You are on page 1of 9

Talambuhay ni Hesukristo at Muhammad

MARAMING bantog na tao sa daigdig. Ang ilan ay kilalng-kilal sa kanilang sariling komunidad, lunsod, o bansa.
Ang iba naman ay tanyag sa buong daigdig. Gayunman, hindi naman nangangahulugan na kung alam mo ang
pangalan ng isang bantog na tao ay talagang kilala mo na siya. Hindi ito nangangahulugan na alam mo ang mga
detalye hinggil sa kaniyang pinagmulan at kung ano talaga ang personalidad niya.
Ang mga tao sa palibot ng daigdig ay may nalalaman tungkol kay Jesu-Kristo, bagaman nabuhay siya sa lupa mga
2,000 taon na ang nakalilipas. Gayunman, marami ang nalilito kung sino talaga si Jesus. Sinasabi ng ilan na isa
lamang siyang mabuting tao. Inaangkin naman ng iba na isa lamang siyang propeta. Naniniwala naman ang iba pa
na si Jesus ang Diyos at dapat siyang sambahin. Dapat nga ba?
2

3. Bakit mahalaga na malaman mo ang katotohanan tungkol kay Jesus?


Mahalagang malaman mo ang katotohanan tungkol kay Jesus. Bakit? Sapagkat sinasabi ng Bibliya: Ito ay
nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging
tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo. (Juan 17:3) Oo, ang pagkaalam ng katotohanan hinggil sa
Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo ay maaaring umakay sa buhay na walang hanggan sa isang paraisong lupa.
(Juan 14:6) Bukod diyan, ipinakita ni Jesus ang pinakamabuting halimbawa kung paano mamumuhay at kung paano
pakikitunguhan ang iba. (Juan 13:34, 35) Sa unang kabanata ng aklat na ito, tinalakay natin ang katotohanan tungkol
sa Diyos. Talakayin naman natin ngayon kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya hinggil kay Jesu-Kristo.
3

ANG IPINANGAKONG MESIYAS


4. Ano ang kahulugan ng mga titulong Mesiyas at Kristo?
Sa loob ng matagal na panahon bago pa isilang si Jesus, inihula na sa Bibliya ang pagdating ng isa na isusugo ng
Diyos bilang Mesiyas, o Kristo. Ang mga titulong Mesiyas (mula sa salitang Hebreo) at Kristo (mula sa salitang
Griego) ay kapuwa nangangahulugang Pinahiran. Ang ipinangakong Isa na ito ay papahiran, o hihirangin ng Diyos
sa isang pantanging posisyon. Sa susunod na mga kabanata ng aklat na ito, mas marami pa tayong matututuhan
tungkol sa mahalagang papel ng Mesiyas sa katuparan ng mga pangako ng Diyos. Malalaman din natin ang mga
pagpapalang maidudulot sa atin ni Jesus maging sa ngayon. Gayunman, bago isilang si Jesus, walang-alinlangang
marami ang nag-isip, Sino kaya ang magiging Mesiyas?
4

5. Sa ano lubusang kumbinsido ang mga alagad ni Jesus may kaugnayan sa kaniya?
Noong unang siglo C.E., lubusang kumbinsido ang mga alagad ni Jesus ng Nazaret na siya ang inihulang Mesiyas.
(Juan 1:41) Isa sa mga alagad, isang lalaking nagngangalang Simon Pedro, ang hayagang nagsabi kay Jesus: Ikaw
ang Kristo. (Mateo 16:16) Ngunit paano nakatitiyak ang mga alagad na iyonat paano tayo makatitiyakna si
Jesus nga ang ipinangakong Mesiyas?
5

6. Ilarawan kung paano tinulungan ni Jehova ang mga tapat na makilala ang Mesiyas.
Ang mga propeta ng Diyos na nabuhay bago si Jesus ay humula ng maraming detalye tungkol sa Mesiyas. Ang
mga detalyeng ito ay tutulong sa iba na makilala siya. Maaari nating ilarawan ang mga bagay-bagay sa ganitong
paraan: Ipagpalagay nating inutusan kang magpunta sa isang abalang istasyon ng bus o tren o sa isang paliparan
para sunduin ang isang taong hindi mo pa nakita kailanman. Hindi ba makatutulong kung may magbibigay sa iyo ng
ilang detalye hinggil sa kaniya? Sa katulad na paraan, sa pamamagitan ng mga propeta sa Bibliya, nagbigay si
6

