You are on page 1of 1

Ang Mabuting Pastol

Ang mamatay sa sarili ay mabubuhay sa Diyos;


S’ya’y larawan ni Kristo, ang ating mabuting Pastol.
At Kanyang iniaalay ang sarili N’yang buhay,
sa lugod at kabutihan ng minamahal N’yang kapwa.

Sa paglapit ng panganib, tumatakas ang upahan;


Ngunit ang tunay na Pastol,
nanatili hanggang kamatayan.
At kaya’t S’ya’y mahal din ng butihing Diyos na Ama,
sapagkat handa S’yang mamatay
nang ang kawan ay maligtas.

You might also like