his mouth, savoring the lightheadedness of it all. A woman stares at him for breathing out the smoke as she goes past. Second hand smoke, why worry? You live in a goddamn city.

Sagot: 1. TV 2. Facebook 3. SM 4. Internet 5. Teleserye6. Bangko 7. Cellphone 8. Blog

He heads to the usual overpass to pass the time. Smoke all these three cigarettes, use your moneys worth. He hangs around the overpass and breathes out the smoke outside the metal railings. He sees the

46

Balikwas

Balikwas

47

smoke flutter around in swirls and curls, before disappearing to join the mass of urban smoke. The car engines, the multinational companies, they belch out their smoke, the product of their production, the grime that covers the urban. Why not the smoker? He hears a rustling movement by his right. He stops smoking to ogle, to ponder. A few feet beside him, a woman nestles her baby on her chest. They were lying down on a bed of cartons, their clothes by the side of the overpass. A rusty can by her front, calling for change. His eyebrows are raised. He looked at the empty can. Hope you dont mind the smoke, he says, carelessly breathing it out nearby them. He glances down at the speeding cars below. He can feel the lightheadedness now, the pinch in his heart, the heaviness of his damaged blackening lungs. The cost of a clear mind, a clear conscience, of addiction and consumption. Nearby, a baby screams for more milk, when her mother can give only much with her shriveled nipples, which will soon run out of substance and leave the baby screaming for more. The smoker looks on. Numbed. He reaches out for more coins in his pocket. On the corner of his eyes, the baby is poking at a stray crumpled Styrofoam of fast food. His mother grabs the Styrofoam to peek inside. Nothing. His hands in his pocket, he realizes he still has six more pesos. The smoker smiles at himself, thinking, he can buy more when he gets home. More cigarettes. The baby is crying for more food. Below, the old woman wakes up from her slumber. She looks down at the coins on the table. She wonders about the needy customer she has assisted this time, in numbing the senses, the rage, the empathy of it all. She scoops the metal coins on her hand and slips it on her coin purse. The rest of the night, she waits for the spare change to come in.

Usok
Boy Jorge

May nawawala. Meron talaga. May hindi tama sa araw na ito. Di lubos magagap ng kamalayan ko ngunit alam ko, meron. Tila ba ang araw ay sa kanluran nagising at ang tandang ay nag-ingay sa maling oras. Parang nagising lamang sa maling kama o kumain ng hapunan sa umaga. Aligaga ako. Di ko mawari ang kalituhang tila rehas na ikinukubli ang kaisipan kong datiy alam kong tuwid naman. Nasisiraan na ata ako? Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Tingin sa harap. Tingin sa likuran. Ninamnam ko ang mga panawagang nakapaskil sa mga dingding at pinakinggan ang mga bulong ng mga sari-saring kulay na sinusubukan akong angkinin. Ngunit para sa akin, ang mga ingay at kaguluhan sa paligid ay mga insignipikong entidad na palutang-lutang lamang sa kawalan. Napalabas tuloy ako ng yosi. Hithit. Higop. Buga. Lumulutang na ba ako sa hangin? Tila kasiy walang laman ang aking katawankundi usok. Usok na dala, hindi ng sigarilyo, kundi ng

48

Balikwas Baka para sayo, kakayanin ko? Kakayanin? Ako?

Balikwas

49

kadilimang bumabalot sa aking gunita. May espasyo kung saan mayroon dapat akong puso; may nawawala sa kung saan mayroon dapat akong nararamdaman. Napakagaan ng pakiramdam ko at hindi sa magandang paraan. Alam ko, ramdam ko ang kawalan. Hithit. Higop. Buga. Wala. Talagang wala. Nabubuhay lang ako para sa wala? Mula sa dagat ng mga insignipikong entidad, umahon ka. Papalapit, papalapit. Dala-dala mo ang hanging nag-iiwan ng kilabot sa aking mga braso. Malamig? Mainit? Kumukulo. Huli na, hindi na ako makakaatras pa. Inakbayan mo ko at nagsimulang magkuwento. Pilit kong iwinaksi sa isipan kong malunod sa ganda ng boses mo. Ngunit nilamon ko nang buong-buo ang bawat salitang binitiwan mowalang tigil, walang pigil. Napansin kong tinititigan mo ang yosing nakaipit sa mga labi ko, tila humihingi ka ng permiso. Tumango ako; ngumiti ka. Hithit. Higop. Buga. Hangang-hanga ako sa mala-ilog mong pagsasalaysay. Ang mga mabibigat na ideyolohiyang namumutawi sa mga labi mo ay rumaragasang tubig ang pagdaloy. Ang bawat pagtutol mo, sa aking pandinig, ay musikang hinabi mula sa lumang bayolin. Bawat segundo, bawat minuto, nadarama kong ako ay nabubuhay, napupuno. Ituloy mo lang. Nakikinig ako, makikinig ako. Tuluyan na nga bang nawawala ang kawalan? Ang kawalan na nagparalisa sa aking pagkilos? Kakayanin ko na bang muli ay tumindig, TUMAYO?