Jehova ng halos detalyadong paglalarawan kung ano ang gagawin ng Mesiyas at kung ano ang daranasin niya. Ang
katuparan ng maraming hulang ito ay tutulong sa mga tapat na makilala siyang mabuti.
7. Ano ang dalawa sa mga hulang natupad may kaugnayan kay Jesus?
Isaalang-alang ang dalawa lamang na halimbawa. Una, mahigit na 700 taon patiuna, inihula ni propeta Mikas na
ang ipinangakong Isa ay isisilang sa Betlehem, isang maliit na bayan sa lupain ng Juda. (Mikas 5:2) Saan ba aktuwal
na isinilang si Jesus? Aba, sa mismong bayang iyon! (Mateo 2:1, 3-9) Ikalawa, maraming siglo patiuna, tinukoy ng
hula na nakaulat sa Daniel 9:25 ang mismong taon kung kailan lilitaw ang Mesiyas29 C.E. * Pinatutunayan ng
katuparan nito at ng iba pang hula na si Jesus nga ang ipinangakong Mesiyas.
7

Nang bautismuhan siya, si Jesus ay naging Mesiyas, o Kristo


8, 9. Anong patotoo hinggil sa pagiging Mesiyas ni Jesus ang naging malinaw noong bautismuhan siya?
Naging maliwanag ang karagdagang patotoo na si Jesus ang Mesiyas noong magtatapos ang 29 C.E. Iyan ang
taon nang lumapit si Jesus kay Juan na Tagapagbautismo para magpabautismo sa Ilog Jordan. Nangako si Jehova
na bibigyan niya si Juan ng
isang tanda upang makilala nito ang
Mesiyas. Nakita ni Juan
ang tanda na iyon noong
bautismuhan si Jesus.
Ganito ang sinasabi ng Bibliya na
nangyari: Pagkatapos na
mabautismuhan ay kaagad na
umahon si Jesus mula sa
tubig; at, narito! ang langit ay
nabuksan, at nakita niyang
bumababa na tulad ng isang
kalapati ang espiritu ng
Diyos na lumalapag sa kaniya.
Narito! May tinig din mula
sa langit na nagsabi: Ito ang aking
Anak, ang minamahal, na
aking sinang-ayunan. (Mateo
3:16, 17) Pagkatapos
makita at marinig ang pangyayari,
hindi nag-alinlangan si
Juan na si Jesus ay isinugo ng
Diyos. (Juan 1:32-34) Nang ibuhos sa kaniya ang espiritu, o aktibong puwersa ng Diyos nang araw na iyon, si Jesus
ay naging Mesiyas, o Kristo, ang isa na hinirang upang maging Lider at Hari.Isaias 55:4.
8

Malinaw na ipinakikita ng katuparan ng hula sa Bibliya at ng mismong patotoo ng Diyos na Jehova na si Jesus ang
ipinangakong Mesiyas. Ngunit sinasagot ng Bibliya ang dalawa pang mahahalagang tanong tungkol kay Jesu-Kristo:
Saan siya nagmula? At ano ba ang kaniyang personalidad?
9

SAAN NAGMULA SI JESUS?


10. Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa pag-iral ni Jesus bago siya pumarito sa lupa?
Itinuturo ng Bibliya na nabuhay si Jesus sa langit bago siya pumarito sa lupa. Inihula ni Mikas na isisilang ang
Mesiyas sa Betlehem at sinabi rin niya na ang Kaniyang pinanggalingan ay mula noong unang mga panahon.
(Mikas 5:2) Sa maraming pagkakataon, sinabi mismo ni Jesus na nabuhay siya sa langit bago siya isilang bilang tao.
(Juan 3:13; 6:38, 62; 17:4, 5) Bilang isang espiritung nilalang sa langit, may pantanging kaugnayan si Jesus kay
Jehova.
10

