You are on page 1of 8

Ang sukduldiin o altapresyon (Ingles: Hypertension, dinadaglat na HTN) o mataas na

presyon ng dugo, kung minsan ay arteryal na altapresyon, ay isang hindi


gumagaling na medikal na kondisyon kung saan ang presyon ng dugo sa mga
malaking ugat ay mataas. Ang pagtaas na ito ay kinakailangan ang puso na mas
magtrabaho mabuti kaysa sa normal upang ikalat ang dugo sa pamamagitan ng
daluyan ng dugo. Ang presyon ng dugo ay binubuo ng dalawang, systolic at
diastolic na mga sukat, na depende kung ang kalamnan ng puso ay umiikli at
humihigpit (systole) o mahinahon sa pagitan ng mga pagtibok (diastole). Ang
normal na presyon ng dugo kapag nagpapahinga ay nasa loob ng pagitan ng 100
140 mmHg systolic (mataas na pagbasa) at 6090 mmHg diastolic (nasa ibabang
pagbasa). Magkakaroon ng mataas na presyon ng dugo kung ito ay patuloy na nasa
o mataas sa 140/90 mmHg
Mga taong mataas ang posibilidad na magka-altapresyon
Mga lalaking edad 55 pataas, mga ba-baeng edad 65 pataas
May lahi ng altapresyon sa pamilya
Mga taong labis ang timbang
Mga taong hindi aktibo
Mga taong naninigarilyo at madalas na umiinom ng alak
Mga taong madalas kumakain ng mga matataba at mayaman sa asin na pagkain.
Sintomas ng Altapresyon
Pananakit ng ulo
Pagkahilo
Pagpapawis
Panlalabo ng mata
Bihirang nagpapakita ng anumang mga sintomas ang altapresyon, at ang pagkilala
rito ay karaniwan sa pamamagitan ng screening, o kapag naghahanap ng
pangangalaga para sa isang walang kaugnayang problema sa kalusugan. Iniuulat ng
ilang mga tao na mayroong mataas na presyon ng dugo ang mga sakit ng ulo (lalo
na sa batok at sa umaga), gayundin ang pagkahilo, bertigo, tinnitus (pag-ugong o
pagsitsit sa mga tainga), nagbagong paningin o mga episode ng pagkawala ng
malay.[9]
Sa pisikal na pagsusuri, ang altapresyon ay maaaring mapaghinalaan kapag
matutuklasan ang hypertensive retinopathy o pagkasira ng retina ng mata dahil sa
mataas na presyon ng dugo sa pagsusuri sa fundus ng mata sa likuran ng mata
gamit ang ophthalmoscopy.[10] Sa lumang paraan, ang kalubhaan ng pagbabago sa
hypertensive retinopathy o pagkasira ng retina ng mata dahil sa mataas na presyon
ng dugo ay minamarkahan mula sa IIV, bagaman ang mas banayad na mga uri ay
maaaring maging mahirap makilala mula sa isat-isa.[10] Maaari ring ipakita ng
mga resulta ng ophthalmoscopy kung gaano katagal nang mayroong mataas na
presyon ng dugo ang isang tao
Mga Komplikasyon ng ALTAPRESYON
Congestive heart failure at stroke
Komplikasyon sa bato masyadong mataas ang presyon na dumadaloy sa mga
ugat at nakakasira sa mga maliliit na ugat sa bato.
