You are on page 1of 1

Jazz Harvey S.

Briones
Grade 4 - Charity

Talambuhay ni Manuel Quezon


Si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto, 1877 (bagamat ang kanyang opisyal na
kaarawan ay ang ika-19 ng Agosto, 1878) sa Baler, Tayabas (ngayon ay nasa lalawigan na ng Aurora), kina
Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng
Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang bayan.

Tinuruan siya ng isang pribadong guro mula 1883 hanggang 1887; pagkatapos ay pumasok siya sa San
Juan de Letran kung saan siya nagtapos sa sekondarya noong 1889. Namatay ang kanyang ina sa sakit na
tuberkulosis noong 1893, bago siya nagtapos ng summa cum laude sa kursong Bachelor of Arts sa Unibersidad
ng Sto. Tomas (UST) noong 1894. Noong 1898, ang kanyang amang si Lucio at kapatid na si Pedro ay
tinambangan at pinatay ng mga armadong kalalakihan noong pauwi sila ng Baler galing ng Nueva Ecija, dahil
sa kanilang katapatan sa pamahalaang Espanyol.

Naitalagang Ikalawang Pangulo ng bansa noong ika-15 ng Nobyembre 1935. Bagaman ikalawa, sa
kanyang pagkakaupo bilang ama ng bansa, marami ang naitala sa ilalim ng kanyang pangalan bilang una.
Tinalo niya si Pangulong Emilio Aguinaldo, sa kauna-unahang halalang pambansa. Si Quezon ang Unang
Pangulo ng Philippine Commonwealth.
Siya rin ang unang presidente ng bansa na nanungkulan ng dalawang termino. Bilang pangulo, kabilang
sa kanyang mga nagawa ang mga sumusunod: Nagkakaroon ng batas na nagtatakda ng minimum wage para sa
mga obrero. Kasabay nito ang pagkaka-apruba ng batas na nagtatakda naman ng walong oras kada araw lamang
na pagtatrabaho para sa mga manggagawang Pilipino. Sa kanyang pamumuno, lumago ang ekonomiya ng
Pilipinas. Naging maayos din ang Sektor ng Agrikultura na nagbigay-daan sa paglago ng kalakalan sa Sektor
Pagluluwas ng mga produkto sa buong mundo.
Binigyang prayoridad ni Quezon ang edukasyon. Kaagapay si Rafael Palma, ang dating presidente ng
Unibersidad ng Pilipinas, naitatag ang National Council of Education. Sa pamamaraang ito, nabigyang tugon
ang pagdami ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Bukod sa pagbibigay kahalagahan sa kinabukasan
ng mga kabataan, sa Administrasyong Quezon din nagkaroon ng karapatang bumoto ang mga kababaihan.
At sa lahat ng mga ginawa ni Pangulong Quezon, ang pagdedeklara sa Tagalog bilang Pambansang
Wika ang tumatak sa kanyang pangalan. Ini-utos nya ang pagtuturo nito bilang asignatura sa mga paaralan
simula noong 1940. Muling naihalal na pangulo si Quezon noong 1941. Ngunit hindi ito naging madali dahil
kasabay nito ang pag-uumpisa ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig kung kailan sinakop ng mga Hapon ang
ating bansa.
Palipat-lipat ang kanyang naging opisina bunga ng sitwasyong ito. Una sa Corregidor, kung saan siya
nanumpa para sa kanyang pangalawang termino. Sa pag-iwas na madakip ng mga Hapon, nakapagtatag din siya
ng kanyang opisina sa Visayas at sa Mindanao. Sa imbitasyon ng Amerika, tumungo siya sa Amerika, kung saan
niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamahala hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay.
Manuel Quezon, ang Ikalawang Pangulo ng Pilipinas.

Jazz Harvey S. Briones


Grade 4 - Charity

You might also like