11. Paano ipinakikita ng Bibliya na si Jesus ang pinakamamahal na Anak ni Jehova?


Si Jesus ang pinakamamahal na Anak ni Jehovaat may makatuwiran namang dahilan. Tinatawag siyang
panganay sa lahat ng nilalang, sapagkat siya ang unang nilalang ng Diyos. * (Colosas 1:15) May iba pang dahilan
kung bakit natatangi ang Anak na ito. Siya ang bugtong na Anak. (Juan 3:16) Nangangahulugan ito na si Jesus
11

lamang ang nag-iisang tuwirang nilalang ng Diyos. Si Jesus din


ang nag-iisang ginamit ng Diyos nang lalangin Niya ang lahat
ng iba pang bagay. (Colosas 1:16) Tinatawag din si Jesus na
Salita. (Juan 1:14) Sinasabi nito sa atin na naging
tagapagsalita siya ng Diyos, na walang-alinlangang naghahatid
ng mga mensahe at mga tagubilin sa iba pang mga anak ng
Ama, kapuwa mga espiritu at mga tao.
12. Paano natin nalaman na ang panganay na Anak ay hindi
kapantay ng Diyos?
Ang panganay na Anak ba ay kapantay ng Diyos, gaya ng
paniniwala ng ilan? Hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya. Gaya ng napansin natin sa naunang parapo, nilalang ang
Anak. Kung gayon, maliwanag na mayroon siyang pasimula, samantalang ang Diyos na Jehova ay walang pasimula
o wakas. (Awit 90:2) Hindi man lamang inisip ng bugtong na Anak na maging kapantay ng kaniyang Ama. Maliwanag
na itinuturo ng Bibliya na mas dakila ang Ama kaysa sa Anak. (Juan 14:28; 1 Corinto 11:3) Si Jehova lamang ang
Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. (Genesis 17:1) Samakatuwid, wala siyang kapantay. *
12

13. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya nang tukuyin nito ang Anak
bilang ang larawan ng di-nakikitang Diyos?
Nagkaroon ng matalik na pagsasamahan si Jehova at ang
kaniyang panganay na Anak sa loob ng bilyun-bilyong taon
matagal na panahon bago pa nilalang ang mabituing kalangitan
at ang lupa. Tiyak na gayon na lamang ang pag-ibig nila sa isat
isa! (Juan 3:35; 14:31) Ang minamahal na Anak na ito ay
kagayang-kagaya ng kaniyang Ama. Iyan ang dahilan kung bakit
tinukoy ng Bibliya ang Anak bilang ang larawan ng di-nakikitang
Diyos. (Colosas 1:15) Oo, kung paanong maaaring maging
kagayang-kagaya ng isang anak na tao ang kaniyang ama sa
ibat ibang paraan, makikita sa makalangit na Anak na ito ang mga katangian at personalidad ng kaniyang Ama.
13

14. Paano isinilang bilang tao ang bugtong na Anak ni Jehova?


Handang iwan ng bugtong na Anak ni Jehova ang langit at bumaba rito sa lupa upang mabuhay bilang tao. Pero
baka isipin mo, Paano naisilang bilang tao ang isang espiritung nilalang? Upang maisakatuparan ito, gumawa ng
himala si Jehova. Inilipat niya ang buhay ng kaniyang panganay na Anak mula sa langit tungo sa sinapupunan ng
isang Judiong birhen na nagngangalang Maria. Walang taong ama ang nasasangkot. Kaya nagsilang si Maria ng
isang sakdal na anak na lalaki at pinanganlan niya itong Jesus.Lucas 1:30-35.
14

ANO BA ANG PERSONALIDAD NI JESUS?