Komplikasyon sa mata
Ang altapresyon ay ang pinakamahalagang maaaring maiwasan na salik ng
panganib para sa napaagang pagkamatay sa buong mundo.[16] Pinatataas nito ang
panganib ng sakit sa puso sanhi ng mababang suplay ng dugo sa kalamnan ng
puso[17] mga stroke,[11] pagkipot ng daluyan ng dugo,[18] at ibang mga sakit ukol
sa puso, kabilang ang hindi paggana ng puso, mga pagbara o pamamaga sa
daluyan ng dugo, laganap na atherosclerosis o pagkapal ng arterya dahil sa
cholesterol, and pagbara sa baga.[11] Ang altapresyon ay isa ring salik ng panganib
para sa mahinang memorya, demensya, and hindi gumagaling na sakit sa bato.[11]
Ang ibang mga komplikasyon ay kinabibilangan ng:
Pinsala sa retina dahil sa mataas na presyon ng dugo
Pinsala sa bato dahil sa mataas na presyon ng dugo
Sanhi[baguhin | baguhin ang batayan]
Primary na altapresyon[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang primary (patuloy at hindi malaman ang sanhi) na altapresyon ay ang pinaka-
karaniwang anyo ng altapresyon, na responsable para sa 9095% ng lahat ng mga
kaso ng altapresyon.[1] Sa halos lahat ng mga makabagong lipunan, ang presyon
ng dugo ay tumataas kasama ng pagtanda at ang panganib ng pagigiging mataas
ng presyon ng dugo sa kalaunan ng buhay ay marami.[20] Ang altapresyon ay
nagreresulta mula sa isang masalimuot na aksiyon ng mga genes sa isat-isa at mga
salik ukol sa paligid. Ang maraming mga karaniwang genes na mayroong maliit na
epekto sa presyon ng dugo ay nakilala[21] gayundin ang ilang mga bihirang genes
na mayroong malaking epekto sa presyon ng dugo[22] ngunit ang henetikong
batayan ng altapresyon ay hindi pa rin nauunawaan. Ang ibat-ibang mga salik ukol
sa kapaligiran ay nakakaimpluwensiya sa presyon ng dugo. Ang mga salik sa
pamumuhay na nagpapababa ng presyon ng dugo ay kinabibilangan ng
pagbabawas ng asin sa pagkain,[23] mataas na pagkain ng mga prutas at mga
produktong mayroong kaunting mantika (Dietary Approaches to Stop Hypertension
o Mga (DASH na diyeta)). Ang Ehersisyo,[24] pagbaba ng timbang[25] at ang
binawasang pag-inom ng alak ay nakakatulong din sa pagpapababa ng presyon ng
dugo.[26] Ang posibleng papel ng ibang mga salik tulad ng stress,[24] pag-inum ng
kape,[27] at kakulangan sa bitamina D[28] ay hindi masyadong malinaw. Ang
mababang pagtugon sa insulin, na karaniwan sa labis na katabaan at isang bahagi
ng syndrome X (o ang metabolic syndrome), ay sinasabi ring nagdudulot ng
altapresyon.[29] Isinangkot din ng mga kamakailang pag-aaral ang mga pangyayari
sa mas maagang yugto ng buhay (halimbawa, mababang timbang ng ipinanganak
na sanggol, paninigarilyo habang nagbubuntis, at kakulangan ng pagpapasuso)
bilang mga salik ng panganib para sa patuloy at hindi malaman ang sanhi na
altapresyon ng nasa sapat na gulang.[30] Gayunman, ang mga mekanismo na nag-
uugnay sa mga pagkakalantad na ito sa altapresyon ng nasa tamang gulang ay
nananatiling malabo.[30]
Secondary o altapresyon na pumapangalawa sa sakit[baguhin | baguhin ang
batayan]
Ang secondary o altapresyon na pumapangalawa sa sakit ay nagreresulta mula sa
isang makikilalang sanhi. Ang sakit sa bato ang pinaka-karaniwang pangalawang
sanhi ng altapresyon.[11] Ang altapresyon ay maaari ding maging sanhi ng mga
kondisyon sa endocrine tulad ng Cushing's syndrome, hyperthyroidism o labis na
produksiyon ng hormon sa thyroid, hypothyroidism o kakulangan sa produksiyon ng
hormon sa thyroid, acromegaly o abnormal na paglaki ng kamay, paa, at mukha,
