Walang Pamagat

You might also like

You are on page 1of 1

Walang Pamagat

Walang pamagat ang sulatin na ito sapagkat ang isip ko sa ngayon ay lubhang magulo.

Marami ang naganap, at marami pa ang magaganap. Pawing kabiguan, kalungkutan ang
aking naranasan.

Sa pagsilip ko sa bintana, una kong natanaw ang mga dahon na sumasayaw habang ang
dilim ay bumabalot pa sa kapaligiran. Malayo pa ang umaga.

Kahapon lamang ay masaya akong umaawit ng paborito mong kanta, “Mahal kita
walang iba…”

Ngayon ang inaawit ko na ay ang bagong awitin ni Moira, “Malaya Ka Na.”

“Mangangarap hanggang sa pagdating…mangangarap pa rin kahit masakit…”

Habang inaawit ko ang bagong awitin, naaalala ko ang mga sinabi mo na ako alng ang
iyong mamahalin… ako alng ang iibigin… pitong taon na ang nakalipas… subalit nandito pa rin
ako, nakalugmok sa alaala ng nakalipas.

Isang araw, iniwan kita. Ang sabi mo huwag akong umalis. Balot ng luha ang iyong mga
mata ng tumalikod ako at pilitin na limutin ka. Subalit paulit-ulit pa rin na ikaw ang aking
nakikita, kapag tumitingin ako sa paligid, tumintingin sa mga lugar kung saan kita palaging
kasama, simula ng makilala kita.

Matapos ang ilang taon, nagbalik ka.

Ang akala ko ay ito na ang umpisa. Iyon pala ay hudyat ng tuluyang pamamaalam ng
sabihin mong, “bumabawi lamang ako… subalit mas mahal ko siya…”

Sa muli kong pagsilip sa bintana natanaw ko ang pagsikat ng araw. Palipas na ang gabi.
Bagong simula na nga ba?

Akala ko ay hindi na ako makalalagpas, subalit salamat, salamat sa mga alaala. Salamat
sa dating pag-ibig at paalam na.

Ayan, malinaw na muli ang magulo kong isipan. May ngiti sa aking labi, maaari ko ng
sabihin sa iyo, oo, makalipas ang maraming taon ay handa na ako…“MALAYA KA NA…”

At… MALAYA NA AKO…

You might also like