You are on page 1of 2

MGA URI NG TULA

A. Ayon sa Kaanyuan
Tulang pasalaysay o buhay Ito ay naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o
pangyayari. Magkakaugnay ang mga pangyayaring mababasa sa mga taludtod nito.
Nahahati ang mga tulang pasalaysay sa mga sumusunod:
1. Epiko Ito ay tulang salaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao, mga tagumpay
niya sa digmaan o pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ritong hindi
kapani-paniwala sapagkat may taglay na kababalaghan o salamangka at milagrong
napapaloob. Mauuri ang epiko bilang sinauna o pambayani, makabago o
pampanitikan at pakutya.
2. Awit (song) at korido Ito ay mga tulang pamana sa atin ng mga Kastila. Ang mga
paksa nito ay hinango sa pangyayari na tungkol sa pagkamaginoo (chivalry) o
pakikipagsapalaran. Ang mga tauhan ay mga dugong bughaw gaya ng harit reyna,
prinsipet prinsesa.
3. Balad Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit. Naglalaman ito ng
madamdaming pagsalaysay.
Tulang pandamdamin o liriko Nagpapahayag ang mga tulang ito ng damdaming
pansarili ng kumatha o ng kaya ay ng ibang tao. Maaari rin iton likha ng
mapangarapin imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong
maikli at medaling maunawaan.
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng tulang pandamdamin/liriko.


Awit Ito ay madamdamin at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag-ibig,
kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
Soneto[1] Ito ay tulang may 14 na taludtod. Naglalaman ito ng damdamin at
kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao at naghahatid ng aral sa
mambabasa sa kabuuan.
Oda Nagpapahayag ito ng isang papuri, ng isang panaghoy o iba pang masiglang
damdamin. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa
isang saknong.
Elehiya Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya
ay tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
Pastoral Naglalarawan ito ng tunay na buhay sa bukid.
Dalit Ito ay awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng
kaunting pilosopiya sa buhay.
Tulang pandulaan Naglalarawan ito ng madudulang pangyayari na halos katulad
ng nagaganap sa tunay na buhay at ang layunin nito ay upang itanghal.
Tulang sagutan / patnigan Ito ay mga tulang pampagtatalo at pangangatwiran.
Ang mga halimbawa nito ay duplo, karagatan, balagtasan at batutian.

B. Ayon sa Kayarian
Matanda o makalumang tula Binubuo ang tulang ito ng mga taludtod na may
sukat at tugma. Ito ang pamamaraang ginamit ng mga kilalang makatang Tagalog.
Malayang taludturan o free verse Nabibilang ditto ang mga tulang walang sukat
at walang tugama. Isa itong paghihimagsik sa makipot na bakod ng matandang
panulaan.

Tula sa tuluyan Ang tula ay tunay na tuluyan o prosa ngunit ang diwang
nakapaloob ay masagisag. Maiikli at matayutay ang ginagamit na pananalita gaya
rin ng isang tunay na tula.
Di-tugmaang tula Nagtataglay ang tulang ito ng sukat subalit walang tugma.
Hindi ito gaanong gamitin sa ating panulaan.

C. Ayon sa Layon
Mapaglarawan naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o mayakda sa isang kalagayan, pook o pangyayari.
Mapagpanuto namamatnubay, nagtuturo o nagpapayo ng isang ara sa
pamamagitan ng mga taludtod.
Mapang-aliw nagbibigay aliw o lumilibang sa mga mambabasa. Maaaring ito ay
nagpapatawa, nanunudyo o isang masagisag na palaisipan.
Mapang-uroy nangungutya ito o namumuna ng mga kamalian o kasamaan ng
isang bagay, ng kahangalan ng isang tao at mga pagkalulong sa isang hindi
magandang bagay.
D. Ayon sa Pamamaraan
Masagisag gumagamit ang makata ang mga simbolo o pahiwatig sa
pagpapakahulugan ng kanyang akda.
Imahistiko ipinahahayag ng makata ang kanyang kaisipan at damdamin sa
paggamit ng mga imahen at larawang-diwa.
Makatotohanan tinutukoy ng makata ang kalagayan ng tunay na buhay sa daigdig
o ng nakikita ng ating dalawang mata.
Makabaghan / surealistiko ang makatay gumagamit ng mga pangitain at galaw
ng isang isipang nahihibang at wala sa wastong kamalayan.
E. Ayon sa Bisa
Madamdamin ang makata tumutukoy sa mararangal na damdiming gamit ang
tula. Inilalarawan niya ang isang masining na kagandahan.
Mabulaybulay matimpi o pigil ang damdaming inilalahad ng makata at
umaalinsunod sa pagbubulaybulay o repleksyon ng isang bukas na isipan.
F. Ayon sa Kaukulan
Mabigat mataas ang uri. Mabigat ang tema at diwa. Ito ay isang mataas na uring
pampanitikan.

Pampagkakataon o pang-okasyon ito ay mga tulang pambigkasan na ginagamit sa


koronasyon, luksang lamayan, mga kaarawan at mga pagdiriwang ng bayani at
araw ng pangilin.
Magaan hindi gaanong mataas ang uri. Medaling isipin at karaniwan sa mga
bugtungan at tulang pambata.

You might also like