You are on page 1of 7

Pagbabasbas at Pagbibihis ng Kasuotan sa Opisyal na Imahen ng

San Sebastian Martir


Enero 19, 2022
3:30 PM

I- Unang Bahagi – Pagdarasal ng Sto. Rosario ( Cantado )

II- Ikalawang bahagi – Pagbibihis at Pagbabasbas

A. Prosesyonal na Pagpasok ng Pari at mga tagapaglingkod


( Ang pari ay papasok sa dambana kasama ang mga
tagapanglingkod tangan ang mga damit na handog , kasama din
sa pagpasok ang pamilyang naghandog , hermano mayor at
camarero ni San Sebastian )

Magsitayo po ang lahat

Pari : + Sa ngalan ng Ama , ng Anak at ng Espiritu Santo

Bayan : Amen

Pari : Sumainyo ang Panginoon

Bayan : At sumaiyo rin

Pari: Sa Araw na ito ang sambayanan ng Diyos ay nagagalak sa okasyon


ng pagtitipon ng mga deboto ng Mahal na patron San Sebastian Martir , upang
saksihan ang maringal na pagbabasbas at pagsusuot ng bagong handog na
kasuotan ng ating patron. Sama sama nating hilingin sa Panginoon na ilingon
sa atin ang kanyang pagkalinga at mapagpalang bendisyon upang maging
kalugod lugod ang gawaing ito na ito sa kanayang kapurihan.

Commentator: Tayong lahat ay Magsiupo at pakinggan ang Mensahe ng


Paghahandog mula sa Pamilya ni Kgg. Benjamin Agarao Sr. na susundan ng
Panalangin ng Paghahandog ng kasuuotan Kay San Sebastian Martir .

( Lalapit sa Lectern ang at ilalahad ang pagbibigay mensahe, isusunod ang


panalangin Kay San Sebatian Martir na mula sa kapamilya ng naghahandog )

PANALANGIN KAY SAN SEBASTIAN

Maluwalhating martir na si San Sebastian, sundalo ni Kristo at halimbawa ng


Kristiyano, ngayon ay humingi kami para hilingin ang iyong pamamagitan
para sa trono ng Panginoong Jesus, ating Tagapagligtas, na iyong binigyan ng
buhay.
Ikaw na nabuhay ng pananampalataya at nagtitiis hanggang sa wakas, hilingin
kay Jesus na maging mga saksi ng pag-ibig ng Diyos.
Ikaw na mahigpit na naghihintay ng mga salita ni Jesus, hilingin sa amin na
madagdagan ang aming pag-asa sa pagkabuhay na mag-uli.
Ikaw na nabuhay ng kawanggawa tungo sa iyong mga kapatid, humiling kay
Jesus na dagdagan ang aming pag-ibig sa lahat.
Sa wakas, maluwalhating martir na si San Sebastian, protektahan kami laban
sa salot, kagutuman at digmaan; ipagtanggol ang aming mga plantasyon at ang
aming mga kawan, na mga regalo ng Diyos para sa ating ikabubuti at para sa
ikabubuti ng lahat.
At ipagtanggol kami mula sa kasalanan, na kung saan ay ang pinakamalaking
sa lahat ng mga kasamaan.
Amen.
San Sebastian, patron laban sa mga salot,
ipanalangin mo kami!

Commentator : ( Mauupo ang lahat ) Atin pong pakingan ang Salmo na


pangungunahan ng ating Hermano Mayor Bro. Roalndo G. Ubatay ang ating
pong itutugon “”Ang taong tunay na mat’wid”ay mahabagi’t mabait.

Pagbasa ng Salmo
Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8.9

Ang taong tunay na mat’wid


ay mahabagi’t mabait.

Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,


siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila
pati mga angkan ay pinagpapala.

Ang taong tunay na mat’wid


ay mahabagi’t mabait.

Ang mapagpautang nagiging mapalad


kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.
Hindi mabibigo ang taong matuwid.
Di malilimutan kahit isang saglit.

Ang taong tunay na mat’wid


ay mahabagi’t mabait.
Anumang balita’y hindi siya takot,
matatag ang puso’t may tiwala sa Diyos.
Wala siyang takot hindi nangangamba,
alam na babagsak ang kaaway niya.

Ang taong tunay na mat’wid


ay mahabagi’t mabait.

Mabait na lubha, lalo sa mahirap,


ang pagiging mat’wid ay di nagwawakas.
Buong karangalan siyang itataas.

Ang taong tunay na mat’wid


ay mahabagi’t mabait.