15. Bakit natin masasabi na sa pamamagitan ni Jesus ay makikilala natin nang higit si Jehova?
Ang sinabi at ginawa ni Jesus habang nasa lupa ay tumutulong sa atin na makilala siya nang lubos. Higit pa riyan,
sa pamamagitan ni Jesus ay makikilala natin nang higit si Jehova. Bakit gayon? Tandaan na ang Anak na ito ay
isang sakdal na larawan ng kaniyang Ama. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus sa isa sa kaniyang mga
alagad: Siya na nakakita sa akin ay nakakita rin sa Ama. (Juan 14:9) Maraming sinasabi sa atin ang apat na aklat
15

ng Bibliya na nakilala bilang mga EbanghelyoMateo,


Marcos, Lucas, at Juan hinggil sa buhay, gawain, at
personal na mga katangian ni Jesu-Kristo.
16. Ano ang pangunahing mensahe ni Jesus, at saan
nagmula ang kaniyang mga itinuro?
Kilalang-kilal si Jesus bilang Guro. (Juan 1:38; 13:13)
Ano ba ang itinuro niya? Pangunahin na, ang kaniyang
mensahe ay ang mabuting balita ng kahariansamakatuwid
nga, ang Kaharian ng Diyos, ang makalangit na gobyerno na
mamamahala sa buong lupa at magpapasapit ng walangkatapusang mga pagpapala sa masunuring mga tao. (Mateo
4:23) Kaninong mensahe ito? Si Jesus mismo ang nagsabi:
Ang itinuturo ko ay hindi sa akin, kundi sa kaniya na nagsugo sa akin, samakatuwid nga, kay Jehova. (Juan 7:16)
Alam ni Jesus na gusto ng kaniyang Ama na marinig ng mga tao ang tungkol sa mabuting balita ng Kaharian. Sa
Kabanata 8, mas marami pa tayong matututuhan tungkol sa Kaharian ng Diyos at kung ano ang isasakatuparan nito
16

17. Saan nagturo si Jesus, at bakit siya nagpagal nang husto sa pagtuturo sa iba?
Saan nagturo si Jesus? Saanman siya makasumpong ng mga taosa lalawigan o sa mga karatig na lupain
gayundin sa mga lunsod, nayon, pamilihan, at sa kanilang mga tahanan. Hindi hinintay ni Jesus na lapitan siya ng
mga tao. Siya ang lumapit sa kanila. (Marcos 6:56; Lucas 19:5, 6) Bakit nagpagal nang husto si Jesus at gumugol ng
napakaraming panahon sa pangangaral at pagtuturo? Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa kaniya. Laging
ginagawa ni Jesus ang kalooban ng kaniyang Ama. (Juan 8:28, 29) Ngunit may iba pang dahilan kung bakit siya
nangaral. Nahabag siya sa maraming tao na naglabasan para makita siya. (Mateo 9:35, 36) Pinabayaan sila ng
kanilang relihiyosong mga lider, na dapat sanay nagtuturo sa kanila ng katotohanan tungkol sa Diyos at sa kaniyang
mga layunin. Alam ni Jesus na kailangang-kailangang marinig ng mga tao ang mensahe ng Kaharian.
17

18. Anong mga katangian ni Jesus ang pinakagusto mo?


Si Jesus ay isang lalaking may magiliw na pagmamahal at matinding damdamin. Kaya para sa iba, siya ay mabait
at madaling lapitan. Maging ang mga bata ay panatag ang loob sa kaniya. (Marcos 10:13-16) Hindi nagtatangi si
Jesus. Kinapopootan niya ang katiwalian at kawalang-katarungan. (Mateo 21:12, 13) Noong panahong hindi
gaanong iginagalang at binibigyan ng karapatan ang mga babae, pinakitunguhan niya sila nang may dignidad. (Juan
4:9, 27) Si Jesus ay totoong mapagpakumbaba. Sa isang pagkakataon, hinugasan niya ang paa ng kaniyang mga
apostol, isang gawain na kadalasang ginagampanan ng isang hamak na lingkod.
18

angaral si Jesus saanman siya makasumpong ng mga tao


19. Anong halimbawa ang nagpapakita na si Jesus ay palaisip sa mga pangangailangan ng iba?
Palaisip si Jesus sa mga pangangailangan ng iba. Lalo itong nakita nang gumawa siya ng mga makahimalang
pagpapagaling sa pamamagitan ng kapangyarihan ng espiritu ng Diyos. (Mateo 14:14) Halimbawa, isang lalaking
may ketong ang lumapit kay Jesus at nagsabi: Kung ibig mo lamang, mapalilinis mo ako. Nadama mismo ni Jesus
ang kirot at pagdurusa ng lalaking ito. Palibhasay nahabag siya, iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinipo ang
lalaki, na sinasabi: Ibig ko. Luminis ka. At napagaling ang lalaking may sakit! (Marcos 1:40-42) Maguguniguni mo
ba kung ano ang nadama ng lalaking iyon?
19

