You are on page 1of 23

Pagbabagong Pang- ekonomiya

sa Ilalim ng Kolonyalismong
Espanyol
Anu ang ibig sabihin
ng barter?
• Ito ang sinaunang
paraan ng
pakikipagpalitan ng
isang ani o produkto
para sa ibang uri ng ani
o produkto na kailangan
ng bawat panig.
Mga Pagbabago Sa
Pang - ekonomiya
Tributo
• Ito ay sistema ng pagbubuwis. Ito
ay nasa anyong salapi o katumbas
na halaga nito sa produkto tulad
ng palay, bulak, manok, ginto,
tela o anu mang tampok na
produkto ng partikular na rehiyon.
•Naging mapagmalabis
ang paniningil ng
tributo sa mga
katutubong Filipino.
• Sa ilalim ng encomienda ,
sapilitang kinuha ng mga
encomendero ang kanilang ari –
arian na ang halaga ay higit na
mataas kaysa kaukalang buwis
mula sa mga hindi
makapagbayad
Polo y servicio
• Ang polo y servicio ay ang
patakaran ng sapilitang
pagawa.
• Sa ilalim ng patakarang ito ay
pwersahang pinalahok ang
mga Filipino sa iba’t ibang
mabibigat na trabaho tulad ng
pagtatayo ng mga
impraestruktura, pagtotroso at
iba pa.
Pribilehiyong dapat
matanggap ng mga
polista
Bawat polista ay makakatanggap
ng ¼ reales at bigas bawat araw

Hindi dapat ipadala sa lugar na


Polo y servicio malayo sa kanilang tahanan at
pamilya

Hindi dapat isagawa ang polo


tuwing panahon ng pagtatanim at
pag-aani
Dumanas ng matinding hirap ang
mga katutubo sa ilalim ng polo.
Napipilitang gumawa ng iba’t
ibang mabibigat nagawain ang
mga katutubong polista.
Kadalasan ay pinapadala sila
sa mga lugar na lubhang
malayo sa kanilang tirahan
kung kaya hindi sila nakauuwi
ng ilang buwan sa kanilang
pamilya.
Sistemang bandala
• Ito ay sapilitang pagbibili ng
pamahalaan ng ani ng mga
magsasaka. May takdang dami
ng mga produkto na dapat
ipagbili sa pamahalaan ang
bawat lalawigan
Karaniwang promissory note ang
ipinambayad ng pamahalaan sa
mga mag sasaka kapalit ng mga
produkto.
Kalimitang hindi napalitan ng
katumbas na halaga ang mga
papel na ito sapagkat walang
pambayad ang pamahalaan.
Nalugi ang mga Filipino dito.
Mga patakaran sa agrikultura
• Inpinakilala ng mga Espanyol sa mga
Filipino ang mga bagong uri ng
halaman, hayop, at industriya.
Kabilang dito ang mga
 Cacao
 Sitaw
 Kape
 Mais, at iba pa
Natuto rin ang mga Filipino ng
mga bagong industriya tulad ng
paggawa ng tisa, sabon, alak,
pag-aalaga ng baka, paghahabi
ng sombrero, at paggawa ng
tina mula sa indigo.
Kalakalang galyon
• Pinangasiwaan din ng Spain
ang kalakalang panlabas ng
pilipinas. Ito ay sa
pamamagitan ng kalakalang
galyon.
Tinawag ang kalakalang galyon
sapagkat ginamit na sasakyang
pandagat sa pagpapalitan ng
produkto ay mga barkong
galyon.
Limitadong pangkat ng tao lamang
ang nakinabang sa kalakalang
galyon. Halimbawa ay ang mga
Espanyol na kasapi ng konsulado,
mga Espanyol na na naninirahan sa
Manila, at ang Gobernador-Heneral.
Ang tanging pakikilahok ng mga
Filipino sa patakarang
ekonomikong ito ay ang paggawa
ng mga galyon.
THE END
PREPARED BY: JOHN HEDRICK A. CASTILLO

You might also like