You are on page 1of 1

KAPATID

Allan Popa
WARNING: IN CASE OF EMERGENCY
THE SIAMESE TWINS ARE HERE
Ukit sa semento sa bakod ng Ramon
Magsaysay High School sa Cubao bago nagiba.
Napatid ang hininga ni nanay
Nang malunod kami sa hangin
At umiyak sa hampas ng ginimbal.
Sumpa ng kambal na saging!
Hindi langit ang may lalang
Nitong nagwarak sa tiyan.
Kayat nagtatago kami:
Ligtas sa mga matang nag-uusig,
Sa husga ng pinagpala ng Diyos.
Pilit naming pinag-aalinsabay
Ang galaw ng aming mga paat
Pintig ng mga pusong nagtatalo.
Naghahanda sa pagbangon,
Sa hudyat ng sigaw ng panganib
Na tutubossa salang ka-patid.
Sa araw na pinakahihintay,
Mahuhugasan ang aming marka.
Si Kayin at Abel ay iisa.

You might also like