You are on page 1of 15

ANG BIBLIYA AY TUNAY - The Bible Stands

Ang Bibliya ay maninindigan sa lahat ng panahon

Magliliwanag palagi ang sinag nito magpakailanman

KORO:

Ang Bibliya ay hindi kukupas

Kahit pa bundok at mundo'y magunaw

Sa Kan'ya lagi mananalig, Dahil Bibl'ya ay tunay

Ang Bibliya ay katulad ng bundok na ‘di natitinag

Kahit sinong makapangyarihan sa mundo'y ‘di rin uubra

Ang Bibliya ay mananatili mawala man ang mundo

Pananaligan at lagi nang ang buhay ko ay isusuko

Ang Bibliya, kahit pa sunugin ay hindi matutupok

Dahil ang Dios na S'yang may akda nito'y laging nasa puso ko

ANG PAMILYA NG DIOS - The Family of God

KORO:

Ako ay kabilang sa pamilya ng Dios

Si Hesus ang sa akin ay tumubos

Bawat biyaya ay S'ya ang may dulot


Ako nga ay kabilang sa Pamilya ng Dios!

"Kapatid" ang tawagan ng mga kay Hesus

Sapagkat ang nagbubuklod ay pag-ibig ng Dios

Sa sinumang may pasan pagdamay ay lubos

Masaya at may tagumpay ang ang Pamilya ng Dios!

Ang katulad ko'y ulila walang kaibigan

Datapwat dahil kay Hesus biyaya'y nakamtan

Mahina't nagdarahop gayunma'y minahal

At ngayon ako ay anak ng Haring marangal!

KALIGTASAN AY AKING NAKAMTAM

Heaven Came Down and Glory Filled My Soul

O totoong kay saya ng araw ‘di ko malilimutan

Nang kasalanan ay aking iwan dahil S'ya'y nakilala

Kay dakila't kay buting kaibigan, laging maaasahan

Katiyakan ay Kan'yang inialay dahil sa Kan'yang pagsinta

KORO:

Kaligtasan ay aking nakamtan

At si Hesus ang tanging dahilan

Sala'y hinugasan takot ko ay lumisan

Kaligtasan ay aking nakamtan

Isinilang ang bugtong na anak ng Dios ng kahabagan

Inialay buhay N'ya sa lahat O kay inam malaman


Iniligtas tayo sa kalbaryo dahil sa kasalanan

At tinanggap ang Kan'yang pagpapala, purihin ang Kan'yang Ngalan

Tunay na buhay ang naranasan nang si Kristo'y namatay

May isang mansion na uuwian sa langit na tahanan

Dahil sa tayo ay nagtiwala sa ating manunubos

Pagpapala at walang hanggang buhay ay nakamtan nating lubos

DO'N SA KRUS - At the Cross

Bakit dugo N'ya'y nadanak doon sa kalbaryo?

Ibinigay N'ya ang lahat sa taong tulad ko

KORO:

Do'n sa krus, do'n sa krus landas ko'y natanglawan

Kabigatan sa puso'y gumaan

Nang si Cristo ay pagtiwalaan buhay ay aking nasumpungan

Dahil ba sa aking sala sa krus S'ya'y tumangis

Dahil sa awa't pagsinta ako ay nilinis

Tinalikuran ng lahat si Cristong kordero

Hatol sa Kan'ya'y kaybigat sa katubusan ko

‘Di maaaring higitan pag-ibig N'yang tunay

Buhay ko may ilalaan bilang munting alay


SUNDALO NI CRISTO - Onward Christian Soldiers

Sundalo ni Cristo, lalaban tayo

Na kasama natin si Hesu-Cristo

Magtiwala tayo sa Panginoon

Sa lahat ng mga laban, t'yak mananalo

KORO:

Sugod O Cristiano, makipaglaban

Tulad ng kay Cristong pakay din noon

Tulad ng sundalo, tayong Cristiano

Ay mananatili at ‘di susuko

‘Di tayo papayag na magkawalay

Sa lahat ng labanan ay magbabantay

Sa mga kasama, tayo'y magdiwang

Sa ating panalo ay mag-awitan

Ang papuri kay Hesus ay iaalay

Dahil S'ya ang nag-alay ng ating buhay

Ang mga kaaway t'yak na tatakas

Sa mga lalaban ng buong tikas

Tinig ng papuri t'yak maririnig

Ang ating mga kalaban ay mayayanig


DAKILANG PAG-IBIG NI HESUS

Isn't the Love of Jesus Something Wonderful

Kaytamis ng k'wento ng pagibig

Tunay ngang wala nang hihigit

Langit ay iniwan para sa ‘kin

Kaligtasa'y ‘di pinagkait

KORO:

‘Di ba't dakila ang pag-ibig ni Hesus

Kay sarap, kay tapat

O ‘di ba't dakila ang pag-ibig ni Hesus

Kay ligaya ng buhay

Kung abot N'ya nga ang kalawakan

Kaya ding lahat masumpungan

Dahil sa pag-ibig N'ya sa akin

Uulit- uliting bigkasin…

‘Di abot ng ating pang-unawa

Ang dakilang pagsinta ng Dios

Nang si Cristo ay magpakababa

Upang tulad ko ay matubos

MANALIG SA PANGAKO -Standing on the Promises

Magtiwala kay Hesus na S'yang hari

Sa walang hanggan tayo'y magpupuri


L'walhatiin S'ya sa ating pag-awit

Manalig sa pangako ng Ama

KORO:

Magtiwala

Manalig ng lubos sa Dios na manunubos

Magtiwala

Laging manalig sa Panginoon

Magtiwala sa pangako N'yang tunay

Pag bumabagyo at may kabigatan

Bibl'ya ang gabay at tanging patnubay

Manalig sa Pangako ng Ama

Magtiwala sa pangakong kay tibay

Lagi S'yang sa akin ay nagbabantay

Magpatulo'y tayo't h‘wag malulumbay

Manalig sa Pangako ng Ama

Magtiwala kay Hesus palagi na

Di S'ya magbabago laging nand'yan S'ya

Susundin sa t'wina ang s'yang nais N'ya

Manalig sa Pangako ng Ama

ILAPIT KAY CRISTO - Bring them In


Naririnig ko ang tawag

Sa Kagubatan at parang

Si Cristo ay humahanap

Ng mga taong naligaw

KORO:

Ilapit kay Cristo ang taong alipin ng sala

Ilapit kay Cristo Nang maligtas sa parusa

Si Cristo ay tumatawag

Tinig N'ya ay dingging tunay

Upang ang napapahamak

Patawad N'ya ay makamtan

Sino ngayon ang hahayo

At kay Hesus maglilingkod

Upang akayin kay Cristo

Taong sa sala ay lugmok?

TUNAY NA KAIBIGAN - What a Friend

Si Hesus ay Kaibigan S'ya'y tapat kailan pa man

Sa lahat ng katanungan laging S'ya ay nariyan

Alinlangan ay iwanan, magtiwala ka na lang

Tunay ngang maaasahan, S'ya ang ating kanlungan

Kung sakaling may pagsubok, at ika'y nababagot


‘Wag sanang makakalimot na sa Diyos ay may sagot

O wala na ngang katulad tunay ngang kaybuti N'ya

Kung S'ya ang mangangalaga di ka na mawawala

Labis ba ang kabigatan ‘di mapagtagumpayan

Lagi S'yang may katugunan sa ating kahilingan

Kaibigan ba'y lumisan, Si Hesus ay nariyan

Dulot N'ya'y kapayapaan, S'ya'y tunay na kaibigan

TAYO'Y MAGSASAMA-SAMA

Shall We Gather at the River

Tayo'y magsasama-sama

Sa langit na kay ganda

May tubig na ubod linaw

Bubukal ng walang humpay

KORO:

Tayo'y magsasama-sama

Doon sa langit na patutunguhan

Tayo ngang ligtas ay kasama

Sa langit na tahanan

Sa langit na tutunguhan

Nando'n ang Panginoon


Tunay na may kagalakan

‘Di lilipas ang panahon

Sa kumikinang na tubig

Puso ay mapapayapa

Maghahari ang pag-ibig

Kagalakan at pag-asa

Pag namalas na ang langit

Lakbayin ay iiwanan

Habang buhay na aawit

Gantimpala'y kakamtan

PAPURIHAN ANG DIOS - To God be the Glory

Ating Sambahin at purihin ang Dios

Dahil isinugo ang Mananakop

Ang buhay Niya'y kusang inialay

Pinto ng langit sa ati'y binuksan

KORO:

Papurihan ang Dios

At sundin S'yang tunay

Papurihan ang Dios

Tayo'y magkat'waan

Lapit sa Ama sa ngalan ni Cristo

Yamang sa sala'y tinubos N'ya tayo


Tanging ang dugo ni Cristo ang lunas

Sa salang sa atin ay nagpahamak

Ang bawat mananalig ng taimtim

Patawad ng Dios tunay na kakamtan

Bawat kaloob N'ya'y dakilang tunay

Lalo na ang dulot na kaligtasan

Ligayang ganap ang matatamasa

Kung si Cristo ay atin nang makita

SI CRISTO'Y BABALIK - Christ Returneth!

