Sa pagkawala ng mga magulang, damang-dama ang kalungkutan
Litong-lito ang isipan, sirang-sira ang kinabukasan Sa paggising araw-araw inaalala ang magulang Si Inay maasikaso at si Itay mapagmahal
Ang kanilang pagmamahal ay di mahihigitan
Di masusuklian ng pera man o kagamitan Akoy litong-litot sapagkat wala na silang gagabay Sa gawain nagtutulungan at sa kalungkutan nagdadamayan
Bat ba nila ako iniwan, anong naging kasalanan?
Inay, Itay kailangan ko kayo sa aking buhay Sa baon binibigyan at sa kagamitay binibilhan Sa lahat ng mga bagay ay handa kayong ibigay
Unti-unti akong nawawalan ng pag-asa dahil sa inyong pagkawala
Noon tayoy nagmamahalan ngunit ngayon nagkalayuan Ano ang gagawin ko? , Sumuko ba ang kasagutan? Nagsimbat nagdasal, nanalig sa Diyos. Doon ang kasagutang Lumaban kat huwag mawalan ng pag-asa