You are on page 1of 1

Dalawa ang fish tanks sa waiting area ng malamig na opisina ng GSIS.

Maraming dilawang isda sa bawat


tangke. Tig-isa rin ng oxygenators na tuloy-tuloy ang pabula. Naghahabulan ang mga isda. Minsa’y
nagtatago sa ilalim ng mga lumuting batong nakasalansang gaya ng mga korales sa ilalim ng dagat.
Maghapon ang laro sa parisukat na paraisong hindi mababago ang timpla.

Pito ang lamesang naghihintay sa mga kawaning may utang/mangungutang sa paseguruhan. Sa isa,
maagang uminit ang paliwanagan ng isang gurong nagulat sa laki pa ng bayarin.

You might also like