You are on page 1of 2

Salapare, Mark Dennis P.

Debosyonal
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik MW 1:00-2:30 Nobyembre 10, 2014

AKO ANG NAGNAKAW, SIYA ANG NAGBAYAD

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay

si Cristo para sa atin noong tayoy makasalanan pa.

Kapag paulit-ulit nating binasa ang Bible verse na ito at bukas ang ating

puso at isipan, mauunawaan natin ang isang bagay: Napakabuti ng Diyos.Kung

ating iisipin, saan ka makakakita ng isang handing mamatay para sa taong

sobrang hindi naman karapat-dapat mahalin dahil hindi naman Siya

pinahahalagahan?

Kadalasan, kapag ganyan ang trato sa iyo ng ibang tao, magagalit ka,

tatandaan mo ang araw na nakilala mo sila. Pagkatapos, puputulin mo na ang

anumang ugnayan na meron kayo. Pero ang Panginoong Diyos nating lahat, ay

iba talaga. Talagang mapagpatawad at walang-hanggan ang pag-ibig sa atin.

Lahat tayo ay nagkakamali. Lahat tayo ay may taglay na kasalanan sa

ating mga budhi. Kaya ang Diyos, minabuti Niyang Siya na mismo ang gumawa

ng paraan para maisalba lang tayo sa batas Niya, ipinipilit ang pansariling

kaligayahan. Karamihan sa atin, walang pakialam sa sinasabi ng BIbliya tungkol

sa kahihinatnan ng mga makasarili o mga makasalanan.


Kaya, kahit hindi pa nababago ang mga puso natin, kahit hindi pa tayo

tunay na tumatalima sa Diyos at nagbabagong-buhay, gumawa na ang

Panginoon ng paraan. Pag-ibig para sa iyo at sa akin ang dahilan.

You might also like