You are on page 1of 2

LIBON AGRO INDUSTRIAL HIGH SCHOOL

LIBON, ALBAY

Pinalitan ng death under investigation

MANILA, Philippines Hindi na gagamitin sa anumang pagdinig, im-


bestigasyon at report ng isang komite sa Kamara ang salitang extrajudicial
killing.

Ito ay matapos na mapagdesisyunan ng House Committee on Public


Order and Safety na huwag gamitin ang salitang extrajudicial killing at sa
halip ay ang termino na lamang na death under investigation na ginagamit
ng Philippine National Police (PNP).

Ang hakbang ni Antipolo City, 2nd district Rep. Romeo Acop, chairman ng
komite ay bunsod sa mosyon ni Deputy Speaker Gwendolyn Garcia na
kumukwestyon sa paggamit ng nasabing termino dahil sa kawalan umano ng
capital punishment na death penalty sa bansa.

Paliwanag ni Garcia, base sa kahulugan ng terminong extrajudicial


killing, ito ay isang pagpatay na may kaugnayan sa pulitika ng isang tao,
government authorities, o dominant political groups nang walang kaukulang
parusa, judicial proceedings o legal na proseso.

Ang nasabing termino umano ay ina-apply lamang sa 10 bansa na


mayroong parusang kamatayan kaya imposible umanong mangyari ito sa
bansa dahil wala namang death penalty sa Pilipinas.

Dahil dito, hiniling ni Garcia sa komite na huwag kilalanin sa iba pang mga
pagdinig, imbestigasyon at reports ng komite ang terminong extrajudicial
killings at sa halip ay gagamitin na lamang ang terminong death under
investigation.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa mga naunang pagdinig, kinuwestyon din ni Quezon City Rep. Winston


Castelo ang nasabing termino kay Police Director Lazarus Vargas, ng PNP
Director for Plans.

Paliwanag naman ni Vargas, ang terminong extrajudicial killings ay hindi


nila ginagamit dahil ang mga gumagamit umano nito ay isang organisasyon
na nasa labas ng PNP.
LIBON AGRO INDUSTRIAL HIGH SCHOOL

LIBON, ALBAY

I. PANIMULA

You might also like