You are on page 1of 3

BABALIK KA RIN

ni:????????

Caption Dalawang taon ng kasal sina Denver at Kaye. Sa matagal nilang pagsasama
ay ni hindi sila nagkaroon ng anak. Marami na silang sinubukang gamut para lamang
mapadali ang agbubuntis ni Kaye ngunit sa kabila ng pagod at hirap na kanilang
dinaranas ay hindi parin ito nagbunga. Mabait at mapag-alagang asawa si Kaye. Lahat
ay ginagawa niya para lang mapaligaya ang asawa maliban na lamang sa kagustuhang
magkaroon ng anak. Ito ang kaisaisang bagay na hindi kayang ibigay ni Kaye kay
Denver, ang magakaroon ng Anak. Ang akala ni Kaye ay masaya na si Denver at
kontento na sa kanyang piling ngunit hindi siyay nagkamali. Nalaman niyang si Denver
ay may kinakasamang iba at nagkaroon pa ito ng mga anak sa babae. Ang masaklap
ang kinakasama ng kanyang asawa ay ang matalik niyang kaibigan.

Kaye Ano bang mali ang ginawa ko sayo? Bakit mo ako ginaganito? Ha? (mangiyak-
ngiyak na sabi ni Kaye)

Diego Wala! Wala! Pero may isang bagay na hindi mo kayang ibigay sa akin na
siyang makaagpapaligaya sa akin ng lubusan. Gusting gusto kong maging ama Kaye.
Gusto kong may tumawag saking papa. Gusto kong tawagin akong ama. Narinig mo
yon? Narinig mo yon Kaye? Ha? Iyon ang tunay na makakapagpaligaya sa akin Kaye..
Patawad.. (humihina ang boses ni Denver na sabing iiwan na kita Kaye.)

Denver Wala! Wala! Pero may isang bagay na hindi mo kayang ibigay sa akin na
siyang makaagpapaligaya sa akin ng lubusan. Gusting gusto kong maging ama Kaye.
Gusto kong may tumawag saking papa. Gusto kong tawagin akong ama. Narinig mo
yon? Narinig mo yon Kaye? Ha? Iyon ang tunay na makakapagpaligaya sa akin Kaye..
Patawad.. (humihina ang boses ni Denver na sabing iiwan na kita Kaye.)

Kaye Mahal kita Denver. Mahal na mahal alam mo namang lahat ay binigay ko sayo
maaligaya kalang. Pero hinding hindi ito nangyari, kaya parehas lang tayo Denver,
parehas lang tayo gusto ko ring magka-anak. Gusto ko ring marinig na tawagin akong
Mama. Gustong-gusto alam mo bang nadarama kong inggit sa tuwing nakakakita ako
ng mga kasama ng kanilang mga anak alam mob a? ha? Mahirap rin para sa akin
Denver napakahirap huhuhuhuhuh.. huhuh.. (Ang nanginginig na boses ni Kaye
habang umiiyak)

Denver Sanay maintindihan mo ako Kaye nakapagdesisyon na ako.. iiwan na kita


mas mabuting maghiwalay na tayo.

Kaye Ha?

Caption Bakas sa mukha ni Kaye ang pag-aalala at tumutulo ang luha sa kanyang
mga mata.

Kaye Ganon nalang ba kadali iyon Denver? Ganon nalang ba? Baliwala nalang ba
sayo ang mga pinagdaanannatin? Ha? Basta basta mo nalang ba ako iiwan yon ba?
Yon ba?.. (ang pasigaw na sambit ni Kaye na pawing nababaliw at habang umiiyak)
Denver Hindi rin madali ang desisyon komng ito Kaye, pwero habang nagsasama
tayo ay hinding-hindi ko matatamasan ang kaligayahang hinahanap ko.

Caption Ang mga salitang ito ay lumabas sa bibig ni Denver habang nag-iimaki ng
gamit.

Denver Iiwan na kita Kaye iiwan na kita paalam.

Kaye Denver. Denver.. Denver.huhhuhuh.huhuhuhhhh.

Caption Halos lumubog na sa lua si Kaye habang umiiyak nan a parang bata at ang
nasisiraan ng ulo. Pero hindi parin lumingon si Denver kay Kaye sa halip ay nagpatuloy
pa ito sa paglalakad. Unti-unti nang bumagsak si Kaye sa lupa at nawalan ito ng malay.

