You are on page 1of 1

Ang Tore ni Babel

Sa episode na ito ng Ang Biblia, tunghayan natin ang kwento ng


pananampalataya patungkol sa: Ang Tore ng Babel.
Unang Yugto: Sa paghahangad ng mga Hebreo na sila'y kilalanin at
katakutan ng ibang lahi ay binalak nilang magtayo ng isang tore na
aabot hanggang sa langit upang maipakita sa lahat ang kanilang lakas
at kapangyarihan. Dahil sa dami ng kanilang bilang sila ay nagtulongtulong upang mabilis na maisagawa ang kanilng balak.
Ikalawang Yugto: Dahil sa pagtatayo ng tore ay madali nilang
nalalaman kung may pararating na mga kaaway, sa ganitong
kaparaanan ay madali nilang matatalo ang sinomang ibig sumakop sa
kanila. Dahil dito ay lalo silang naging mapagmataas at mapagmalaki,
inisip nila na ito ay dahil sa kanilang lakas at kapangayarihan.
Nakarating sa harapan ng Panginoon ang mga kasamaan ng kanilang
mga puso bunga ng kanilang mga pagmamataas kung kaya't ipinasya
ng Dios na silay parusahan.
Ikatlong Yugto: Ginulo ng Dios ang pagkakaisa ng mga taong laban sa
kanya sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang mga wika, tinawag
nila itong Babel sapagkat doon sila pinangalat ng Panginoon. Sila ay
tumigil sa pagtatayo dahil sa kalituhan bunga ng pagkakaibaiba ng
kanilang wika, dito nagpasimulang mangalap ang ibat-ibang lahi ng
tao na may ibat-ibang wika na sinasalita.

You might also like