Naiintindihan ko, dahan-dahan man, ang katotohanan. Hindi na ito biro. Maaaring ito ang sagot, ikaw ang sagot, upang mabali ang kalituhang gumagapos sa akin. Alam kong napapalapit ang loob kosa aktibismo, pati na sa iyo. Ikaw din lang naman ang nagpakilala sa kin sa pagkilos, at ang pagkilos ang naglapit sakin sayo. Pero minahal ko ba ang aktibismo dahil sa yo o minahal ba kita dahil sa aktibismong sa akin ay ipinakilala mo? Hithit. Higop Buga. Lumilinaw na; ang usok nagninipis na. Pero marami pa akong pag-iisipan. Marami-rami pa.

50

Balikwas

Balikwas sa mga gusaling ipinunla dugo na ang idinilig kapalit ng pataba ang mga lubak na pinulbusan ay naangking mabilis ng kapirasong papel na tinintaan.

51

Padayon
kurtNeri

mga pagbabagong dulot ng kapwa pagbabago pagbabagong ang tanging lunas ay isa ring pagbabago kaya't tutulak, kasunod ay ilan pang yapak at kung kinakailanga'y lilisan at magpapaalam. pagmasdang mabuti ang repleksyon sa bintanang salamin sa aking pagbabalik, iba na ang titingin. matutulog sa byahe gaya nung dati remate.

umabante parang diyaryo lang sa pulso ng makina'y magpapaanod sa kawalan. lilingong muli sa mundong hinulma ibabaling ang tingin sa huling pagkakataon. mundong nagbabagong-bihis pinulbusan na ang mga lubak ang pataba sa lupa'y nagpunla ng mga gusaling hinahalina ng musikang sipol ng mga sasakyan. minsan pa'y masasalubong tatagos sa bintanang maalikabok ang mga matang bagama't namamaalam ay may irap ng pagtimbang mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo may busisi sa pagsukat sa dayong naging katutubo. katutubong naging dayo naging dayo 'pagkat di na makasabay di na makasabay 'pagkat sintonado ang sipol ng mga sasakya'y kinapos na ng ritmo

52

Balikwas

Balikwas

53

6-word stories
M.A.E.

Killed by gun, immortalized by pen. At dusk, everyone left a mark. Di kanya ang tinupad na pangrap. Dadanak ang dugo pagsilang ng lipunan. Handang mamatay. Handa rin bang pumatay?

Cuts
Marlon Julian S. Nombrado

About the Authors


Agent Leon
Artista.Modelo.Singer.Dancer.Superhero.Wizard.Hari.Ambisyoso.

Anastasya
Nawawalang prinsesa ng non-existent na kaharian. Mahilig magbasa, magsulat at higit sa lahat, kumain. Nangangarap na balang araw, siya ay makalipad upang maabot ang mga bituin. Chos.

Anne Liit
Gusto niyang maging sikat paglaki niya. Pero ngayon, gusto niya munang lumaki.

Boy Jorge
Constantly loves caffeine and chocolates, dreams of justice and green meadows, and writes about truth and pain. A lover. A dreamer. A writer.

kurtNeri
nilalang na may identity crisis.

Macoy
Sobrang shokot lumangoy pero nawiwili sa shokoy at waley majisip na description na hindi magiging badoy.

M. A. E.
Aspiring writer who doesnt write, contradiction personified.

Nikholai Swarobski
Peryodista, mangingibig, tambolista, militante. Tibak sa umaga, rakstar sa gabi.

Penn Evan
An observer, a thinker, a voiceless speaker. Wonderwoman in her own right.

Siopao Special
Masarap.

Solar Plexus
An aspiring writer struggling to reunite with a childhood she had yet to live through.

You might also like