Caption Kinabukasan, naroon parin ang sakit na nararamdaman ni Kaye naroon parin
ang bigay sa kanyang dibdib. Hinding hindi niya makalilimutan ang sakit na dinulot ni
Kaye ng iniwan ni Denver sa kanya. Pero sa kabila ng asakit na idinulot ni Denver kay
kaye ang hindi parin niya maalis ang pag-ibig niya kay Denver. Sa nangyari ay wala
paring nagbago, mahal parin niya ito at umaasa parin na baling araw ay babalikan siya
ni Denver.

Caption Taon na ang lumipas. Nanatiling maag-isa si Kaye dahil naniniwala siyang
babalik sa kanya si Denver. Nagiging bulag sa ag-ibig si Kaye. Mahal parin niya si
Denver kahit alam niyang may kinakasama na itong iba.

Caption Sinubukan ni Kaye na bisitahin si Denver, sinubukan niya kahit alam niyang
masasaktan siya kapag nakikita niyang may iba nang kinakasama si Denver. Alam niya
ang address ni Denver sa Maynila. Pinuntahan niya ito laking gulat na lamang niya
nang Makita niya si Denver na hinihimas-himas ang tiyan ng isang babae na kung iyoy
titignan ay malapit na ang kapanganakan nito. Si Gail ang babae na kanyang nakita.

Caption Si Gail ay ang matalik na kaibigan ni Kaye nagging kaklse niya ito mula
elementarya hanggang hayskul. Palagi niya itong kasama sa kasiyahan at kalungkutan.
Kapatid niya ito kung ituring. Hindi niya sukat akalain na ang taong tinuring niyang
kapatid ay ang taong tatraydor sa kanya at angtaong aagaw sa kanyang kasiyahan. Hin
di makapaniwala si Kaye sa nasaksihan hindi niya maipaliwang ang sakit na nadarama
tila sinakluban ng langit. Nagsisikip ang dibdib at agd na sumulay ang mga luha sa
kanyang mga mata. Hindi namalayan ni Kaye na nakatingin na pala sa kanya sina Gail
at Denver. Agad niyang inahid ang mga luha at pabilis na tumakbo palayo. Sinubukan
siyang habulin ni Gail ngunit hindi niya ito naabutan.

Caption Hindi sinasadya nagtagpo ang landas ng dalawa na sina Kaye at Gail.
Nagkatinginan ang dalawa. Masama ang tingin ni Kaye kay Gail at hindi niya
maiwasang mapaiyak sapagkat si Gail ang matalik niyang kaibigan. Nangbiglang
tinawag ni Gail.

Gail Kaye, Sandali Kaye Hintay.


Cation Nagpatuloy parin sa paglalakad si Kaye hinabol siya ni Gail hanggang sa
naabutan. Nang naabutan na ni Gail si Kaye ay agad niyang hinawakan sa balikat si
Kaye paglingon na paglingon ni Kaye ay agad sinalubong ng sampal si Gail na habang
umiiyak.

Kaye Walang hiya ka!!! Pano m o nagawa sa akin ito Gail, ha? Itinuring kitang higit pa
sa kadugo ngunit anong ginawa mo? Inagaw mo sa akin ang kaligayahan ko. Alam
mong mahal na mahal ko si Denver, Gail mahal na mahal pero anong ginawa mo?
Inagaw mo siya sa akin.

Gail Hindi ko sinasadya Kaye, hindi. Patawarin mo na ko.

Caption Muli ay dumapo ang mga kamay ni Kaye sa mukha ni Gail, isang malakas na
sampal. Parehong imiiyak sina Gail at Kaye. Paulit-ulit na humihingi ng tawad si Gail
kay Kaye ngunit nagmatigas si Kaye agad siyang umalis at pinahid ang mga luha sa
mata. Iniwan niya si Gail ng nakaluhod.

Caption Napag-isip isip ni Kaye na bumalik na lang sa probinsya. Ginawa niya ito
kahit labag sa kanyang kaloobang babalik ng mag-isa sa kabila ng mga pangyayaring
nasaksihan ay naging bulag parin siya sa pag-ibig ni Denver at umaasa pa siyang
baling araw ay babalik at babalik parin si Denver sa kanyang piling na magsasama
silang masaya at matiwasay.

You might also like