You are on page 1of 4
ST PAULS MEDIA “AMBUHAY 'SUNDAY + TV MARIA » 6:30AM » 7:00PM Feltow us oN Sacenoox © GBiailite Taon 32 Big. 16 pastoral ministr Ika-29 na Lingo sa Karaniwang Panahon (B) — Berde Kagalakan sa Kabila ng Paghihirap sa sa mga di-malilimutang larawan ni San Juan Pablo Il ay ang kanyang huling pagpapakita sa publiko noong ika-27 ng Marso 2005. Araw noon ng Linggo ng Pagkabuhay, at inasahang magsasalita siya sa kanyang tradisyunal na Urbi et Orbi (Sa Lungsod atsa Mundo). Ngunit dahil sa kanyang karamdaman, hindi na niya nagawang makapagsalita at tanging pagbabasbas na lamang sa katahimikan ang kanyang nagawa. Bakas sa kanyang katahimikan ang kanyang paghihirap. At ipinaalala ng larawang ito ang kanyang minsan nang itinuro sa mga mananampalataya: “Sa pamamagitan ng Krus, hindi lamang nagkaroon ng kaganapan ang kaligtasan, bagkus nagkamit din ng kaligtasan ang [mismong] paghihirap” (bas. Salvifici Doloris, big. 19). Totoong mahirap unawain ang kabuluhan ng paghihirap. Hindi natin hinahangad na Maranasan ito; at sa mga sandali na dumarating ito, ang naitatanong na lamang natin sa ating sarili ay “Bakit?” Ito ang hindi naunawaan nina Santiago at juan saating Ebanghelyo ngayon. Ang hiling nila, “Sana’y makaupo kami katabi ninyo sa inyong kaharian...” Ito’y matapos sabihin ni Jesus, “Papunta tayo ngayon sa Jerusalem kung saan ang Anak ng Tao’y ipagkakanulo sa mga punong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Siya’y hahatulan nila ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil. Siya ay kanilang hahamakin, duduraan, hahagupitin, at papatayin. Ngunit pagkaraan ng tatlong araw, siya’y muling mabubuhay” (10:33-34). Tatlong beses nang binanggit ni Jesus ang daranasin niyang paghihirap at kamatayan. Noong una niya itong sinabi, isinaisantabi siya ni Pedro at pinagsabihan (8:31-33). Sa pangalawang pagkakataon (9:31-32), hindi rin ito naunawaan ng mga alagad at “natakot din naman. silang magtanong sa kanya.” Sa pangatlong pagkakataon, ang tanging naisip ni Santiago at Juan ay ang karangalan na hatid ng pagiging Anak ng Tao. Minsan nang nasabi sa Lumang Tipan, “Isang tulad ng anak ng tao ang nakita kong sakay ng ulap. Lumapit siya sa Matandang- matanda, at siya’y pinagkalooban ng kapangyarihan, karangalan, at kaharian” (Dn 7:13-14). Para ~sa dalawang alagad, tulad din ng pananaw ng nakararami noon, ang Anak ng Tao na inilalarawan ni propeta Daniel ang magpapalaya sa Israel mula sa pang-aalipin ng Imperyong Romano. Isang malaking karangalan ang mapatabi sa Tagapagligtas! Hindi matanggap ng mgaalagad na ang Tagapagligtas ay kailangang dumanas ng paghihirap! Ito rin ang sitwasyon ng bayan ng Israel sa ating Unang Pagbasa (Is 53:10-11). Hindi maunawaan ng mga Israelita kung hakit sa kabila ng pangako ng Diyos na hindi niya pababayaan ang kanyang bayang hinirang ay itinulot pa rin niyang maipatapon ito sa Babilonia. Ang. sagot ng Panginoon: “Inihandog niya ang sarili upang sa pamamagitan noon ay magkaroon ng kapatawaran” (53:10). Ang paghihirap na kanilang dinaranas iscel cians Oktubre 21, 2018 ay hindi tanda ng pagpapabaya ng Diyos, bagkus ito’y isang pagkakataon upang makilala ng lahat ang pag-ibig ng Diyos: “Ang aking tapat na lingkod. ..ang sivang tatanggap sa parusa ng marami at alang-alang sa kanya sila’y aking patatawarin” (53:11). Sa kanyang liham apostoliko Gaudete et Exsultate, ipinaaalala sa atin ni Papa Francisco ang katotohanan ng paghihirap at ang kabuluhan nito: “Maraming lakas ang ibinubuhos sa pag- iwas sa mga sitwasyon ng paghihirap sa paniniwalang ito ay mapagtatakpan. Ngunit kailanman ay hindi mawawala ang krus... Ang isang taong tunay na nakakikita sa lahat ng bagay at nakikiisa sa sakit at hapis ay may kakayahang hipuin ang kalaliman ng buhay at makatagpo ng tunay na kaligayahan. Hindi ang mundong ito.ang umaaliw sa kanya kundi si Jesus. Hindi natatakot ang ganitong tao na makiisa sa paghihirap ng iba; hindi tumatakas sa masasakit na sitwasyon. Natatagpuan niya ang tunay na kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng pagtulong sa mga naghihirap, pag-unawa sa kanilang pagdadalamhati, at pagdudulot ng lunas" (blg. 75 at 76). Sa kabila ng trauma at kapighatiang hatid ng paghihirap, lagi nating alalahanin na hindi ito tanda ng pagpapabaya ng Diyos. Tingnan natin si Jesus na nakabayubay sa krus, lawakan ang pag-iisip, at tandaan: Ang taong tunay na nakakikita sa lahat ng bagay at nakikiisa sa sakit at hapis ay may kakayahang hipuin ang kalaliman ng buhay at makatagpo ng tunay na kaligayahan. — Padre David O. Reyes Jr. ANG EBANGHELYO « ANG PANGANGALAGA SA SANGNILIKHA Ngayon ay Lingo ng Pandaigdigang Misyon. Bilang mga itinalagang tagapangalaga ng sanilikha ng Diyos, bahagi ng ating misyon ang labanan ang kultura ng konsumerismo at ang walang habas na pagtatapon upang ‘sa gayo'y maging bukas tayo sa pagbabahaginan at mamulat sa kahalagahan ng paggamit-uli ng mga lumang bagay na maaaring makatulong sa pangkalahatang kabutihan ng daigdig. Lat Pambungad [Sim 17:68] (Basahin kurg walang pambungad nacawit) ‘Ang daing ko, Poong mahal, lagi mong pinakikinggan, hiling ko’y pinagbibigyan. Kami'y lagi mong titigan nang mag- kamit-kaligtasan. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus) P-Ang pagpapala ng Panginoong Jesukristo, ang pag-ibigng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat. B- At sumaiyo rin. Paunang Salita (Maaaring basahin ito o isang kahalintulad na pahayag) P-“‘Ang sinuman sa inyona ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.” Ito ang ipinababatid sa atin ng Ebanghelyo sa araw na ito kasabay ng ating pagdiriwang ng Lingo ng Pandaigdigang Misyon. Bilang mga binyagang Kristiyano, Iahat tayo’y kabahagi ng misyon ni Kristo: ang paghahatid sa sanlibutan ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa. Bilang mga misyonero, mga lingkod din tayo ng ating kapwa. Ipanalangin din natin sa Misang ito ang mga kababayan nating nagmimisyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at ng mundo. Pagsisisi P-Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. (Tumahimik) B - Inaamin ko sa makapang- yarihang Diyos at sa inyo mga kapatid, na lubha akong nag- kasala (dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isi- nasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal, at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. P-- Kaawaan tayo ng makapang- yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnu- bayan tayo sa buhay na walang hanggan. B-Amen. P~Panginoon, kaawaan mo kami. B-Panginoon, kaawaan mo kami, P- Kristo, kaawaan mo kami. B- Kristo, kaawaan mo kami. P-Panginoon, kaawaan mo kami B- Panginoon, kaawaan mo kami. Gloria Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbu- bunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Jesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Jesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen, Pambungad na Panalangin P- Manalangin tayo. (Temahimik) Ama naming makapangyari- han, gawin mong lagi naming matapat na sundin ang lob mo upang kami’y wagas na makapag- lingkod sa iyo sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B-Amen. (Para sa Lingo ng Misyon) P- Ama naming makapangyari- han, sinugo mo sa sanlibutan ang Anak mong liwanag na tunay. ‘Ang iyong Espiritung ipinangako ay gawin mong mag-umapaw para malawak ang masaklaw ng paghahasik ng binhi ng katoto- hanan sa ikapagigindapat maging kaanib ng tanan sa iyong bayang binubuo ng mga nabinyagan sa miuling pagsilang sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B- Amen. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS Unang Pagbasa [Is 53:10-11] (Unupo) Tatanggapin ng “lingkod ng Panginoon’ ang mga pasakit upang makamit ng bayan ang kapatawaran mula sa Panginoon. Ang Lingkod na ito’y walang iba kundi si Jesus, ang Anak ng Tao, na nag-alay ng buhay para sa atin. Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias SINABI ng Panginoon, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko: Inihandog niya ang sarili upang sa pamamagitan noon ay magkaroon ng kapatawaran, Dahil dito’y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang Jahing susunod sa kanya. At sa pamama- gitan niya’y maisasagawa ang aking panukala. Pagkatapos ng pagdurusa, lalasap siya ng ligaya, malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pag- titiis. Ang aking tapat na lingkod at lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami at alang-alang sa kanya sila’y aking patatawarin.” — Ang Salita ng Diyos. B - Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (Sim 32) T - Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling. E. C. Marfori Po-on, pag-a-sa ka nau G7 c _Dm pag-i-big mo'y a - ming hiting. 1. Panginoo’y tapat sa kanyang salita, at maaasahan ang kanyang ginawa./ Minamahal niya ang gawang matapat,/ ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap. (T) 2, Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala/ sa kanyang pag-ibig ay kinakalinga./ Hindi babayaang sila ay mamatay,/ kahit magtag- gutom sila’y binubuhay. (T) 3. Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;/ siya ang sanggalang natin at katulong./ Ipagkaloob ‘mo na aming makamit,/ O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,/ yamang ang pag-asa’y sa’yo nasasalig! (T) Ikalawang Pagbasa (Heb 4:14-16) Katulad natin si Jesus sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan. Napagiagumpayan niya ang mga tukso atkahinaang ating dinaranas, kaya naman dapat iayong magtiwala at tumulad sa kanya. Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo MGA KAPATID: Magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, yamang mayroon tayong dakilang saserdote na pumasok sa kalangi- tan sa harapan ng Diyos, walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos. Ang dakilang saserdote nating ito ay nakauunawa sa ating mga kahinaan sapagkat sa lahat ng paraa’y tinukso siyang tulad natin, ngunit hindi nagkasala. Kaya’t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos, at doo’y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito. — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Aleluya [Mc 10:45] (Tumayo) B - Aleluya, aleluya! Anak ng Tao’y dumating upang sarili’y ihain; Lingkod, Manunubos natin, Aleluya, aleluya! Mabuting Balita (Me 10:35-45) P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos B - Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panahong iyon, lumapit kay Jesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, at ang sabi, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.” “Ano iyon?” tanong ni Jesus. Sumagot sila, “Sana’y makaupo kami katabi ninyo sa inyong kaharian—isa sa kanan at isa sa kaliwa.” “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Jesus sa Kanila, “Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko? Pabibinyag ba kayo sa binyag na daranasin ko?” “Opo,” tugon nila, Sinabi ni Jesus, “Ang hirap na babatahin ko’y babatahin nga ninyo, at kayo’y bibinyagan sa binyag na daranasin ko. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa, Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan.”” ‘Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaye’t pinalapit sila ni Jesus at sinabi, “Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ay siyang pinapanginoon, at ang mga dinadakila ay siyang nasusunod. Neunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod, At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang pagling- kuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng lahat.” — Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B - Pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpahayag ng Pananampalataya (Timayo) B-Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako Jesukristo, lisang Anak ng Dit Panginoon nating lahat. Nagk: wang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw mabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Nalu- luklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhu- kom sa nangabubuhay at nanga- matay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasams- han ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muliing nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan, Amen. Panalangin ng Bayan P - Mga kapatid, bilang mga kabahagi ng Katawan ni Kristo, ang Simbahan, hingin natin sa Ama na maging mga tunay na Lingkod tayo sa ating kapwa. Lakas-loob tayong manalangin: T-Panginoon, dinggin mo kami, L-Para sa Santo Papa, mga obispo, ‘at mga pari: lumago nawa sila araw-araw sa kanilang katapatan kay Kristo at sa Simbahan, nang sa gayo’y maakay nila ang kawang ipinagkafiwala sa kanila ni Kristo. Manalangin tayo: (1) L - Para sa mga namumuno sa pamahalaan: tuparin nawanila ang kanilang sinumpaang tungkulin bilang pagtawag sa kanila ng Diyos at bilang misyon ng pag- dudulot ng ginhawa at pag-asa sa taumbayan. Manalangin tayo: (T) L ~ Para sa mga kapatid nating nagdurusa dulot ng mga sakuna, sakit, o Karalitaan: makatanggap nawa sila ng tulong mula sa lokal na pamahalaan at pagkalinga mula sa kanilang pamayanan. Manalangin tayo: (T) L - Para sa Overseas Filipino Workers: maging matibay nawa ang kanilang kalooban sa pagharap sa bawat pagsubok at mamunga ang kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay. Manalangin tayo: (T) L - Para sa Pontifical Mission Societies: ingatan nawa ng Diyos ang lahat ng mga misyonerong ipinahahayo nila at samahan sila ng ating mga panalangin at mga suportang materyal. Manalangin tayo: (T) P - Ama namin, sa iyong kagandahang-loob nagmumula ang lahat ng bagay. Ipagkaloob mo ang aming panalangin upang matupad namin ang misyong ipinagkatiwala mo sa amin. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Jesukristong aming Panginoon. B-Amen. PAGDIRIWANG NG UR ete Paghahain ng Alay (Tumayo) P- Manalangin kayo... B- Tanggapin nawa ng Pangi- noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapa nabangan at sa buong Samba- yanan niyang banal. Panalangin ukol sa mga Alay P-Ama naming Lumikha, ipagka- Joob mong ikaw ay aming kusang mapaglingkuran sa paghahain namin ng mga alay na iyong bigay upang kami’y dalisayin ng iyong pagmamahal sa paglilingkod namin ngayong ginaganap ang banal na

You might also like