You are on page 1of 1

ANG PAGIBIG NI KRISTO

I
Ang Pagibig ni Kristo ay dakila
Ipinahahayag ng kanyang salita
At naranasan ng bawat nagtiwala
Sa kanyang masaganang biyaya

Koro
O aleluia, sa tagapagligtas
Kanyang Pangalan ay ating itaas
Paglingkuran Siya ng buong sikap
Dahil sa pagibig Niyang wagas

II
Ito ang kanyang itinagubilin
na lahat tayo ay pawang salarin
Linihis nya ang pawid ng hilahil
Hanggang sa buhay Niya ay makitil

III
Ang pagibig Niya ay walang hanggan
Hindi kumukupas, magpakailanpaman
Lalong umaalab sa bawat panahon
Hanggang sapitin natin ang Sion

You might also like