You are on page 1of 1

BUTIKI SA KISAME

Butiking malilit,

Sa kisame nami'y mga nakakapit,

Wag sanang mawala ang dikit ng paa,

Dahil sa aki'y malaking abala.

Kumakain ka ng mga insekto,

Cancer natatangal ng kauri mo,

Yung totoo,

Chismis lang yun no?

Ikaw daw ay matalino,

Gumagalaw pa rin, putol na buntot mo,

Kaya heto ako todo iwas,

Baka sa 'kin ito'y humampas.

Butiki sa kisame, wag sanang mahulog,

Dahil sa sahig, katawan mo'y malalasog,

Hindi naman ako takot sayo pare,

Sa magugulatin ako e.

You might also like