You are on page 1of 2

Veloso, Ella Beatrice Ikalawang Mahabang Pagsusulit

PH 103 A Marso 27, 2019

Nakikitagpo ang Diyos sa tao sa banal na lugar. Sa banal na lugar nakakatagpo ng tao ang misterium
tremendum/ familiaris/ludens

Ang teknikal na karanasan ng karanasang relihiyoso ay ang pakikipagtagpo sa isang personang


sumasaibayo at may kapangyarihan. Ngunit, paano nga ba nagpapakita ang banal na ito? Mayroong
karanasan ang isang nagppresensiyang persona na nagdirito sa isang konkretong paraan. Ngunit,
magkaiba ang pakikitagpo ang personang ito sa pakikitagpo sa kapwa-tao. Iba ang pakikipagtagpo ng
karanasang relihiyoso. Pareho silang may pagharap sa hiwagang nakikipagkapwa, ngunit hindi materyal
ang banal. May mga bagay o pangyayari na nagpepresensiya ang banal. Ito ay tinatawag na hieropaniya,
o pagpapakita ng banal. Ang pagpapakita ng banal ay hindi itinatakda ng tao. May mga panahon o lugar
na sadyang nagpepresensiya ang banal, at tinatanggap ito ng relihiyoso bilang isang banal na panahon
o lugar. Samakatuwid, pag nakakatagpo natin ang banal, nakikita na hindi ito dahil may meron tayong
ginawa, pero dahil may hieropaniya. Sa isang paraan, tumawid ang banal at nagpapahayag sa ating
realidad. May nakakatagpo tayong nagppresensiya, na nasa ibayo ng ating pag-uunawa, pero
nakikipagtagpo sa atin, at ang pagtatapong ito ay nagsisilbi bilang ating bukal na kahulugan at batayan
sa pagmemeron.
Isa sa mga hieropaniya ang banal na lugar. Ang bawat banal na lugar ay may implikasyon ng
hieropaniya na nahihiwalay ito sa kaniyang paligid, at ginagawa itong kakaiba. Ipinapakita dito na may
isang lugar na bahagi ng chaos ng katalagahan, at biglang nagpresensiya yung banal kaya ang relihiyoso
ay nais manahan doon kasi doon siya nagkakaroon ng kaayusan at kahulugan. Makikitang iba ito sa
karanasan ng taong sekular, o taong hindi relihiyoso. Para sa kaniya ang banal na lugar ay walang
pagkakaiba sa kaniyang paligid—ang lupa ay lupa. Lagi niyang inuuwi ang lupa sa kaniyang sarili, at
ang pagtugon niya dito ay ukol sa pagmamanipula ng lugar na ito. Ngunit para sa relihiyoso, may halaga
ang lugar na ito. Mahalaga na may lugar na makakatagpo yung sumasaibayo. Kapag nakikitagpo ang
sumasaibayo sa banal na lugar, nagkakaroon ng karanasan ng pagkabuo ang relihiyoso. Nakikitagpo
ang sumasaibayong higit sa atin bilang bukal na pagka-malikhain ng meron. Sa pakikipagsapalaran sa
puntong ito ng pagppresensiya ng banal, higit siya nagiging kaniyang sarili, mas natutupad ang
kaniyang sarili. Nakikipagsapalaran tayo sa isang sumasaibayong meron sa isang tunay na paraan.
Masasabi na ang hinahanap ng taong relihiyoso ay ang sentro ng kaniyang sarili. Nais niyang
matuklasan ang potensya na maging buo. Pag nagpepresensiya ang banal sa kaniya, nakakaramdam siya
ng pagnanahan. Pag nakakatagpo niya ang banal, mas nagiging buo siya. Ang banal ang bukal ng
pagmemeron niya, at babalik at babalik siya sa banal na lugar. Ang sumasaibayong ito ay ang batayan
at bukal ng kaniyang pagmemeron. Pinapatibay nito ang kaniyang pagmemeron. Kailangan ito ng tao
dahil marupok ang pagmemeron ng tao dahil ang kaniyang pagmemeron ay pagmemeron tungo sa
kamatayan. Ngunit, hindi iyan ang huling salita dahil habang ang tao ay bunibukas ang kaniyang sarili
sa pagpepresensiya ng sumasaibayong bukal ng kaayusan.
Ang karansanan ng taong relihiyoso ay merong isang mahiwagang nagppresenta sa kaniya na
