You are on page 1of 2

Giyera ng Pag-ibig

Sa giyera ng pag-ibig

Kaya kong itaya ang aking buhay para lang iyong madinig.

Walang takot na isulong ang mga bala’t kanyon

Para bigyan mo lamang ng pagkakataon.

Pagkakataong masilayan ka

At makita ang ngiti sa iyong mga mata.

Pagkakataong hawakan ka,

Yakapin, halikan at marami pang iba.

Ako’y iyong tapat na sundalo,

Ipaglalaban kita kahit ako ma’y matalo

Dumanak man ang dugo

ay hindi ako susuko.

Ang tanging tagumpay ng aking puso

ay mapasagot ka lang ng oo.

At kung ikaw man ay aayaw sa handog na pag-ibig

Patayin mo na lang ako, oh aking iniibig

Dahil puso ko ay para lamang sayo

At wala akong balak kunin man ito.

Ayaw kong magising na wala ka sa piling ko.


Ayaw kong maramdaman na kulang ang aking puso—

Dahil tinangay mo ito.

Bilang iyong magiting na sundalo,

Ano pa nga ba ang silbi ng aking buhay pagkatapos ng pagkatalo?

You might also like