You are on page 1of 3

Ella Beatrice R.

Veloso

Filipino 12 J

18 Hulyo 2016

Dr. Edgar Samar


Haligi ang Halaga

Crucifix, larawan, anting-anting, liham, something, another thing related to religion


ang mga bagay na ito ay iilan sa mga bagay na ating pinapahalagahan. Ang halaga ay hindi
lamang iisang dimension, hindi ito fixed, at hindi ito quantifiable. Ang halaga ay produkto ng
damdamin, hinihigitan nito ang agham at mga numero, at hinaharian nito ang paraan ng
pamumuhay ng mga tao. Napakaraming paraan ipakita ang halaga para sa isang bagay. May
mga nagtatago nito, itinutiring na lihim, linalayo mula sa peligro. May mga nagpapamalaki
nito, ibinabalandra sa mata ng kung sino mang dumaan o sumilay. Bukambibig ang bagay na
ito. Merong ipinaglalaban ito. Ipinapakita na ang bagay na ito ay higit pa sa kahit ano, sa
kahit sino. Ang halagang ito ay hindi tinutumbasan ng kahit ano. Ang dahilan sa likod ng
pagpapahalaga ng mga ito ay bumubukod sa mga dahilan ng takot, pagsasaaalangalang,
playing safe, making sure, etc. ngunit ano pa man ang dahilan sa kabila nito, hindi
maipagkakaila na ang mga pagpapahalagang ito ang nagdidikta ng ating bawat kilos at
pamumuhay. Sa kung paano natin isagawa ang ating mga buhay. Ngunit bukod sa mga bagay
na may sentimental na kasaysayan, at mga artifacts ng relihiyon, ang mga pagpapahalaga ay
nakapataw sa ating mga hinaing, damdamin, at mga pangarap. Kagaya ng sa pelikulang Da
Dog Show at ang kuwento ni Irene sa nobelang Para Kay B, ang mga kilos ng mga tauhan na
sina ay sa dahilan ng kanilang mga paniniwala. Ang paniniwala ay hindi lamang iisang
dimension, ang paniniwala ay ang sumatotal ng mga takdang Halaga, Alaala, at Kawalan na
nagsasabi kung ano ang ibig sabhing maging tao.
Naipakita ang halaga sa paniniwala sa Da Dog Show sa determinasyon ni Mang
Sergio makuha ang anak niya, at sa alagang kaniyang binibigay sa kaniyang mga aso.
Naniniwala siya sa kaniyang mga aso, naniniwala siyang sila ang magbibigay ng kabuhayan

sa kaniya, at sila lamang. Iba ito sa hindi niya paniniwala sa kaniyang mga anak, sa hindi
pagbigay sa kanila ng alaga at ng atensyon gaya ng binibigay niya sa kaniyang mga aso. Sa
kaniyang pagkuha sa kaniyang anak, naniniwala siyang makukuha nya ang kaniyang anak, na
handa siyang maglakbay at dumayo patungo sa walang kasiguraduhan pero may paniniwala
na makukuha niya ang marapat na sa kaniya. Sa Para Kay B, si Irene ay matagal nang
nawalay sa kaniyang dating minahal na si Jordan. Noong kanilang kabataang ika pa nga nito
na Pakakasalan kita at ang pangakong ito ay pinanghawakan ni Irene. Hindi siya
nakikipagdate sa mga lalakeng j ang simula ng pangalan. Naniniwala siya na Tadhana ang
magdadala sa kanila papalapit sa isat isa. Naniniwala siyang mapupunta rin sa kaniya ang
karapat dapat na kaniya. Walang kasiguraduhan, o pinanghahawakang something. Pawang
paniniwala lamang ang bumuhay sa kanila.
Naipakita ang halaga sa alaala. Sa Da Dog Show, mas nakikita ito sa tauhang si Celia.
Siya ay madalas na gumamit ng kutex ng nanay niya, at itinituring itong parang transport para
magkasama ang kaniyang ina. Dito, nababalot siya ng hiwaga papalayo sa mga hindi kanaisnais. Ang hangad para makita ang kaniyang ina, na nakikita sa kaniyang madalas na
paghanap sa kaniya ay base sa alaala. Maging ang kaniyang mga tiyahin ay inaalala ang
kaniyang na na kung nandito sana siya ay nagyoyosi ito. Hindi lamang ang kulay ng kutex
ang ikinatutuwa ni Celia, ngunit dahil dito rin nahahanap ang kaniyang ina. Sa kaniyang mga
pantasya. Ang kaniyang pamumuhay ay nagaganap sa sementeryo, at sa kadiliman ng gabi,
nagagawa niyang makulay ang kaniyang kapaligiran at nandoon siya sa sarili niyang mundo
ng kariktan at kulay. Sa Para Kay B, si Irene ay may photographic memoryitinuring niya
itong isang talent, at sumpa. Madals ay natatawag siyang Weird dahil dito ngunit
ikinasusumpa niya ito dahil ang bawat detalye ay kaniyang naalala. Ito ang nagpatibay ng
kaniyang halaga para kay Jordan. Ang bawat salita, lokasyon, ay naalala niya. Sa kaniyang
pantasya naman, ay nacconjure niya ang kaniyang namatay na ina sa oras ng kaniyang

