You are on page 1of 2

Sa Libis ng Nayon

by Santiago S. Suarez
Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon Taginting nitong kudyapi ay isang himatong Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon Bawa't puso'y tumutugon sa nilalayon. Puno ng kawayan ay naglangitngitan Lalo na kung hipan ng hanging amihan Ang katahimikan nitong kaparangan Pinukaw na tunay nitong kasayahan. Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay Sa libis ng nayon doon manirahan Taga-bukid man may gintong

kalooban Kayamanan at dangal ng kabukiran. Ang liwanag ng buwan at kislap ng bituin Ay nag-aalay ng aliw. kung ang puso'y ang hanap ay paglalambing Awit ng parang ay dinggin. Ang pagibig man din dito nagsupling At kapag nasiphayo'y luksang libing. Kaya't ang payo ko ay inyong susundin Bukid ay dapat mahalin.

You might also like