You are on page 1of 3

Problema sa klasrum, kagamitan sa eskuwela laganap pa rin

by Pher Pasion

June 27, 2014

Halatang masikip at kulang ng pasilidad ang pampublikong mga eskuwela tulad ng


Pres. Cory Aquino Elementary School sa Quezon City. <strong>Pher Pasion/PW File
Photo</strong>

Halatang masikip at kulang ng pasilidad ang pampublikong mga eskuwela tulad ng


Pres. Cory Aquino Elementary School sa Quezon City. Pher Pasion/PW File Photo

Tatlong linggo matapos ang pasukan, pinoproblema pa rin ang mga estudyante,
guro, administrador ng eskuwela at magulang sa kakulangan ng mga klasrum.

Sa kabila ito ng sinasabing pagtugon ng Department of Education (DepEd) ng


administrasyong Aquino sa problemang pagsiksikan sa isang klasrum at guro ng
aabot sa 75 mag-aaral sa pampublikong mga eskuwelahang elementarya at
hayskul.

.Tatlong linggo nang nakapagsimula ng klase, at hindi maipagkakailang lumala,


mas talamak ang sitwasyon ng edukasyon, ayon kay Gabriela Rep. Emmi De Jesus,
sa protesta sa harap ng tanggapan ng DepEd.

Kinukuwestiyon naman ng grupo ng child rights advocates na Salinlahi Alliance for


Childrens Concerns ang sinseridad ni Education Sec. Armin Luistro sa pagtugon sa
problema.

Imbes na seryosong tugunan ang matagal nang problema sa sistema ng


edukasyon, lumilikha ng ilusyon si Luistro na natinutugunan daw ng gobyerno ang
responsabilidad nito sa edukasyon, ayon kay Kharlo Manano, pangkalahatang
kalihim ng Salinlahi.

Dagdag pa niya, ilang buwan bago magbukas ang klase, inanunsiyo ni Luistro na
natugunan na ang kakulangan sa mga klasrum. Pero sa reyalidad, iyung kakulangan
noong 2010 pa lamang ang natugunan ng DepEd.
Inilahad pa ng Salinlahi ang atake sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa
mga probinsiya. Nakapagtala umano sila ng kaso ng Armed Forces of the Philippines
na nagsasagawa ng kontra-insurehensiyang mga aktibidad na kabahagi di umano
ang mga bata sa Mindanaw at nagdudulot ng takot at matinding kalungkutan sa
mga bata, guro, at buong komunidad. Nagiging legal pa umano ito dahil sa DepEd
memorandum 221 na inilabas nito noong Disyembre 2013.

Tinuligsa naman ng Gabriela ang Government Assistance to Students and Teachers


in Public Education (Gastpe) ng gobyerno bilang isang panandaliang solusyon para
pagtakpan ang kabiguan ng gobyerno sa krisis sa edukasyon.

Isa sa layunin ng Gastpe ang bawasan ang labis na populasyon ng mag-aaral sa


paglipat sa mga ito mula publiko patungong pribado bilang mga iskolar.

Ang katotohanan na walang kasiguruhan ibinigay sa mga magulang kung


hanggang kailan ang subsidiya sa matrikula, at sa kabilang banda, binibigyan ang
mga pribadong paaralan ng kaluwagan para magtaas ng matrikula, ayon kay De
Jesus.

Dagdag ni De Jesus, dapat inilaan na lamang umano ang badyet para sa Gastpe sa
pagpapatayo ng mga imprastraktura na tutulong para mapaunlad ang sistema ng
edukasyon sa pangmatagalan.

Binigyang diin din ng Gabriela na kailangan dagdagan ng gobyerno ang badyet para
sa publikong edukasyon. Ginamit ng Gabriela ang pag-aaral ng Unesco (United
Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization) na nagsasabing bagamat
tumaas ang paglalaan sa edukasyon mula 13.9 tungong 15 porsyento ng
pambansang badyet mula 1999 tungong 2011, bigo pa rin nitong maabot ang
rekomendasyon ng Unesco na 20 porsyento ang dapat inilalaan.

Malinaw na nananatiling ang edukasyon sa prayoridad ng gobyernong Aquino.


Tatlong taon sa Tuwid na Daan ni Aquino, hindi ito nagdala sa atin sa mas
mabuting edukasyon para sa ating mga anak. Responbale si Aquino sa pagtuloy na
paghihirap ng ating publikong edukasyon, ayon kay De Jesus.
http://pinoyweekly.org/new/2014/06/problema-sa-klasrum-kagamitan-sa-eskuwela-
laganap-pa-rin/

You might also like