kasawian. Gagabayan siya nito at yayakapin, habang nilalagyan ng kutex ang kaniyang mga
kuko. Muli, ang alaala ang naghatid ng kulay, at ang presensiya ng ina ang umalis ng lumbay
kahit ang mga ito ay katha lamang gabay ng kanilang mga alaala ng kanilang mga ina.
Ngunit sa lahat ng mga paniniwala at alaala, walang mas makapagiiral ng halaga
kundi ang kawalan ng mga bagay, ideya, at konsepto ng mga ito. Sa Da Dog Show, nakuha
nga ni Mang Sergio ang kaniyang anak ngunit sa huli, ay namatay ang isang aso.
Ikinalungkot ito ni Mang Sergio at ng kaniyang mga anak ito. Mas lalong naramdaman ni
Mang Serapio ang halaga ng asong ito sa kaniya, at sa kaniyang pamilya, at sa kaniyang
kabuhayan. Sa Para Kay B, natagpuan ni Irene si Jordan ngunit hindi siya naalala nito. Hindi
naalala ni Jordan ang mga pinagdaanan nila bilang mga bata, Siguro dulot na rin ng
napakalagim niyang kabataang pinilit niyang kalimutan, at kasama na si Irene dito. Nasaktan
si Irene dito. At ano ang kaniyang ginawa? Nakipagtalik siya kay Jordan. Sa kilos na ito,
pinakawalan niya ang kaniyang paniniwala at alaala sa libog at pagkalimot. Tinanggal na niya
ang koneksyon kay Jordan, tinanggalan na niya ng halaga. Ngunit, patuloy mang umiral ang
halaga, ay lahat ay mawawala na. Sa kawalan ng bagay na iyon, mawawala ang paniniwala,
mawawala ang alaala, at dito titigil ang pag-iral ng pagbibigay ng halaga, ang kabuluhan ng
pagiging tao. Kaya sa huli, si Mang Sergio ay natagpuang mistulang walang buhay na
nakapikit, at si Celia ay umiiyak sa paggising sa kaniyang mga pantasya at si Irene ay
naglakad papalayo sa motel, kinalimutan na ang pag-ibig na kaniyang inasam.
Ang maging tao ay maniwala, umalala, at mawalan, at lahat ng ito ay upang makapagbigay halaga sa mga bagay, tao, at pangyayari upang sa gayon ay mabigyang kahulugan at
kabuluhan ang ating mga sarili, upang maisagawa ang ating mga papel sa rumaragasang
takbo ng buhay. Ano man ang paraan ng pagsasagawa nito, mananatili tayong mga tao, at
mananatili ang mundong ito sa pag-iral batay sa ating pag-unawa at pagtakda dito.

You might also like