Conn's syndrome o hyperaldosteronism o labis ng produksiyon ng aldosterone na
hormon, hyperparathyroidism o abnormal na mataas na dami ng parathyroid na
hormon sa dugo, at pheochromocytoma o bukol sa glandula ng adrenal.[11][31] Ang
ibang mga sanhi ng secondary o altapresyon na pumapangalawa sa sakit ay
kinabibilangan ng labis na katabaan, pagtigil ng paghinga sa loob ng sampung
segundo habang natutulog, pagbubuntis, pagsisikip ng aorta, labis na pagkonsumo
ng matatamis na kendi at ilang mga iniresetang gamot, mga halamang-gamot, at
mga ilegal na gamot.[11][32]
Pag-iwas[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang bilang ng mga tao na mataas ang presyon ng dugo ngunit hindi natatanto na
ito ay mahalaga.[54] Ang mga hakbang para sa buong populasyon ay kinakailangan
upang mabawasan ang mga kahihinatnan ng mataas na presyon ng dugo at
mabawasan ang pangangailangan para sa paggagamot gamit ang kontra sa
altapresyon na gamot. Ang mga pagbabago sa pamumuhay ay inirerekomenda
upang pababain ang presyon ng dugo, bago simulan ang paggagamot. Ang mga
alituntunin ng 2004 British Hypertension Society[54] ay iminungkahi ang mga
sumusunod na pagbabago sa pamumuhay na naaalinsunod sa mga alituntunin na
ibinalangkas ng Pambansang Programa ng Estados Unidos sa Edukasyon sa Mataas
na Presyon ng Dugo noong 2002[55] para sa pangunahing pag-iwas sa altapresyon
tulad ng mga sumusunod:
Panatilihin ang normal na timbang ng katawan (hal., body mass index 2025
kg/m2).
Bawasan ang pagkain na mayroong sodium (asin) sa mababa sa 100 mmol kada
araw (mababa sa 6g ng asin o mababa sa 2.4g ng asin kada araw).
Maging sangkot sa regular na pisikal na pag-eehersisiyong aktibidad tulad ng
mabilis na paglakad (katumbas ng o mahigit sa 30 minuto kada araw, karamihan ng
mga araw sa linggo).
Limitahan ang pag-inom ng alak sa hindi hihigit sa 3 yunit kada araw sa mga
kalalakihan at hindi hihigit sa 2 yunit kada araw sa mga kababaihan.
Kumain ng mga pagkain na mayaman sa mga prutas at gulay (hal., hindi bababa sa
limang piraso kada araw).
Ang epektibong pagbabago sa pamumuhay ay maaaring mapababa ang presyon ng
dugo katumbas ng gamot ng tao na kontra sa mataas na presyon ng dugo. Ang
kombinasyon ng dalawa o mahigit pang mga pagbabago sa pamumuhay ay
maaaring magtamo ng mas magandang mga resulta.[54]
Pamamahala[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga pagbabago sa pamumuhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang unang uri ng paggamot para sa altapresyon ay kahawig ng inirerekomendang
mga pagbabago sa pamumuhay para sa pag-iwas[56] at kinabibilangan ng mga
pagbabago sa pagkain[57] pisikal na pag-eehersisiyo, at pagbabawas ng timbang.
Ang lahat ng mga pagbabagong ito ay nagpakita ng tunay na pagbaba ng presyon
ng dugo sa mga tao na mayroong altapresyon.[58] Kung ang altapresyon ay sapat
na mataas upang pangatwiranan ang agarang paggamit ng mga gamot,
inirerekomenda pa rin ang mga pagbabago sa pamumuhay. Ang ibat-ibang mga
programa ay idinisenyo upang mabawasan ang stress sa isipan tulad ng
biofeedback, pagre-relax, o pagninilay-nilay ay ipinapayo upang pababain ang
altapresyon. Gayunpaman, hindi sinusuportahan ng mga siyentipokong pag-aaral,
sa pangkalahatan, ang bisa nito dahil karaniwan ang mga pag-aaral ay mababa ang
kalidad.[59][60][61] Ang pagbabago sa pagkain tulad ng isang pagkain na mababa
ang sodium (asin) ay kapaki-pakinabang. Ang isang pangmatagalang pagkain na