TAPAT HANGGANG WAKAS


20, 21. Paano nagpakita si Jesus ng halimbawa ng matapat na pagsunod sa
Diyos?
Ipinakita ni Jesus ang pinakamainam na halimbawa ng matapat na
pagsunod sa Diyos. Nanatili siyang tapat sa kaniyang makalangit na Ama sa
ilalim ng lahat ng uri ng kalagayan at sa kabila ng lahat ng anyo ng
pagsalansang at pagdurusa. Matatag at matagumpay na nilabanan ni Jesus
ang mga tukso ni Satanas. (Mateo 4:1-11) May pagkakataon noon na ang ilan
sa mismong mga kamag-anak ni Jesus ay hindi nanampalataya sa kaniya, na
sinasabi pa ngang nasisiraan na siya ng kaniyang isip. (Marcos 3:21) Ngunit
hindi nagpaimpluwensiya si Jesus sa kanila; nagpatuloy siya sa pagganap ng
gawaing iniatas ng Diyos. Sa kabila ng mga pang-iinsulto at pang-aabuso,
napanatili ni Jesus ang pagpipigil sa sarili, anupat hindi niya kailanman sinikap na pinsalain ang mga sumalansang
sa kaniya.1 Pedro 2:21-23.
20

Nanatiling tapat si Jesus hanggang kamatayanisang malupit at masakit na kamatayan sa kamay ng kaniyang
mga kaaway. (Filipos 2:8) Isaalang-alang kung ano ang tiniis niya sa huling araw ng kaniyang buhay bilang tao. Siya
ay inaresto, inakusahan ng huwad na mga saksi, hinatulan ng tiwaling mga hukom, inalipusta ng mga mang-uumog,
at pinahirapan ng mga sundalo. Habang nakapako sa pahirapang tulos bago siya malagutan ng hininga, sumigaw
siya: Naganap na! (Juan 19:30) Gayunman, sa ikatlong araw pagkamatay ni Jesus, siya ay binuhay-muli ng
kaniyang makalangit na Ama tungo sa espiritung buhay. (1 Pedro 3:18) Pagkalipas ng ilang linggo, bumalik siya sa
langit. Doon ay umupo [siya] sa kanan ng Diyos at naghihintay na tumanggap ng kapangyarihan bilang hari.
Hebreo 10:12, 13.
21

22. Ano ang naisakatuparan ni Jesus sa pananatili niyang tapat hanggang kamatayan?
Ano ang naisakatuparan ni Jesus sa pananatili niyang tapat hanggang kamatayan? Sa katunayan, ang kamatayan
ni Jesus ay nagbukas sa atin ng pagkakataon para sa walang-hanggang buhay sa isang paraisong lupa, alinsunod
sa orihinal na layunin ni Jehova.
22

SAN RAFAEL
September 29, 2011

Arkanghel
Kilala bilang: anghel na tumulong sa pamilya ni Tobias
Patron ng: mga manggagamot at nga mga manlalakbay.
Si SAN RAFAEL ay ang Arkanghel ng mga Kristiyanong naglalakbay patungong langit. Siya ang inatasan ng Diyos
na maging gabay ng tao sa landas tungo sa ating paghahanap ng mga kayamanan ng tunay na kaligayahan na
inihanda ng Diyos para sa kanyang mga anak. Binibigyan din niya tayo ng liwanag upang makita natin at piliin ang
daan ng Diyos, at tayo ay kanyang ipinagtatanggol mula sa anumang panganib maaari nating harapin sa ating
paglalakbay pabalik sa Ama. Si San Rafael ang nagturo kay Tobias kung paano gumawa ng ungguwento mula sa
isang isda na siyang nakapagpagaling sa ama ng binata mula sa pagkabulag (Tob. 8:3; 12:15).

