You are on page 1of 1

Lorenzo Ruiz, Martir

(Verse 1)
Ang bayang Pilipino, ngayon ay nagsasaya.
Isang sugo sa langit, tayo ay mayroon na.
Salamat sa Maykapal sa banal na biyaya.
Tinanghal ng daigdig, kayumangging dakila.
(Chorus)
Purihin ka Lorenzo, at yong mga kasama.
Alagad ng Maykapal, sagisag ng pag-asa.
Sa rosaryo ng Birhen, kamiy iyong kasama.
Iyo ang aming puso, Lorenzo de Manila.
Iyo ang aming puso, Lorenzo de Manila.

(Verse 2)
Ipagbunyi rin natin mga kasamang martir.
Sa lupa at sa langit, sila ay dadakilain.
Salamat sa Maykapal sa banal na biyaya.
Tinanghal ng daigdig, kayumangging dakila. (Chorus)

You might also like