S'ya ay darating, yan ang ating asahan

Araw o hapon S'ya ay masisilayan

Sa Kan'ya tayo sasalubong sa ulap

Kagalakan ay malalasap

KORO:

O kailan pa kaya, kailan

Darating ang araw

Na si Cristo'y babalik na?

Aleluya Amen! Aleluya Amen!

Maraming Anghel ang kasama ni Cristo

Sa lupang ito pag kinuha N'ya tayo


L'walhati ng Dios ating masisilayan

Do'n sa langit hanggang kailanman

Kagalakan ang ating mararanasan

Wala nang lumbay at mga kabiguan

Wala nang hanggan tayo'y mag-aawitan

Pagdating do'n sa kalangitan

MAGTIWALA'T SUMUNOD - Trust and Obey

Sa paglakad natin

Sa Kan'yang landasin

May liwanag sa daraanan

Kung S'ya ay diringgin

Utos N'ya'y susundin

Tayo ay Kan'yang sasamahan

KORO:

Magtiwala't sumunod sa ‘ting Dios

Kasiyahan ang dulot, pag ika'y naglingkod

Lungkot man ay nand'yan

O may kabigatan

Si Hesus ang S'yang kagaanan

Alinlanga't takot

Sa ‘yo ma'y magbanta

S'ya'y palaging maaasahan


Ang Kan'yang pag-ibig

Ay hindi kakamtan

Kung hindi S'ya pananaligan

Kung sa Kan'yang bisig

Tayo ay hihimlay

Iingatan nga tayong tunay

LAGING S'YA AY NAND'YAN

The Comforter Has Come

Atin ngang ihayag sa bawat nilalang

Sa bawat taong may pusong nasasaktan

Ang Dios ay pag-asa at ang kalutasan

Laging S'ya ay nand'yan

KORO:

May kagaanan ka

Sa Espiritung banal

Handog S'ya ng Ama

Dahil nagmamahal

Ating ipaalam sa may kabigatan

Laging S'ya ay nand'yan

Lilipas ang gabi, araw ay darating

Magwawakas na rin ang ating pighati

Paglipas ng ulan, pag-asa'y kakamtan


Laging S'ya ay nand'yan

Pag-ibig N'ya'y wagas

Hindi magwawakas

Ang pagpapala N'ya'y sa ‘kin ibinigay

Taong katulad ko'y Kan'yang nasumpungan

Laging S'ya ay nand'yan

ANG KRUS - The Old Rugged Cross

Sa malayong burol nasilayan ang krus

Larawan ng dusa't sakit

Kagalaka'y lubos sa regalo ng Dios

Na inalay N'ya para sa akin

KORO:

‘Di ko malilimutan ang krus

Kung saan namatay si Cristo

Tunay nga ang pag-ibig ng Dios

Dun sa krus tinubos N'ya tayo

Ang mensahe ng krus tanggihan man nila

Ay ‘di pa rin magbabago

Tayo ang dahilan ng paghihirap N'ya

At ngayon may pag-asa tayo

Ang dugo ni Hesus na dumanak sa krus

Ay nagbigay ng pag-asa
Ginawa N'yang lahat at ako'y natubos

Nilinis ang aking sala

Ang pangako sa Dios na magiging tapat

Ay gagawing maligaya

Araw ay darating, na ako'y haharap

Sa trono N'yang may pagsamba

KAKAMTAN ANG SAGANANG BUNGA

Bringing in the Sheaves

Ang nagpapahayag ng tungkol kay Cristo

Ay may gantimpala na matatamo

Sa mundong ibabaw uusigin tayo

S'ya'y sumasaatin h'wag manlulumo

KORO:

Ating kakamtan, ating kakamtan

Ang saganang bunga ng pagpapagal

O anong galak, O anong galak

Pag tinipon na tayong mga ligtas!

H'wag manghihinawang maglingkod kay Cristo

Iwaksi ang takot at pangamba mo

Balitaan natin ang lahat ng tao

At ang gantimpala N'ya'y matatamo


Sa ginhawa't hirap ating ipangaral

Kaligtasang dulot ng Dios na banal

Ang hirap at pagod ay malilimutan

Pag si Cristo'y atin nang napagmasdan

You might also like