Pagbabasbas ng handog na kasuotan

Commentator : ( Tatayo po ang lahat para pagbabasbas ng mga handog na


kasuotan )

( Ang Pari ay lalapit sa lugar na kinaroroonan ng mga kasuotan at bibigkasin


ang panalangin at pagbabasbas )

PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari: Sa ngalan ng Panginoon tayo'y tinutulungan.

Bayan: Siya ang may gawa ng langit at sanlibutan.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At Sumaiyo rin.

Pari : Manalangin tayo.

O Panginoon, basbasan mo ang kasuotang ito na inihanhandog sa iyong Martir


na lingkod na si San Sebastian + na inilalaan para sa iyong lalong
kapurihan , karangalan at kalooban. Loobin mong ang lahat ng gumamit nito
ay magkamit ng iyong pagpapala at ipag-adya sa panganib at sakuna,
yayamang kaming lahat ay umaasa sa iyong biyaya at kagandahang-loob.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, kaisa
mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
( Tahimik na wiwisikan at iinsensuhan ng pari ang bagong kasuotan )

PAGBIBIHIS NG BAGONG KASUOTAN SA MGA IMAHEN

Commentator: Sa bahaging ito ay masasaksihan natin ang pagbibihis ng


bagong kasuotan sa mga imahen ni San Sebastian , habang inaawit ang Dalit
kay San Sebastian ay isasagawa ang amringal na pagbibihis sa mga imahen ;
Magsiupo po ang lahat .

( Sa Matandang Imahen , ang Pagbibihis ay pangungunahan ng Camarera Si.


Perla gaza at ng Pamilya , Sa imahen Vicario ay pangunguhan ng Hermano
mayor ng Kapistahan at sa ikalong Imahen ay ang Pamilya ni Cong. Benjie
Agarao )

Ang Dalit sa Kapurihan ng maluwalhating San Sebastian Martir ay aawitin ng


koro at ang tugon ng bayan

DALIT SA KAPURIHAN NG MALUWALHATING SI


SAN SEBASTIAN MARTIR

Aba Martir na Sugatan Ikaw ang nagpakatapang


Sa Diyos ang sintang dahilan. Nang di sila marayaan. (Koro)

Koro: Kami’y iyong saklolohan Ikaw ang sumasaklolo


Marangal na San Sebastian Sa mga bilanggong tao
Ano pa at dahil sa iyo
Sa kabantugang Palasyo Nagtiis ng martirio
Ng Emperador Diocleciano Sa tamis ng iyong Aral
Pumasok kang mga sundalo Maraming nangabinyagan. (Koro)
Kahit tunay kang Kristiyano
Sa iwi mong kabaitan Pawa mo rin nangaakay
Ay totoo kang minahal (Koro) Kay Hesukristong bakuran
Si Nocostratong Opisyal
Dangal at ang kapurihan Si Claudiong alcalde naman
Ay madali mong kinamtan Dito’y dapat makilalang
Kaya nga at ginawa kang Malaking kababalaghan. (Koro)
Isa sa piling Kapitan
Ngunit ang pagkabinyagan Buhay mo’y nanganganib din
Ay di mo pinamalayan. (Koro) Sa mga gawang pag-angin
Ay di mo rin pinapansin
Sa Roma ay nang mag-usig Sa Diyos pag-ibig ang dahil
Si Dioclesianong malupit Kaya nga’t tinawag kang
Balang Kristiyano’y pinilit Defensor ni Kristong Mahal. (Koro)
Sumambasa mga diyoses
Pagkarinig niyong mga sukab Bilang makalawang martir
Na suldadong marahas Ngayo’y nariyan ka naman
Ay unahan nang pagsunggab Sa maluwalhating bayan. (Koro)
Hatol sa iyo’y tinupad
Tunod sa iyong katawan Kung sa iyo’s nagsasakdal
Dumadapong parang ulan. (Koro) Dumadalangin ang bayan
Ang awa ay kinamtan
Ngunit hindi itinulot Sa iyong pamamagitan
Nang karunungan ng Diyos Salot man ang dumaan
Na ang hininga mo’y malagot Tambing mong napapatahan. (Koro)
Sa palasong nagsitaos
At nang lalong icarangal Emperador ng maligning
Sa relihiyong katotohanan. (Koro) Gawa mo’y di minagaling
Galit di sukat sabihin
Yaong Pusong nag-aalab Hinatulan kang patayin
Sa nasang magpakahirap Sa isang kahoy ipugal
Di naman humupa ang ningas Panain hanggang mamatay. (Koro)
Sa gayon bangis na antak
Paggaling ng iyong damdam Nang magkapeste sa Roma
Muling humarap na naman. (Koro) Nang panahong si Agato’y Papa
Nang sa altar ilagay ka
Si Dioclesiano’y nagitla Hampas na yao’y nagbawa
Ng ikaw ay makilala Huwag mo ring kalimutan
At natilihan nga siya Iligtas mo ang iyong bayan. (Koro)
Sa asang ikaw ay patay na
Sa kamuling hinatulan Aba Martir na Sugatan
Ikaw ay pagpalauanan. (Koro) Sa Diyos ang sintang dahilan.

