Outline

You might also like

You are on page 1of 3

“Mahalaga ba?

Mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas mula nang umalis sa pwesto ang dating

pangulong si Ferdinand Marcos, ngunit mainit na usapin pa rin ang Batas Militar hanggang

sa ngayon. Buksan mo lamang ang facebook account mo at makikita mo ang ibig kong

sabihin. Kung minsan maririnig mo rin itong pinagchichismisan ng mga nanay na katabi mo

sa dyip. Naging mas mainit pa ang usapin na ito sa loob nang Mataas na Paaralan ng Ateneo

nang ipinalabas and dulang Desaparesidos.

Ano nga ba ang Batas Militar at bakit ito idineklara? Ang Batas Militar ay batas na

idineklara ni dating pangulong Ferdinand Marcos noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972.

Layong iligtas republika mula sa masasamang elemento katulad ng mga komunista sa

pamamagitan ng pagdeklara ng Batas Militar. Ang isa pang dahilan ng pagdeklara ay upang

magtatag ng isang bagong lipunan na makapagdudulot ng ibayong kaunlaran, kapayapaan at

seguridad sa sambayanang Pilipino.

Bagaman maganda ang naging pangunahing rason ng pagtatag ng batas ay naging

daan ito upang maging mapang-abuso ang maraming opisyales ng pamahalaan. Inabuso nila

ang kanilang kapangyarihan at nabiktima ang karapatang pantao ng maraming mamamayan.

Sinalamin ng dulang Desaparesidos ang ilang pang-aabusong naganap noong rehimen ni

Marcos at ang naging epekto ng karanasan nilang ito sa kanilang buhay kahit matapos ang

panunungkulan ni Marcos.

Maraming karahasan ang nangyari noong panahon ng Batas Militar. Tulad na lamang

ng pagpatay sa asawa ni Ka Leila dahil ito’y isang NPA sa dula. Maging ang paggahasa kay Ka

Leila, pag-torture kay Ka Roy at Ka Jinky, at pagkulong sa mga kasama sa kilusan ay mga

kaganapan sa dula na nagsasalamin ng mga pang-aabusong nangyari noong rehimen ni

Marcos.

1
Dahil sa mapang-abusong opisyales noong panahon ng Batas Militar, nalabag ang

karapatang pantao ng maraming mamamayan. Nabuo ang kilusan upang labanan ang

ganitong sistema. Ang naging pangunahing layunin ng kilusan ay ang paglaya mula sa

mapang-abusong pamahalaan at maibalik ang karapatang pantao ng bawat mamamayan ng

Pilipinas. Ngunit dahil naging marahas ang pagtrato ng gobyerno sa mga grupong tutol sa

kanilang pamamahala, naging madugo ang pakikibaka. Makikita sa dula ang karahasan ng

pakikibaka na ito. Maraming namatay at nawalan ng mga mahal sa buhay sa proseso ng

pakikipaglaban.

Hindi pa rin natapos ang pakikibaka ng mga naging biktima ng pang-aabuso noong

rehimen ni Marcos kahit nang maalis na sa puwesto si Ferdinand Marcos at nakawala na sa

mapang-abusong sistema. Makikitang naging permente ang epekto ng mga karanasan ni Ka

Roy at Ka Leila sa buhay nila kahit nang matapos na ang rebolusyon. Naging balakid para sa

kanilang dalawa na mabuhay ng normal dahil sa traumatic na karanasan nila.

Naging mahalaga kaya ang pakikibaka ni Ka Roy at Ka Leila? Bagaman naalis sa

pwesto si dating Pangulong Marco, hindi pa rin naubos ang mapang-abusong opsiyales na

namamahala sa gobyerno. Bagaman natapos na ang rebolusyon ay naging permanente pa

rin ang trauma na naging bunga ng pang-aabuso sa kanila noong panahon ng Batas militar.

Napabayaan rin nila ang kanilang anak na si Lorena dahil pareho nilang nilaan ang kanilang

oras sa pakikibaka.

Kung sa gayon ano ba ang nakamit natin sa pagwawakas ng rebolusyon kung

mayroon pa ring mapang-abusong opsiyales na naluklok sa pamahalaan at nasira lamang

ang buhay ng mga lumaban para sa ating kalayaan? Sa aking palagay isa sa mga

pinakamahalagang nakamit nating lahat mula sa pangyayaring ito ay kasaysayan. Dahil sa

pamamagitan ng kasaysayan ay nabubuhay ang kuwento ng nakaraan at naaalala ang

2
pagkakamali. Sa pamamagitan ng pagalala ng pagkakamali ay naiiwasang ulitin ang mga ito.

Totoong masakit alalahin ang malagim na nakaraan pero ika nga ni Malaya, “Iyon ang totoo,

at iyon ang mahalaga.” Mahalagang alalahanin ang naging sakripisyo ng mga naktatanda

para makamit ang kalayaan natin dahil sila’y mga bayani at dapat ikuwento ang kagitingan

nila. Inalay nila ang buong pagkatao nila para sa ikabubuti ng nakararami.

Naging mahalaga ang kilusan dahil ito ang naging daan upang makawala ang bansa

sa mapang-abusong pamamahala ni Marcos. Totoong naging marahas ang pakikibaka na ito

dahil maraming nawalan ng buhay at mga mahal sa buhay ngunit kinailangan ito upang

makamit ang kalayaan. Sila’y mga bayani dahil ipinaglaban nila ang karapatang pantao ng

bawat mamamayan, inalay nila ang kanilang buhay para sa mga taong naaapi, at

nagsakripisyo sila para sa bayan. Pangarap kong maging katulad nila, ang maging boses ng

mga nangangambang magsalita at ang aking damdamin ay maging pagpapahayag ng mga

nahihirapang mabuhay. Naging makabuluhan ang pakikibaka dahil lumikha ito ng

kasaysayan, na siyang gagabay sa ating lahat upang tumungo sa mas mabuting kinabukasan.

Diana G. Romero

Setyembre 26, 2016

G. Charles Yee

You might also like