You are on page 1of 1

Abdullah Fry Dawah Islam

23 hrs Edited

TANONG: Paano po mag-muslim? Pwede po bang pag-aralan ko muna ang lahat ng mga gagawin
sa Islam (tulad ng pagdarasal at pag-aayuno) at ibang katuruan nito at saka ako mag-Muslim?
SAGOT: Una sa lahat, dapat mo malaman na may isa lang na Diyos na dapat mo sambahin kundi si
Allah (subhanahu wa taala-ang kataas-taasan) ang Diyos na tunay ang tagapaglikha ang lumikha
saiyo at sa lahat ng bagay na nakikita at hindi nakikita, at saka mo talikdan o itakwil ang mga diyos-
diyusan na sinasamba at tinatawag mo noon, at si Allah lang ang dapat mo sambahin, siya lang ang
paghingian mo ng tulong at sa kanya ka lamang magbigay ng pasasalamat at sa Kanya ka humingi
ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan. At isuko mo ang iyong sarili sa Allah at saka mo sambitin
ng buong puso mo na may ganap na pagsuko ang SHAHADA- "Ang Pagsasaksi o Panunumpa"
Magsasaksi ka o Manunumpa ka na walang ibang Diyos maliban si Allah at si Propeta Muhammad
ay Huling Sugo at alipin ng Allah. sa arabik ay ASHADU AN LA ILAHA ILALLAH WA ASHADU
ANNA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULULLAH.
Ang pagyakap sa Islam ay halimbawa sa pagkuha ng kurso ,,,
Halimbawa ay kukuha ka ng doctor na kurso (course), hindi ka magiging doctor kung hindi ka
magpa-enrol, kaya mag pa enrol ka muna, saka mo pag -aralan ang pag-gagamot, at pag check up
ng may sakit ang pag-oopera ng katawan ng tao, ang pag-bigay ng tamang gamot sa kung anong
uri ng sakit ng tao, at ang mga pwede gawin at hindi puwedeng gawin at ang mga iba pang batas
nito. at kung alam mo na lahat at nakapasa ka pagsusulit ay saka ka matatawag na tunay o
registered na Doctor.
Ganun din sa pagpasok sa ISLAM, papasok ka muna sa pamamagitan ng SHAHADA, magshahada
ka muna para maging Muslim ka, at saka mo pag-aralan ang lahat, ang Pagdarasal, ang tamang
pagbibigay ng zakat- kawanggawa, ang pag-aayuno, ang paglakbay sa Makkah (kung may
kakayahan sa financial at pisikal kung wala kang kakayahan sa nabanggit ay hindi na obilgado
saiyo), at iba pang mga gawaing pagsamba sa Allah,mga haram at halal or mga bawal at pwedeng
gawin, pag-iwas sa masama at paggawa ng mabuti at mga iba pang aral at batas nito at kapag alam
mo na lahat at naisabuhay mo lahat at saka ka matatawag na tunay na Muslim.
Paki-share po sa mga gusto mag-muslim na mga kaibgan natin na mga kristiyano at kababayan
natin, at makakatulong ito sa kanilang pagsusuri sa paghahanap ng tunay na relihyon at tunay na
kailgtasan, inshaallah ,,Pagpalain tayo ng Allah swt.sa pagbabahagi nito at sa mga intensiyon natin.
inshaallah ...
Jazakumullahu khairan ...

You might also like