You are on page 1of 3

TABLEU

NARRATOR: Matutunghayan po natin ang mga kaganapan sa panahon ng


pagsasakatuparan nang Diyos sa pangako Niyang pagliligtas sa sangkatauhan.
Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elizabeth, ang anghel Gabriel ay
sinugo ng Diyos sa Nazareth, Galilea, sa isang dalaga na ang pangalay Maria.
Siyay nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David.
Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito.
ANGHEL GABRIEL: Matuwa ka, ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos, wika niya.
Sumasaiyo ang Panginoon!
NARRATOR: Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap at inisip niyang
mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kayat sinabi sa kanya ng anghel,
ANGHEL GABRIEL: Hwag kang matakot Maria sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos.
Makinig ka, ikaw ay maglilihi at manganganak ng using lalaki at siyay tatawagin
mong Hesus. Magiging dakila Siya at tatawaging Anak ng Kataastaasan. Ibibigay sa
Kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya
sa angkan ni Jacob magpakailanman at ang kanyang paghahari ay walang
hanggan.
MARIA: Paano mangyayari ito, gayong akoy dalaga? Tanong ni Maria.
NARRATOR: Sumagot ang anghel,
ANGHEL GABRIEL: Bababa sayo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan
ng kataastaasan kayat banal ang ipanganganak mo at tatawaging anak ng Diyos.
Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elizabeth? Alam ng lahat na siyay
baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayoy ikaanim na
buwan na ng kayang pagdadalantaosapagkat walang hindi mapangyayari ang
Diyos.
Sumagot si Maria,
MARIA: Akoy alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi. At nilisan
siya ng anghel.
NARRATOR: Hindi nagtagal at si Mariay nagmamadaling pumunta sa isang bayan
sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binate niya si Elizabet. Nang
marinig ni Elizabet ang bati ni Maria naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan.
Napuspos ng Espiritu Santo si Elizabet at buong galak na sinabi,
ELIZABETH: Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin an gang dinadala mo sa
iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat
pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
Mapalad ka sapagkat nananalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng
Panginoon!
NARRATOR: Si Maria at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila
makasal, nalaman ni Jose na si Maria ay nagdadalang-tao sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritu Santo. Dahil isang taong matuwid si Jose na kanyang
mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa lubos na kahihiyan si Maria, binalak
niyang hiwalayan si Maria nang palihim.
Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang
anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya,
ANGHEL GABRIEL: "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria,
sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. Magsisilang siya
ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas
niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."
NARRATOR: Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon
sa pamamagitan ng propeta,
PROPETA: "Tingnan ninyo; 'Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang
sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel. "
NARRATOR: (Ang kahulugan nito'y "Kasama natin ang Diyos"). Nang magising si
Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si
Maria. Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito.
Nang panahong yaon, iniutos ng Emperador Augustos na magpatala ang lahat ng
nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang pagpapatalang itoy ginawa nang si
Cirenio ang Gobernador ng Siria. Kayat umuwi ang bawat isa sa sariling bayan
upang mgapatala.
Mula sa Nazaret, Galilea, si Josey pumunta sa Betlehem, Judea ang bayang
sinilangan ni Haringn David, sapagkat siyay mula sa angkan at lahi ni David.
Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa
na nooy kagampan. Samantalang naroroon sila, dumating ang oras ng
panganganak ni Maria.
Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang
sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa
bahay-panuluyan.
Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa
nang gabing iyon. Lumapit at tumayo sa kalagitnaan nila ang isang anghel ng
Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran nila ang nakakasilaw na kaluwalhatian ng
Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot. Ngunit sinabi sa kanila ng
anghel,
ANGHEL NG DIYOS: "Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita
para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang
ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. Ito
ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng
lampin at nakahiga sa isang sabsaban."
NARRATOR: Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng
mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit,
MGA ANGHEL: "Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga
taong kinalulugdan niya!"
NARRATOR: Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay
nag-usap- usap,
MGA PASTOL: "Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na
ibinalita sa atin ng Panginoon."
NARRATOR: Nagmamadali silang pumaroon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at
ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Isinalaysay ng mga pastol ang sinabi ng
anghel tungkol sa sanggol. Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga
pastol. Tinandaan ni Maria ang mga bagay na ito, at ito'y kanyang pinagbulay-
bulayan.
Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang
kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng
anghel.
Pagkatapos na maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea, sa panahon ng
paghahari ni Herodes, may dumating sa Jerusalem mula sa silangan, na mga
lalaking pantas sa pag-aaral ng mga bituin. Sinabi nila:
MGA PANTAS: Saan naroroon ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Ito ay sapagkat
nakita namin ang kaniyang bituin sa silangan at naparito kami upang sambahin
siya.
NARRATOR: Nang marinig ni haring Herodes ang mga bagay na ito, naligalig siya at
ang lahat ng mga tao sa Jerusalem. Tinipon niya ang lahat ng mga pinunong-
saserdote at mga guro ng kautusan ng mga tao. Tinanong niya sa kanila kung saan
ipanganganak ang Mesiyas. Sinabi nila sa kaniya:
MGA SASERDOTE AT MGA GURO: Sa Bethlehem ng Judea.
NARRATOR: Nang magkagayon, tinawag ni Herodes nang palihim ang mga pantas
na lalaki. Itinanong niyang mabuti sa kanila kung kailan nagpakita ang bituin. At
pinapunta niya sila sa Bethlehem. Sinabi niya:
HERODES: Pumaroon kayo at matiyaga ninyong ipagtanong ang patungkol sa bata.
Kapag natagpuan ninyo siya, balitaan ninyo ako upang makapunta rin ako at
sambahin siya.
NARRATOR: Pagkarinig nila sa hari ay tumuloy na sila sa kanilang lakad. Narito, ang
bituin na kanilang nakita sa silanganan ay nanguna sa kanila. Nanguna ito sa kanila
hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng maliit na bata. Nang
makita nila ang bituin, lubos silang nagalak. Nang sila ay nasa loob na ng bahay,
nakita nila ang bata, kasama ang kaniyang inang si Maria. Sila ay nagpatirapa at
sinamba ang bata. Nang mabuksan na nila ang kanilang mga kayamanan,
naghandog sila sa kaniya ng mga kaloob. Ang mga ito ay ginto, kamangyan at mira.
At nagbabala ang Diyos sa kanila sa isang panaginip na huwag na silang bumalik
kay Herodes. Kaya sila ay nag-iba ng daan pauwi sa kanilang sariling lupain.
Natunghayan po natin ang Christmas Tableu kung paano isinilang ang ating
tagapagligtas ang PANGINOONG HESUS.

Ang mga nagsiganap:


Mga Punong Saserdote at mga Guro ng kautusan
Mga pastol
Mga Anghel ng Diyos
Mga pantas
Propeta
Anghel Gabriel
Herodes
Elizabeth
Maria
Jose

You might also like