You are on page 1of 1

KINABUKASAN NG LIPUNAN

Mga kabataan daw ang pag-asa ng bayan,

Ayon kay Rizal, ang kailangan.

Ngunit puslit pal ang ay tangi ng alam

Paano kikita? kung sikmura'y kumakalam?

Itong ating lipunang ginagalawan,

Tila sa iba ay walang paki alam.

Basta't sila ay makapagpayaman,

Wala ng pakialam sa ibang kinabukasan.

Atin nga kayang suriin,

Kanser sa bayan na nagsimula rin sa atin.

Mga mali nating binoto,

Sila ngayong nagpapakasarap sa pwesto.

Kailan kaya tayo matututo?

Kapag ba ang bansa'y puro gutom na Pilipino?

Kailangan na nating kumilos kabayan.

Para magkaroon ng linaw, itong ating kinabukasan.

You might also like