You are on page 1of 4

FIL 101

BS PHYSICS I
Dr. Cheryl P. Barredo

Ano ang komunikasyon?


Ang komunikasyon ay proseso, pagpapahayag, paghahatid at
pagpapalitan ng ideya o opiniyon. Nagbibigay rin ito ng impormasyon
sa mabisang paraan na maitutulad sa isang pakikipag-ugnayan,
pakikipagpalagayan o pakikipagunawaan.

Ano ang layunin ng komunikasyon?


Magbigay ng daan tungo sa pag-uunawaan ng mga tao.
Magpakalat ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na mga
kaalaman.
Magbigay-diin o halaga sa mga paksa o isyung dapat mabigyangpansin, talakayin, at dapatsuriin ng mga mamamayan.
Magbigay ng daan sa ibat ibang kaisipan, damdamin at saloobin ng
mga tao.

Anu-ano ang modelo, proseso at elemento ng komunikasyon?


Ito ay ang modelo at proseso na galing kay Aristotle na ang mga
elemento ay nagsasalita, ang sinasabi, at ang nakikinig.

Ito ay ang modelo at proseso na galing kay Claude Shanman at Weave


na ang mga elemento ay pinanggalingan, tagapaghatid (transmitter),
senyas o kodigo, tagatanggap ng pahatid (reciever) at destinasyon.

Ito ay ang modelo at proseso na galing kay Berlo na ang mga


elemento ay pinagmumulan, mensahe, tsanel at tagatanggap.

Ito ay ang modelo at proseso na galing kay Wilder Schrama na ang


mga elemento ay ang pinanggalingan, ang mensahe at ang
distinasyon.

Ito ay ang modelo at proseso na galing kay Swanson at Marquard na


ang
mga
elemento
ay
pinanggalingan

mensahe
(sumulat/nagsasalita), ideya o mensahe, kodigo (Wika, kumpas,
ekspresyon ng mukha), paraang paghahid (limbag, alon ng hangin,
pahatid-kawad)
at
tumanggap
ng
mensahe
(bumasa
o
nakinig)pinanggalingan ng mensahe.

Ito ay ang modelo at proseso na isinabuo na ang mga elemento ay ang


tagabigay, ang mensahe, ang daluyan o daanan ng mensahe, ang
tagatanggap, ang tugon at ang mga maaaring sagabal sa
komunikasyon.

Antas at uri ng komunikasyon.


Antas ng komunikasyon:
Intrapersonal - komunikasyon pansarili at nagaganap sa isang
indibidwal lamang
Intrpersonal - komunikasyon na nangyayari sa pagitan ng dalawa o
higit pang tao.
Komunikasyong pampubliko - isinasagawa sa harap ng maraming
mamamayan o tagapakinig.
Komunikasyong pangmasa - komunikayong gumagamit ng mass
media, radyo, telebisyon at pahayagan.
Komunikasyon na pang-organisasyon - komunikasyon na
nangyayari sa loob ng organisasyon o samahan gaya ng ladlad at
anak-pawis.
komunikasyong pangkultura - ang Komunikasyon para sa
pagtatanghal o pagpapakilala ng kultura ng isang bansa.
Komunikasyong pangkaunlaran - tungkol sa industriya, ekonomiya
o anumang pangkabuhayan.

Uri ng komunikasyon:
Verbal - gumagamit ng salita o wika upang ipahayag ang kaisipan,
damdamin o saloobin sa paraang masalita.
Di-verbal - nagpapahayag ng damdamin o gusto sa pamamagitan ng
simbolo, ekspresyon ng mukha o senyas at iba pa.
Ano ang kahalagahan ng komunikasyon?
Ang komunikasyon ay isang paraan upang tayo ay mapag isa. Isarin ito

sa pinakamahalagang sangkap ng pagkakaintindihan sa isang lipunan.


Dito rin naipapahayag natin ang ating mga saloobin ukol sa ating mga
nakikita at nararamdaman. Ang komunikasyon rin ay nagpapanatili ng
kapayapaan sa isang lipunan kayat ang lipunang kulang sa
komunikasyon ay kadalasang nagkakagulo at hindi nagkakaintindihan
kayat ito ang kahalagahan ng komunikasyon sa ating buhay na dapat
nating malaman at alamin hindi lamang para sa ating sarili pati rin sa
nasasakupan natin.

You might also like