pinagkukunan Ng kita ng pamahalaan ay ang bandala. Ito ay ang sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka. May takdang dami ng mga produkto na dapat ipagbili sa pamahalaan ang bawat lalawigan. Pinaghatian ng mga bayan ang kabuoang da Mi o halaga ng ani na itinakda sa lalawigan. karaniwang promissory note ang ipinambayad ng pamahalaan sa mga magsasaka kapalit n produkto. Kalimitang hindi napalitan ng katumbas na halaga ang mga papel na It0 sapagkat walang ponding pambayad ang pamahalaan. Dahil ditto, nawalan ng kita at nalugi ang mga mamayanan. Ipimatigil ang pagpapatupad ng bandala noong 1782. Mga patakaran sa agrikultura Ipinakilala ng mga espamyol sa mga Pilipino ang mga bagong uri ng halaman, hayop, at industriya. Kabilang ditto ang halamang cacao, sitaw, kape, mais, mani, tudo, tabako, at trigo, gayundin ang pagaalaga ng baka, ka Bayo, pato, bibe, tupa, gansa, at pabo. Natuto rin ang mga filiino ng mga bagong industriya tulad ng pagawa ng tisa, sabon, alak, pag aalaga ng baka, paghahabi ng sombrero, at paggawa ng tina mula sa indigo. Nagpatupad din ng mga patakaran sa agrikultura ang mga espanyol sa Pilipinas. Halimbawa nito ay ang sumusunod: -pagbawi sa mga lupang pansakahan sa hindi nagbunga ng sapat na ani; -pagtuturonng makabagong paran ng pagsasaka, pangingiisda, pagmimina, at Mga gawaing metal; at -pagaalaga sa bawat pamilya nang hindi bababa sa 12 manok at isang inahing baboy Ang kalakang galyon Pinangasiwaan din ng spain ang kalakalang galyon. Tinawag ang kalakalang ito na ‘galyon’ sapagkat ginamit na sasakyan pandagat sa pagpapalitan ng produkto ay mga barkong galyon. Kilala Rin ang naturang kalakalan bilang’ kalakalang maynila- Acapulco ‘dahil sa rutang tinahak ng mga galyon mula maynila sa pilipinas at Acapulco sa mexico at balikan. Katulad ng pilipinas, Ang mexico ay dating kolonya rin ng spain. Limitadong pangkat ng tao lamang ang nakinabang sa kalakalang galyon. Halimbawa ay ang mga espanyol na kasapi ng Ng konsulado, mga espanyol na naninirahan sa maynila, at ang gobernador-heneral. Ang tanging pakikilahok nng mga Filipino sa patakarang ekonomikong ito ay ang paggawa ng mga galyon. Karaniwang ipinadala ang mga polista sa cavite, mindoro., marinduque, o Masbate kung saan ginawa Ang mga galyon. Naging mahirap ang dinanas ng mga manggagawang Filipino sa paggawa ng mga barkong galyon. Mahabang panahon at malakng salapi ang iginug Ol para sa kalakalang galyon. Napabayaan ng pamahalaan ang Mahahalang produktong pang- agrikultura gayun din ang iba pang industriya sa bansa.naantala ang mga nakatakdang panahon ng pagtatanim at pag aani dahil sa higit na pinagtuonan ang pangangailangan ng kalakalang galyon. Ang kalalakihan ay ipinadala sa malayong lugar upang gumawa ng brko sangayon sa patakarang polo y servicio marami sa kanila ay sapilitang pinagtanim ng niyog at abaca na ilan sa mga pangunahing pinagkukunan ng materyales sa pagbuo ng galyon. Tuluyang ipinatigil ang kalakalang galyon noong 1815