You are on page 1of 4

HUWAG MONG SUKUAN ANG PAG-IBIG

By: Ate Vanny

Kung ang pagsuko ay nariyan lang,

Parang dilag na sumisilay sa tarangkahan,

Huwag ito dungawin, huwag pagmasdan…

Sapagkat sa pagsuko ang puso mo ay huwag ilaan…

Kung ikaw may nasaktan,

Kung ikaw ay iniwan,

Huwag kang sumuko, huwag, huwag mong hayaan…

Ang pagpapatawad, ang paglimot ay nariyan,

Ang pagsuko, huwag huwag mo ito hayaan…

Kung umiyak ka man,

Kung madapa…

Kung ang paglimot…sa sakit ay ‘di makayanan…

Nanlulupaypay na puso…

Huwag, huwag kang susuko…

Ang pag-asa ay laging nariyan…

Ang pag-ibig ay lubhang makapangyarihan…

Kung dahil sa ilan…

Ito’y hindi mo na mapaniwalaan…

Na ang pag-ibig ay mahiwaga…


Oh, pag-ibig ay makapangyarihan…

Kung nais mo na ay ito ay sukuan…

Huwag…huwag mong isipin man lamang…

Sapagkat kung may ilan…

Na ang alam lamang ay ikaw’y saktan…

Na ang alam lamang ay ikaw’y iwan…

Kung may ilan man na naging dahilan…

Upang ang wagas…makapangyarihan… na pag-ibig

Ay iyo ng bitiwan…sukuan…

Huwag…

Huwag mo sila tingnan…

Huwag mo sila isipin…

Sapagkat kung mayroon mang ilan…

Na nagiging sanhi upang ikaw ay tuluyan nang mamaalam

Sa pagkakaaalam na ang pag-ibig ay masaya…

Kagilagilalas at mahiwaga…

Kung may ilan na siyang dahilan upang ikaw’y sumuko…lumuha…

Huwag…

Huwag mong hayaan…


Sapagkat kung may ilan na nais mo ng kalimutan…

o…

ikaw ay kinalimutan…

iniwan…

sinaktan…

puso ay winasak…sinugatan…

may Isang tunay na nagmamahal…

tunay na ikaw’y hindi iiwan…

mamahalin ka ng tunay…

sa Kaniya…

mulii manunumbalik ang paniniwala…

na ang pag-ibig ay tunay na mahiwaga…makapangyarihan…tapat…totoo…

Siya…

Siya ang magiging lakas at dahilan upang sa pag-ibig ay muli kang maniwala…

Kaya huwag kang susuko…

Dahil mahal ka Niya…

Huwag kang susuko sa pag-ibig…

Sapagkat Siya ay pag-ibig…

Huwag kang susuko…

Huwag kang bibitaw…

Sapagkat Siya ay hindi ka bibtiwan…hindi ka susukuan…


Ah, pag-ibig na mahiwaga…

Tapat…

Pag-ibig…

Diyos ay pag-ibig…

You might also like