You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Capiz
CAMBURANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camburanan, Tapaz, Capiz

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 8 – KASAYSAYAN NG DAIGDIG
S.Y. 2018 -2019
Pangalan: ________________________________________ Petsa: ________________________
Baitang/Seksiyon: ____________________ LRN: _ Puntos

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot
ang isulat sa sagutang papel.

1. Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.


A. topograpiya C. arkeolohiya
B. heograpiya D. biyolohiya
2. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o
kultural?
A. lokasyon C. paggalaw
B. lugar D. rehiyon
3. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
A. crust C. mantle
B. core D. plate
4. Ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw.
A. Tropic of Cancer C. Longitude
B. Tropic of Capricorn D. latitude
5. Ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian.
A. latitude C. ekwador
B. longitude D. prime meridian
6. Ito ay ang pagtukoy sa lokasyon ng isang lugar gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na
bumubuo sa grid.
A. absolue location C. definite location
B. relative location D. concrete location
7. Ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
A. lokasyon C. lugar
B. klima D. rehiyon
8. Ang pinakalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
A. Asya C. Africa
B. Kontinente D. Pangea
9. Ang Teorya na nagsasaad na dati ay magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea.
A. Continental Drift Theory C. Seafloor Spreading
B. Big bang Theory D. Theory of Evolution
10. Ano ang pinakahabang ilog sa buong daigdig?
A. Nile River C. Indus River
B. Caspean Sea D. Laike Baikal
11. Saang kontinente matatagpuan ang pinakamalaking disyerto sa buong daigdig?
A. Asya C. Europe
B. Africa D. Australia
12. Ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2km (1.2 milya).
A. Antartica C. North America
B. Australia D. North Pole
13. Anong kontinente ang may pinakamaraming bansa kung ihahambing sa iba pang kontinente?
A. Africa C. Asya
B. Antartic D. Australia
14. Saang kontinente matatagpuan ang Appalachian Mountains?
A. North America C. Asya
B. South America D. Europe

15. Ano ang pinakamalawak na karagatan sa buong daigdig?


A. Arctic Ocean C. Pacific Ocean
B. Indian Ocean D. Atantic Ocean
16. Ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi,at pangkat – etniko sa iba’t – ibang bahagi ng adigdig.
A. language C. human geography
B. language family D. religion
17. Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura.
A. lahi C. wika
B. relihiyon D. etniko
18. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya
B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
19. Kristiyanismo ang relihiyong may pinakamaraming tagasunod, ano naman ang matandang relihiyong umunlad sa India?
A. Islam C. Kristiyanismo
B. Budismo D. Hinduismo
20. Pinapalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao, ayon sa mga siyentista.
A. ape C. australopithecine
B. chimpanzee D. homo habilis
21. Australipithecine ang tinatayang ninuno ng makabagong tao. Sino ang pinakatanyag na Australopithecus afarensis?
A. Lucy C. Lucille
B. Monkey D. Monk
22. Tintawag na able man o handy man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato.
A. Homo Habilis C. Homo Erectus
B. Homo Sapiens D. Australopithecus
23. Ang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia.
A. Harappa C. Mohenjo – Daro
B. Catal Huyuk D. Olmec
24. Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis ng kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan,
pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi.
A. Mesolitiko C. Metal
B. Neolitiko D. Paleolitiko
25. Pinakahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang panahong ito ay unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga
sinaunang tao.
A. Mesolitiko C. Metal
B. Neolitiko D. Paleolitiko
26. Lin sa mga sumusunod ang pinakahuling specie sa ebolusyon ng tao?
A. Cro-Magnon C. Homo sapiens
B. Neanderthal D. Java man
27. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-suno ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong
Prehistorya?
. I. Agrikultura II. Kalakalan III. Labis na pagkain IV. Pangangaso
A. IV, I, III,II C. IV,I,II,III
B. II,I,IV,III D. I,II,III,IV
28. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataass na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan,
kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at m ay sistema ng pagsulat?
A. imperyo C. kalinangan
B. kabihasnan D. lungsod
28. Ang mga sinaunang tao ay likas na malikhain sapagkat nakakagawa sila ng mga bagay na nakakatulong sa pang araw-araw na
pamumuhay. Kabilang dito ang bakal, ano ang naitulong ng bakal sa pamumuhay ng mga tao?
A. Hindi nakakatulong sa pamumuhay ng bawat tao ang mga ito’
B. Walang halaga dahil hindi napapakinabangan ang mga ito
C. Hindi tama ang gamit nito sapagkat nagpapahirap sa mga gawain
D. Higit na napadali ang produksyon dahil sa makina na gawa sa bakal

