You are on page 1of 1

Kabataang

Kristiyano sa
Kampus

Juan 3:16

Sapagkat gayon na lamang ang pag-


ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't
ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang
Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan.

Puso
Ang una ay: Mahal na mahal ka ng Diyos! Ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan at walang
kondisyon. Nais ng Diyos para sa iyo na iyong maranasan ang Kanyang pag-ibig at matuklasan
ang layunin ng iyong buhay sa iyong kaugnayan sa Kanya.

pagkakahiwalay
Hindi natin palaging nararanasan ang Kanyang pag-ibig sapagkat hindi natin Siya pinapansin.
Lahat tayo ay naghahanap ng kahulugan at katuparan sa buhay - hindi nga lamang natin sa
Diyos ito hinahanap.

Hindi tayo nagtitiwala sa Kanya. Sinusuway natin ang Kanyang mga patakaran.

Ang paggawa ng mga bagay sa iyong sariling paraan ay ang tawag sa Bibliya na kasalanan.
Ang kasalanan ay pumipinsala sa ating mga relasyon at nasisira ang lahat ng pagkakataon na
magkasama at makisama sa ibang tao nang pangmatagalan.

Ang kasalanan ay naghihiwalay sa atin sa uri ng buhay na nais ng Diyos na magkaroon tayo.

krus
Ang ating kasalanan ay hindi pumipigil sa Diyos na mahalin tayo. Pumunta pa siya sa mundo sa
anyo ng tao bilang si Jesu-Cristo upang mamatay para sa atin. Sa krus si Jesus ay inako ang
parusa para sa ating mga kasalanan. Namatay si Jesus - ngunit nabuhay siyang muli.
Pinagkasundo niya tayo sa Diyos.

Sa pamamagitan ng pananampalataya maaari nating maranasan ang pag-ibig ng Diyos at


makatanggap ng buhay na walang hanggan.

Desisyon
Ginawa ng Diyos ang lahat ng posible upang maipakita sa atin kung gaano niya tayo kamahal.
Nag-aalok siya sa atin ng isang kumpleto at walang hanggang buhay sa pamamagitan ni Jesu-
Cristo. Ang bawat tao ay hinahamon Niya na gumawa ng desisyon. Maaari nating hilingin sa
Diyos na patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at maaari tayong magpasya na mabuhay
kasama ang Diyos sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Jesus.

Ano ang magiging desisyon mo?

You might also like