You are on page 1of 2

Ano ba ang Mas Masakit?

Ano ba ang mas masakit?


Yung maiwan o yung mang-iwan?

Naiwan:
Ako ang naiwan
Oo, sobrang sakit
Nakakabaliw isipin kung bakit
Bakit niya ko iniwan?
May nagawa ba kong mali?
Hindi pa ba ko sapat?
Nagkulang ba ako?
Saan?
Sinasakal na ba kita?
Kailan?
Mga tanong na hindi mo kailan nasagot
Bakit?
Madali lang ba kong iwan, saktan at kalimutan?
Baka nga oo,
Tutal ako lang naman yung bobong babaeng
Umaaasa at patuloy kang hinihintay kahit na iyo nang iniwanan.

Nang-iwan:
Ako ang nangiwan
Akala mo madali
Dahil ako yung nang-iwan at mali
Hindi mo alam araw araw ako nag-sisisi
Ika'y sinaktan at iniwan ng kay dali
Oo! Hindi mo naiintidihan
Lahat ng ginawa ko para sa iyong kapakanan
At tinatanong mo kung,
Saan?
Kahit saan hindi ka nawala sa aking puso't isipan
Kailan?
Kahit kailan sayo lang tumibok ang puso kong pihikan
Oo sinta! mahal parin kita
Kahit alam kong hindi ka maniniwala
At bakit? Bakit kita iniwan?
Para patunayan na kahit ako yung gagong lalaking nangiwan sayo
Hindi kita kayang kalimutan
At patuloy makokontento ang puso kong ito
Na mahalin ka kahit na hindi sumang-ayon sa atin ang mundo

You might also like