29. Aling pahayag ang may MALING impormasyon tungkol sa mga yugto ng ag-unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa paggakakaroon ng kalakalan.
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
30. Paano pinapahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
A. maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga – hangang bagay sa daigdig.
31. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
32. Paano mapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga
paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
33. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong Panahong
Neolitiko?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpapaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.
34. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kahalagahan ng metal sa mga tao sa kasalukuyan?
A. Mlaki ang kinikita ng mga bansa sa pagbebenta ng metal.
B. Lahat ng kagamitan ng tao sa kasalukuyan ay gawa sa mga metal.
C. Ang mga metal ang nagging dahilan para lumago ang sector ng kalakalan ng mga bansa.
D. Ang mga metal ang ginagamit sa pagpapatayo ng mga imprastruktura tulad ng gusali.
35. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakinabangan pa rin sa kasalukuyan?
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura .
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.
36. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya – kasaysayan?
A. May klimang tropical ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon I ang mga lungsod – estado ng Sumer na nagbigay daan sa pagtatag ng unang imperyo sa
daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga
lambak nito.
37. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat
na maganap sa iyong lungsod – estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod – estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod – estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.
38. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica?
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga – Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya
at Africa.
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng
kapaligiran sa kanilang buhay.
39. Ano ang kauna-unahang kabihasnan sa daigdig?
A. Mesopotamia C. Tsino
B. Indus D. Egypt
40. Ang kauna-unahang dinastiya na naghari sa China.
A. Hsia o Xia C. Sung
B. Shang D. T’ang
41. Unang Pinuno ng dinastiyang Hsia na pinaniniwalaang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbabahang idinudulot ng
Huang- Ho.
A. Yen C. Tan
B. Yu D. Sung
42. Ang Nile River ay ang pinakahaba na ilog sa buong mundo. Ano ang tinatawag na “ The Gift of Nile” .
A. Africa C. Mexico
B. Egypt D. Armenia
43. Isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa Silangang Baybayin ng Mediterrenean Sea.
A. Fertile Crescent C. Mesoamerica
B. Mesopotamia D. Harappa
44. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezar para sa kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of
the Ancient World?
A. Alexandria C. Pyramid
B. Hanging Gardens D. Ziggurat
45. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko
B. Umunlad ang Sistema ng agrikultura sa panahong paleolitiko
C. Ang Sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
D. Dumami ang maaring gawin ng mga tao nang gumamit sila ng metal.
46. Ang kabihasnang nabuo sa pagitan ng dalawang ilog
A. China C. Indus
B. Egypt D. Mesopotamia
47. Alin sa mga sumusunod ang mga pamana ng kabihasnan Egyptian?
A. Feng shui, Ramayana, halaga ng pi, hieroglyphics
B. Ziggurat, code of Hammurabi, pyramid, sexagesimal system
C. Epic of Gilgamesh, sewerage system, Hinduism, Great Wall
D. Hieroglyphics, mummification, pyramid, kalendaryong may 365 araw
48. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang dulot ng kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyan?
A. Nagsilbing proteksyon ang Great Wall of China sa mga dayuhang nagnanais na sakupin ang imperyong Tsino.
B. Ang cuneiform, ziggurat, at Hanging Gardens of Babylon ay ilan sa mahahalagang pamana ng kabihasnang Mesopotamia sa
daigdig.
C. Maraming tirahan at gusali ang may maayos na daluyan ngmaruming tubig dahil sa sistemang sewerage na nagmula sa
kabihasnang Indus.
D. Misteryoso pa rin sa mga kasalukuyang arkitekto at inhenyero kung paano naging matibay ang pagkakagawa ng Great
Pyramid sa Egypt.
49. Paano napakinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga mga sinaunang tao noong panahon nga
neolitiko?
A. agrikultura ang tanging ikinabubuhay sa kasalukuyan
B. walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapt na pagkain
C. limitado ang karne dahil hindi marunong ang makabagong tao magpaamo ng hayop
D. ito ang isa sa pangunahing kabuhayan at pinagkunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan
50. Ang Great Wall na ipinatayo ni Shih Huangdi o Shih Huang Ti ay bumabaybay sa hilagang silangan ng Hople hanggang kanlurang
Kansu. Bakit itinayo ang Great Wall of China?
A. pampigil sa mga mananakop na dayuhan C. pagharang sa hanging dissyerto
B. nagsilbing hangganan D. hangganan ng magandang tanawin

Inihanda ni:
ARIENNE D. FERRER
Guro sa A.P.

Inaprobahan ni:
MARILOU B. LOZADA, Ed. D.
Punong Guro

You might also like