mayroong kaunting sodium o asin (mahigit sa 4 na linggo) sa Mga Amerikano ay
mabisa sa pagpapababa ng presyon ng dugo, pareho sa mga taong may
altapresyon at sa mga taong mayroong normal na presyon ng dugo.[62] At saka,
ang DASH na pagkain, isang pagkain na mayaman sa mga mani, mga whole grain,
isda, manok, mga prutas, at mga gulay, na isinusulong ng Pambansang Samahan sa
Puso, Baga, at Dugo, ay nakakapagpababa ng presyon ng dugo. Ang malaking
tampok ng plano ay ang paglimita sa pagkonsumo ng sodium (asin), kahit na ang
pagkain ay mayaman din sa potasiyo, magnesiyo, kalsyum, at protina.[63]
Mga Gamot[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang ilang mga klase ng gamot na magkakasamang itinuturing bilang mga gamot
laban sa altapresyon ay kasalukuyang magagamit para sa paggamot ng
altapresyon. Isinasaalang-alang ang panganib ukol sa puso ng isang tao (kabilang
ang panganib ng myocardial infarction o pagkasira ng tisiyu ng puso at stroke) at
ang pagbabasa ng presyon ng dugo sa pagrereseta ng mga gamot.[64] Kung
sinimulan ang paggamot, inirerekomenda ng Ika-pitong Pinagsamang Komite sa
Mataas na Presyon ng Dugo ng Pambansang Institute sa Puso, Baga, at Dugo
(National Heart, Lung, and Blood Institute's Seventh Joint National Committee on
High Blood Pressure) (JNC-7)[2] na dapat subaybayan ng manggagamot ang
pagtugon sa paggamot at tasahin para sa anumang salungat na reaksiyon dulot ng
gamot. Ang pagbabawas ng presyon ng dugo ng 5 mmHg, ay babawasan ang
panganib ng stroke ng 34% at ang panganib ng ischemic heart disease o bawas na
suplay ng dugo ng kalamnan ng puso ng 21%. Mababawasan din ng pagbaba ng
presyon ng dugo ang posibilidad ng demensya, pagpalya ng puso at dami ng
namamatay mula sa sakit sa puso.[65] Ang layunin ng paggamot ay upang
mabawasan ang presyon ng dugo sa mas mababa kaysa sa 140/90 mmHg para sa
karamihan ng mga indibiduwal, at mas mababa pa para sa mga may dyabetes o
sakit sa bato. Inirerekomenda ng ilang mga medikal na propesyonal na panatilihin
ang mga lebel na mababa sa 120/80 mmHg.[64][66] Kung ang layunin na presyon
ng dugo ay hindi matutugunan, kailangan ng karagdagang paggamot.[67] Ang mga
alituntunin sa pagpili ng gamot at kung paano matukoy ang pinakamahusay na
paggamot para sa iba't-ibang mga pangkat ng tao ay nagbago sa paglipas ng
panahon at magkaiba sa iba't-ibang mga bansa. Hindi nagkakasundo ang mga
eksperto sa kung alin ang pinakamahusay na gamot.[68] Ang mga alituntunin ng
Cochrane collaboration, World Health Organization at ng Estados Unidos ay
sumusuporta sa mababang dosis ng diyuretikong batay sa thiazide bilang ang mas
gugustuhing unang paggamot.[68][69] Binibigyang-diin ng mga alituntunin ng UK
ang mga calcium channel blocker (CCB)s para sa mga taong mas matanda sa 55
taon o kung Aprikano o Karibenyo ang pinagmulan ng pamilya. Inirerekomenda ng
mga alitutuning ito ang mga angiotensin-converting enzyme inhibitor (ACEI)s bilang
mas gugustuhing unang paggamot para sa mga mas bata.[70] Sa bansang Hapon,
ang pagsisimula sa alinman sa anim na mga klase ng gamot kabilang ang: CCB,
ACEI/ARB, diuretikong thiazide, mga beta blocker at mga alpha blocker ay
itinuturing na makatwiran. Sa Canada, ang lahat ng mga gamot na ito maliban sa
mga alpha-blocker ay inirerekomenda bilang mga posibleng unang opsyon.[68]
Magpasiya
Magagawa mong pababain ang presyon ng iyong dugo sa pamamagitan
ng maliliit na hakbang bawat araw sa matagal na panahon. Handa ka
bang subukan ito? Magpasiya.