Tantong di sukat malirip Koro: Kami’y iyong saklolohan


Ang tibay ng iyong dibdib Marangal na San Sebastian
Itong iyong pagtitiis

V. Ipanalangin mo kami mapalad na San Sebastian.


R. Nang kami’y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristo.

LITANIA KAY SAN SEBASTIAN

San Sebastian, Ipanalangin mo kami


Martir na di mapaglalangan, *
Kawal na Marangal at bantog, *
Maluwalhating mandirigma’t Martir ni Cristo, *
Tagapagtaguyod at salamin ng mga kawal na Kristiyano, *
Katunggaling mga bagay na pandaigdig, *
Manlulupig kay Satanas, *
Ginhawa ng mga nag hihingalo, *
Tagapagpala ng mga may sakit, *
Tagapagbansag ng Salita ng Diyos, *
Tagapagsanggalang at pintakasi ng mga bansa’t lunsod, *
San Sebastian, uliran sa kabanalan at karunungan *
San Sebastian, makapangyarihan sa salita’t gawa *
San Sebastian, Mapagmahal sa Diyos at sa Tao *
San Sebastian, nagbigay ng lakas ng loob sa mga Kristiyanong naghihirap at
nangamamatay *
San Sebastian, na nagpapatatag at nagbigay buhay sa mga nag aalinlangan na
magsumikap hanggang sa katapusan *
San Sebastian, na nagpatibay ng loob ng mga nag-uulik sa pananampalataya *
San Sebastian, na nagpaalab ng pag-ibig sa Diyos at nasuklam sa mga pasakit
na dulot ng mga maniniil *
San Sebastian, na napapaligiran ng liwanag na pangkalangitan*
San Sebastian, na tinuruan ng mga banal na Anghel *
San Sebastian, na nagbigay ng pananalita sa mga pipi *
San Sebastian, na sa pagtatanggol sa katotohan, ay nasugatan ng mga palaso
* San Sebastian,na ipinapatay sa pamamagitan ng mga pamalo*
San Sebastian, na pinutungan ng walang katapusang Luwalhati *
San Sebastian, makapangyarihan tagapamagitan naming sa Diyos *
San Sebastian, Binigyan ng Diyos ng kapangyarihan makapigil sa salot at
sakit na nakakahawa *

PANGHULING PANALANGIN

( Tatayo ang lahat )

Pari : Manalangin tayo


PANALANGIN
O! Diyos naaming kabuhayan, pakinggan mo po ang aming mga daing, na sa
pamamagitan ng maluwalhati at mapalad na Birhen at ng katoto mo’t mapalad
na si San Sebastian at ng lahat ng mga Santos,
ay iligtas mo itong bayan sa iyong mga
kagalitan, at ipagkaloob mo na ang iyong masaganang awa na aming
ikatiwasay alang alang kay Hesukristong Panginoong na kaisa Mo at ng
Espiritu Santo Magpasawalang hanggan .

Bayan : Amen

Pari : Sumainyo ang Panginoon

Bayan : At sumaiyo rin

Pari: At Pagpalain tayo ng Makapangyarihang Diyos + Ama, at ng Anak at ng


Espiritu Santo..

Bayan : Amen

HIMNO KAY SAN SEBASTIAN

Refrain: Aba Martir na Sugatan


Sa Diyos angsintang dahilan.
Kami’y iyong saklolohan
Marangal na San Sebastian

Sa Tibay ng Sampalataya
Dinanas mo ang mga Dusa
Ika’y pinana at pinalo
Hanggang sa ikaw ay mamatay
Ngunit ngayo’y Luwalhati Sa Piling ng Diyos Natin.

Aba Martir na Sugatan


Sa Diyos ang sintang dahilan.
Kami’y iyong saklolohan
Marangal na San Sebastian

You might also like