SAN GABRIEL
September 29, 2011

Arkanghel
Kilala bilang: tagapagbalita ng Mensahe ng Diyos
Patron ng: mga communicator
Si SAN GABRIEL ang siyang tagapagdala ng mga balita ng pag-ibig o
mga mensahe ng Diyos sa mga pinagpala at piniling nilalang. Siya ang
anghel na nagbalita sa Mahal na Birheng Maria ng plano ng Diyos sa
kanya na maging Ina ng Kanyang Anak na si Jesus (Lucas 1:26-38); ang
nagpakita kay Zacarias, ama ni San Juan Bautista, upang ibalita ang
pagkakaroon nila ng kanyang asawang si Santa Isabel ng isang anak
(Lucas 1:19-20). Siya rin ang anghel na unang nagbalita kay Daniel nang
nalalapit na Katapusan ng Daigdig (Daniel 8, 9). Ang kanyang pangalan
ay nangangahulugang Lakas ng Diyos. Madalas siyang inilalarawan
bilang isang anghel na may hawak na isang sanga ng mga liryo.

SAN MIGUEL
September 29, 2011

Arkanghel
Kilala bilang: prinsipe ng mga anghel
Patron ng: mga pulis
Si SAN MIGUEL ang siyang Prinsipe at Pangkalahatang Pinuno ng
lahat ng herarkiya ng mga Pangkalangitang Hukbo. Siya ang kilalang
Anghel na lumupig kay Lucifer at mga kampong demonyo nito noong unang himagsikan ng mga nilalang
laban sa Diyos. Kinuha ang kanyang pangalan mula sa kanyang pandigmaang sigaw na MI-CA-EL, na
nangangahulugang: Sino ang hihigit pa sa Diyos? Siya ang unang tagapagtanggol ng Mahal na Birheng
Maria sa Misteryo ng Pagkakatawang Tao. Kadalasan siyang nauugnay sa mga milagrong nagpapakita ng
Kapangyarihan ng Diyos kasama ang Birheng Maria (Daniel 10:12, 12:1; Apoc. 12:7).Madalas siyang
inilalarawan bilang isang anghel na may hawak na espada o mahabang sibat at nasa aktong itatarak ito sa
isang demonyong nasa paanan niya.
SAN JOSE ORIOL

March 22, 2011


Pari, Doktor ng Teolohiya
Kilala rin bilang: Taumaturgo ng Barcelona
Kapanganakan: 23 Nobyembre 1650
Kamatayan: 23 Marso 1702
Araw ng Kapistahan: 22 Marso
Si Jose ay tiple o kantor sa simbahan, at siyay napamahal sa
mga pari hindi lamang dahil sa kanyang kaugalian kundi dahil
sa kanyang matimyas na pagmamahal sa Santisimo

Sakramento sa Altar. Dahil diyan ay tinulungan siya sa kanyang


pag-aaral hangang maging pari at Doktor ng Teolohiya.

SAN CUTBERTO
March 20, 2011

Obispo
Kapanganakan: 634
Kamatayan: 687
Araw ng Kapistahan: 20 Marso
Pintakasi: ng mga Marino
Si San Cutberto ay isang hamak na tagapag-alaga ng mga tupa
sa hilagang Inglatera noong ikapitong siglo. Noong Agosto ng
651, namalas ni Cuberto ang isang pangitain sa dilim ng gabi: nakita niya sa alapaap ang
isang maningning na liwanag at sa gitna nitoy dinadala ng mga anghel sa langit. Iyon ay si
San Aidan, ang Obispo ng Bambaorough na namatay noong gabing iyon. Ito ang isa sa mga
pangyayaring lalaong humikayat sa kanya upang lingapin ang kaligtasan ng kanyang walang
kamatayang kaluluwa. Pumasok siya sa monasteryong Melrose (malapit sa hilagang
Inglatera) at pagkatapos, naging kasapi ng monastery ng
Riponna ang tungkulin ay tulad ng isang mayordomo. Tinupad
niya nang buong katapatan ang tungkuling iyon alang-alang sa
Diyos.

