You are on page 1of 1

Ang Buhay Estudyante sa Kolehiyo

Isang magandang umaga/hapon po sa inyong lahat!


Ano nga ba ang buhay estudyante sa kolehiyo? Mahirap ba? Madali? o
tama lang? Ang aking itatalumpati ay tungkol sa buhay estudyante sa kolehiyo. Alam na
siguro natin ang pakiramdam ng pagiging isang estudyante, pero, ang pagiging isang
kolehiyo? Napakalaking kaibahan pala ang maging isang kolehiyo sa elementarya at
sekondarya, lalo nat tungkol sa sunod-sunod na gawain na kailangan mong tapusin.
Napakahalaga ang makapag aral sa kolehiyo kaya hindi dapat tayo o ito binabalewala.
Hindi madali ang buhay estudyante sa kolehiyo, lalo na kapag sabay-sabay
ang mga gagawing proyekto, takdang-aralin, mga report, at meron pang pag papractice ng sayaw sa P.E., dagdag pa natin ang pag re-review para sa exam. Ang hirap
tuloy mag isip kung ano ang uunahin. Sa paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa
ang problema sa puyat, kalaban mo pa ang antok. Kaya minsan late nang makapasok
sa umaga. Minsan naman ay dadagdag pa ang mga bayarin na nag papabigat sa bulsa.
Tulad ngayon, malapit nanaman ang exam kaya marami nanamang kailangang gawin,
pero normal lang naman yan dahil lahat yan ay talagang mararanasan sa kolehiyo.
Naaalala ko noong unang semestre, kapag nahuli ka ng kahit isang minuto sa pag pasa
ng proyekto ay hindi na ito tatanggapin ng instructor, wala naman tayong magagawa
dahil binigyan naman nila tayo ng oras at araw para tapusin iyon.
Sa kolehiyo, hindi rin nawawala ang pangongopya, nandyan pa rin ang
lumiliban sa klase dahil sa tamad nang pumasok. Marami siguro silang pang bayad,
kaya ganoon. Ang iba naman lumiliban dahil sa pag lalaro ng mga Online Games. Ang
gumagawa lang ng mga ganoong bagay ay mga estudyanteng tamad at hindi nag
seseryoso, binabalewala nila ang pag hihirap ng kanilang mga magulang para lang
makapag aral sila. Mayroon din akong pinsang ganyang, hindi naman sila mayaman
pero ewan ko bat hindi siya nag seseryoso sa kanyang pag-aaral, kaya hindi nag tagal
ay pinahinto na lamang siya. Hindi rin nawawala ang mga ligawan, mayroon pang mga
nag lalakad na nakaholding hands at pa sway sway pa. Mayroon ding mga nag aasawa
o nabubuntis ng maaga, dahil siguro sa sobrang pagmamahal.
Sa buhay kolehiyo ay hindi lang puro hirap sa pag aaral, nandyan parin ang
kasiyahan. Hindi rin nawawala sa barkada ang gumimik, pero minsan lang naman kung
baga konting pagliliwaliw. Masaya rin kapag pati ang instructor ay kasama mo sa
lokohan, at kapag may Tour ang buong klase. Maraming bagay ang masasaya basta
lahat ay nagkakasundo.
Kailangan lang natin ng pagsisikap, maging masipag na estudyante, may
determinasyon dahil mas masarap parin sa pakiramdam kapag natapos mo ang ilang
taong pag-aaral mo sa kolehiyo, iyon bang aakyat ka sa stage at pinagmamalaki ng
magulang. Para sa akin ang makapagtapos sa kolehiyo ay isang malaking pangarap,
pangarap ko at pangarap ng ating mga magulang. Sila ang walang sawang
sumusuporta at gumagabay na walang ibang hiniling kundi ang mabigyan tayo ng
magandang kinabukasan . Ang pagiging kolehiyo mahirap pero masaya.

You might also like