Mga Hakbang Upang Makontrol ang Mataas na Presyon
ng Dugo
+ Bawasan ang paggamit ng asin sa
mga pagkain at sa pagluluto.
Magtanong tungkol sa ibang mga
pampalasang magagamit mo upang
sumarap ang pagkain.
+ Mas gawing aktibo ang katawan.
Maglakad kasama ng iyong pamilya o
kaibigan. Maaari mong pababain ang
presyon ng iyong dugo at kontrolin ang
tensiyon sa iyong buhay.
+ Magbawas ng timbang, kung sobra ang
iyong timbang. Ang ehersisyo ay
tutulong na magawa ito nang marahan at
ligtas.
+ Itigil ang paninigarilyo. Humingi ng tulong sa
iyong doktor o sumali sa isang programa sa
pagtigil sa paninigarilyo. Patuloy na magsikap!
+ Bawasan ang pag-inom ng tsa at kape at
bawasan din ang pag-inom ng sodang may
caffeine. Bawasan ang pag-inom ng alkohol.
Maaaring anyong mahirap gawin ang mga hakbang na ito, lalo na kung
mabuti naman ang iyong pakiramdam. Kung hindi mo lulunasan ang
mataas na presyon ng iyong dugo, malaki ang panganib na magkaroon
ka ng atake sa puso o atake serebral (stroke).
Mga Payo Para Magtagumpay
s Gawin ang mga pagbabago nang marahan. Pumili ng 1 o 2
dalawang hakbang na susubukan.
s Magtakda ng maliliit na hangarin. Halimbawa, paramihin ang
ginagawa ng katawan sa pamamagitan ng paglalakad ng 5 minuto.
Magdagdag pa ng 5 minuto bawat linggo hanggang makapaglakad
ka ng oras o higit. Sikaping maglakad ng hindi kukulangin sa 3-4
na beses sa bawat linggo.
s Humingi ng tulong sa pamilya, mga kaibigan, at sa iyong doktor.
Sabihin sa kanila kung paano sila makakatulong sa iyo.
s Gantimpalaan ang sarili.
s Magiliw na kausapin ang sarili, lalo na kung
hindi mo sinusunod ang plano. Lahat tayo ay
nakakagawa ng mga pagkakamali. Subukan muli.
Lumapit sa iyong doktor...
upang malaman kung gaano kadalas kailangang alamin ang presyon
ang iyong dugo.
upang malaman kung gaano kadalas
dapat magpatingin sa doktor.
upang magtanong kapag hindi mo
naiintindihan ang plano upang
kontrolin ang mataas na presyon ng
iyong dugo.
upang humingi ng tulong kapag
kailangan mo ito.
Kung malulunasan mo ang mataas na
presyon ng iyong dugo, babawasan mo ang panganib na magkaroon ka
ng atake sa puso o istrok. Iyan ay nasa iyo!
Tandaan, magagawa mong kontrolin ang mataas na
presyon ng iyong dugo.
Markahan ang hakbang na una mong
susubukan:
__ Bawasan ang paggamit ng asin
__ Mas gawing aktibo ang katawan.
__ Mas gawing aktibo ang katawan.
__ Itigil ang paninigarilyo
__ Bawasan ang pag-inom ng tsa, kape, sodang may caffeine, at
bawasan ang pag-inom ng alkohol
sssssssssssssssssssssssss
Iniangkop mula sa Makokontrol Mo ang Mataas na Presyon ng Iyong Dugo, na
ginawa sa
pamamagitan ng suporta ng Pambuong Sistemang AHEC ng Maine, ng Unibersidad
ng New
England, at ng Programang Bingham sa pakikipagtulungan ng Programang Malusog
na Puso ng
Maine Medical Center, Setyembre 1992.
Ang salin ng polyetong ito ay pinondohan ng Care1st Health Plan.
2/05 Tagalog
Makokontrol Mo ang Mataas na Presyon
ng Iyong Dugo
Ang presyon ng iyong dugo ay napakataas.
Kailangang pababain mo ito.
Kailangan ng pagsisikap at magagawa mo ito

You might also like