SAN CIRILO NG JERUSALEM


Obispo, Doktor ng Simbahan
Kapanganakan: 315
Kamatayan: taong 387
Araw ng Kapistahan: 18 Marso

Ang panahon ni San Cirilo ng Jerusalem ay kinamalasan ng


isang mainit na pagtutunggali: ang mga Katoliko at Aryano, ang
Kristyanismo laban sa Aryanismo. Ang maningning na
ginampanan ni San Cirilo sa siglong ito ay bunga ng kanyang
matapat na pagsampalataya kay Cristo at walang kaparis na kabanalan. Isang tagaJerusalem, lumaki si Cirilo sa pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan at mga sulat ng Santos
Padres.

SANTA CATALINA NG BOLOGNA


Madre
Kapanganakan: 1413
Kamatayan: 1463
Araw ng Kapistahan: 12 Marso
Pintakasi: ng mga pintor
Anak ng isang abogado, si Catalina ay naging Pransiskano Terciario sa
murang edad na 14. Tinalikdan niya ang kanyang mayamang
pamumuhay sa piling ng kanyang mga magulang, upang ilaan ang sarili
para sa gawang kabanalan.Naharap siya sa maraming tukso laban sa
kalinisan at sa pananampalataya, at ang tangi niyang sandata ay ang
pagdedebosyon sa Santisimo Sakramento, na malimit niyang dalawin

SAN LEANDRO NG SEVILLE


Obispo
Kapanganakan: circa 534
Kamatayan: 27 Pebrero 596
Araw ng Kapistahan: 26 Pebrero
Ito ang kasaysayang kinasangkutan ng mabunying
Leandro: nooy naghahari sa Espanya si Haring
Leovigildo, ang haring Aryano ng mga Visigodo. Isang
masugid na tagasunod ng Aryanismo (tutol sa pagkaDiyos ni Cristo), inusig ni Haring Leogivildo ang mga
kalaban, kabilang sa mga itoy ang kanyang anak na si
San Hermenegildo at si San Leandro, obispo ng Seville.
Subalit nang mamatay si Leogivildo, nanumbalik sa
Espanya ang kaisahan ng pananampalataya, napawi
ang erehiyang Aryanismo. Itoy naganap sa
pangangasiwa ni San Leandro at sa tulong ni Recaredo
na anak ni Leogivildo noong ito ay maghari.

SAN BENITO BISCOP


January 12, 2011

Monghe

Kapanganakan: c. 628
Kamatayan: 12 Enero 690
Araw ng Kapistahan: 12 Enero
Ang paglaganap ng pananampalataya sa bansang Inglatera noong unang
panahon ay bunga ng kasipagan at kabanalan ng mga mongheng
Benedictino tulad nina San Agustin, San Cutberto, San Wilfrido at San
Benito Biscop. Ang mga kumbento at paaralang itinatag nila ay naging
luklukan ng kabihasnan at kabanalan.Anak ng isang mayamang angkang taga-Northumbria, Hilagang
Ingaletra, si Biscop Baducing (628-690) ay nag-aral ng tungkol sa
Pananampalataya sa Roma at sa ibat ibang lungsod ng Europa. Sa Lerins ay
tumubo sa kanyang isipan ang banal ng hangaring maging alagad ng Diyos,
at sa monasteryo ng mga Benedictino sa Lerins, pumasok siyang monghe.

SAN TEODOSIO, ANG SENOBITA


January 11, 2011

Monghe

Kilala rin bilang: San Teodosio ang Senobiarko (Cenobiarch)


Kapanganakan: c. 423
Kamatayan: c. 529
Araw ng Kapistahan: 11 Enero
Noong unang panahon marami ang mga lalaking nagtungo sa ilang upang mabuhay nang
mag-isa sa gawang pananalangin at pagpapasakit, malayo sa lahat ng kinapal at malapit sa
Maykapal sila ang tinatawag na ermitanyo. May isang uri ng mga ermitanyo na bagamat

nabubuhay nang ma-isa ay may mga kinikilalang isang pinuno ito ang mga senobita. Si San
Teodosio (iba kay San Teodosio ng Antioch) ay isinilang sa Garissus, Cappadocia noong 423.
Nilisan niya ang kanyang bayan at nagtungo sa Jerusalem upang pamahalaan ang isang
simbahang nakalaan sa Mahal na Birhen sa pagitan ng Jerusalem at Belen at pagkatapos
namuhay nang parang ermitanyo sa isang yungib.

You might also like