You are on page 1of 2

October 10, 2016

Mahal kong guro,

Isang maaliwalas na umaga po sa inyo. Sisimulan ko ang aking


pagpapahayag sa paraan ng paglalarawan na maihahantulad kita sa mga
bituing napakalas kuminang sa gabi. Na ang iyong mga turo at gabay ay
halos kumapit na sa aking mga dibdib. Napakahusay nyo pong magpatawa,
magpakaba, magbigay ng patama at nakakatuwang mga biro. Kayo pa
lamang ang nagging kakaibang guro na na-encounter ko kasi sa kakaiba nyo
pong gabay, tulong at turo sa mga estudyante.
Para sa akin kung bibigyan kita ng puntos sa pagitan ng isa hanggang
lima, lima ang pinakamataas, masasabi kong pang lima ang puntos na
ibibgay ko sapagkat sa simula pa lamang ay bukal niyo pong tinanggap
kaming magkaclassmate na BS Physics-II. Tinanggap niyo po ang hamon na
makipagkita sa amin sa araw na kami lang talaga ang tuturuan sa araw na
miyerkules at sabado. Ito ay patunay na sa bawat sakripisyo na nilalaan nyo
po sa amin ay handa naming tumbasan ng kapalit na handa rin pumasok sa
araw na yaon.
Hindi ko po inaasahan na ganito ang magiging resulta o bunga ng
inyong mga turo, masyado nyo po talagang hinasa kami dahilan nito ay ang
pagkamulat namin sa katotohan na ang pagtuturo ay may ibat-ibang uri o
katangian na kailangan malaman ng bawat isa, base sa aking
pagsususbaybay ay yaong bukod tangi ang inyong pagpapakita sa amin ng
turo. Dito ay napagtanto ko na kinakailangan po talaga namin na husayan at
ipakita ang nakatagong anyo sa amin upang maging kapalit sa ngiti na
aming inaasahan sa inyo - Dr.Felixberto C. Labastilla.

-John Christopher PalacioBS Physics-II

You might also like