hindi niya maipaliwanag, at hindi mahuli sa katwiran. Ang banal ay nararanasan bilang may pag-aalaga
sa lahat-lahat hanggang lampas as hindi niya alam. Possible talagang merong nagppresensiya na di
mahuli-huli, at mapaliwanag, kaya sinasabi na ang karanasan sa banal ay mysterium. Partikular yung
karanasan ng mga taong relihiyoso sa misteryong ito. Madalas nilang nararanasan ang mysteryong ito
bilang mysterium tremendum, fascinosum, at ludens.
Ang ibig sabihin ng misterium tremendum ay umiiral ka sa isang bagay na napakahigit, na
kumilos lang ito, lumapit lang ito, pwede ka nang maging wala. Tumutugon ang kalooban sa
pagppresensuya ng bagay bilang isang tremendum. Hindi lamang ito takot, pero isa siyang paghanga,
pagkilala sa kapangyarihan ng sumasaibayo, at pagdanas sa kakaiba at hindi kilala.
Ang ibig sabihin ng misterium fascinosum ay nararanasan ang banal bilang sukdulan ng
ginhawa sa pamilya ng tao. Nakakatagpo mo ang isang ganap na kaiba pero isang ganap na kaiba kung
saan ka nananahan. Sabay ng pagkamulat ng tremendum, nabbighani ka kasi tinatawag ka kasi dito
talaga ang tahanan mo. Nabibihag ka at nakikilala mo na ang tunay mong tahanan ay nasa banal.
Nararansan ang banal bilang tunay na tahanan, lugar na pwede silang mapayapa at manatili.
Naisasalamin ito ng salmong “Truly my soul finds rest in God; my salvation comes from him. Truly he
is my rock and my salvation; he is my fortress”
Kailangang sabay na nagaganap ay mysterium tremendum at mysterium fascinosum. Ang mga
taong nararanasan ang tremendum lamang ay maaring mapuspos, at lalong maramdaman ang
pagkakahiwalay at pagkakaiba ng kanilang pag-iral. Maaring lalong lumayo ang taong ito sa
sumasaibayo. Kung fascinosum lamang ang nararanasan, nagiging maramdamin lamang ang tao, at
hindi niya iniintindi ang mga kahihinatnan ng kaniyang mga gawain. Kaya ang mysterium, ay
mysterium tremendum et fascinans, ang nananabik na paglapit ay kasabay na magalang na pag-urong.
Nanginginig ang tao, nakikipagtagpo siya sa mysterium tremendum. Sa kaniyang tahimik at sabik na
pagtanggap, nakikitagpo siya sa mysterium fascinosum.
Ang sunod na mysterium ay ang mysterium ludens. May trahedya at kadiliman ng buhay ng
tao, pero laging nakatali ang pag asa doon. Pinapakita na ang pagmemeron ay di lang basta pag-iiral,
pero isang walang hanggang kayamanan. Pinapakita sa mysterium ludens na ang karansan sa banal ay
isang mapaglarong walang hanggang pagbibigay kaya walang hanggang kayamanan ang karanasan sa
meron. Yung meron ay isang walang hangagn kayamanan na umuusbong at sumisibol at ang
nagpapasibol nito ang larong nagbibigay. Walang hanggang kayamanan ang ating karanasan sa
pagppresensiya ng mga bagay bagay. May mga tao na natatauhan na bahagi ng pananabik ng kalayaan
ang pagbubuklod ng sarili sa kapwa kaya humuhubog sila ng matibay na pagkabuklod ng tao sa tao.
May isang hiwaga na di natin mapaliwanang, pero may mga pagkakataon na nararanansan natin ang
laro ng pagbibigay nito. Kasama tayo sa larong nagbibigay, inaanyayahan tayong sumali sa larong ito
na payamanin pa ang mga nagmemeron. Inaanyayahan tayong makibahagi sa larong higit sa atin.
Yung karanasan ng katagalahan ay karanasanan ng pagppresensiya ng mysteriym trememndum
fashonosum, at ludens din. Yung damdamin ay karanasan na ginigising ang iyong damdamin at
nararanasan ng may nagpepresensiyang banal.

You might also like