You are on page 1of 1

Pambungad

Ang porfolio na ito na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng mga sulatin sa asignatura ng Filipino Sa
Piling Larang. Ang Filipino Sa Piling Larang ay isang asignatura na itinuturo sa mga mag-aaral na nasa ika-
labingdalawang baitang. Ito at nakakatulong sa paglinang sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga aralin
at gawain na pinapagawa ng guro.

Pasasalamat

Unang-una, nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa ipinagkaloob na karunungan upang ako ay matuto
sa mga aralin at gawain sa asignaturang Filipino Sa Piling Larang at pagbibigay sa akin ng malusog na
pangangatawan.
Nagpapasalamat rin ako sa aking guro sa paggabay at pagbibigay kaalaman at linaw sa aralin na
pinapagawa. Nagpapasalamat rin ako sa aking mga magulang, sa walang katapusan na pagsuporta sa akin
sa mga panahong pinaghihinaan ako ng loob at sa pagbibigay sa lahat na aking pangangailangan. At sa
aking mga kamag-aral at kagrupo sa tulong at tiwala na makakaya naming tapusin ang nakaatang na
gawain at sa pagbibigay aliw upang kahit papaano mabawasan ang kapaguran.

Bionote
Ako si Michelle Dolojan Salibay. Maaalahanin, mapagmahal, mahaba ang aking buhok, hindi katangkaran,
kayumanggi ang aking balat at medyo may katamaran. Ang aking ama ay si Esmael Salibay at ang aking
ina naman ay si Gloria Salibay. Mayroon akong limqng kapatid na llalaki sina Rimbert Salibay, Jastine
Salibay, Reyneil Salibay, Ian Robbie Salibay at Angel Luoise, ang aming bunso. Mahilig akong magbasa ng
mga kwento sa wattpad at manood ng mga Korean-drama.Takot ako sa matatas na mga lugar, sa ahas at sa
mga hayop na gumagapang. Pangarap kong makapagtrabaho sa ibang bansa, bumili magandang bahay at
sasakyan. Pangarap ko ring libutin ang buong Asya. Ako ay nakatira sa Poblacion A- Osmea, Tagbina,
Surigao del Sur.

Pangkalahatang Repleksiyon

Aaminin ko na hindi madali para sa akin ang pagsulat ng mga sulatin sa asignaturang Filipino Sa Piling
Larang. Mahirap mag-isip at pumili ng mga salitang dapat naaayon sa isang sulatin. Mahirap para sa akin
ang bumuo ng isang magandang sulatin ngunit ang lahat ng hirap ay may kalakip na pagkatuto at malaking
grado(marka). Kaya nakakaenganyong sumulat ng isang sulatin.

You might also like