You are on page 1of 7

THE HUNGER GAMES:CATCHING FIRE

Ang kuwento ay nagsisimula sa isang bansa sa Hilagang Amerika na tawag ay Panem, ito'y

itinatag pagkatapos ang pagkawasak sa kontinento ng isang apokalipsis. Ang bansa ay binubuo

ng makapangyarihang at mayamang Capitol at 12 na mahihirap na districts (distrito), na nasa

ilalim ng kontrol ng Capitol. District 12 ay kung saan nagsisimula ang kuwento sa isang lugar na

mayaman sa karbon, na dating tinatawag na Appalachia.

Bilang kaparusahan sa isang himagsikan laban sa Capitol noon, kung saan ang District 13 ay

nawasak, isang lalaki at isang babae edad 12 hangang 18 ay pipiliin sa taunang sapalaran o

lottery para sa The Hunger Games, isang kaganapang kung saan ang mga lumalahok,

mga Tributes, ay kailangang mag-away hanggang sa kamatayan ang isa't isa sa isang lugar na

kontrolado ng Capitol, hanggang isang Tribute na lamang ang natitirang buhay.Ang Hunger

Games ay isang post-apocalypse o isang kaguluhang gawa ng tao na nag reresulta sa paghahari

ng kasamaan sa karamihan lalo na sa namamahala o gobyerno .Ang hunger games din ay isang

piksyo na nobela na isinulat ni Suzanne Collins.

MGA TAUHAN

Katniss Everdeen -ang pangunahing tauhan sa pelikula.Siya ang kasintahan ni Peeta ngunit

hindi pa siya sigurado sa kanyang nararamdaman at siya rin ang isa sa nanalo sa 74 th Hunger

games na event.
Peeta Mellark –Kasintahan ni Katniss .Dati pa siyang may gusto kay Katniss bata pa lang sila

ay magkakilala na sila .Isa siyang mabait artistic at sensitibong tao .Isa rin siya sa nanalo sa

ginanap na taonang Hunger Games.

Haymitch Abernathy-ang nagging mentor nina Katniss at Peeta .Siya ang nanalo sa 50th

Hunger Games event ,kaya naman kahit na ugali nitong lasingo nagduda si Katniss sa kanya

kung kaya ba talag siyang tulunga ng taong ito.

Cinna –ang stylist ni Katniss siya ay isang magaling sa kanyang larangan at kaibigan ni Katniss

na gumawa nang makapukaw atensyon na lumiliyab na gown ni Katniss.

Rue-ang kalahok na galing sa district 11 at nagging matalik na kaibigan ni Katniss .Sila’y naging

magkaibigan ni Katniss sa laro dahil tinulunga nitong patayin at itaboy ang mga kalaban at

siyang naging kaalyansa ni Katniss sa palaro.Sa kanyang pagkamatay naging usap-usapan ng

mga distrito ang kanilang namuong pagkakaibigan at pagkagalit ng namumuno sa palaro.

Primrose – nakababatang kapatid ni Katniss an siyang nabunot na kalahok sa taonag Hunger

Games ngunit nagbuluntaro nalang si Katniss para sa kanyang kapatid upang mailigtas ito

TEMA O PAKSA

Ang pelikulang hunger games ay tungkol sa : Kapangyarihan, kapangyarihan na nasa gobyerno

,na namamahala sa lahat nang pakngayayaring nagaganap sa palaro. Pagkatao si Katniss bago pa
man ang palaro ay isang mangangaso.Dahil dito hindi na nakapagtataka na siya ay naging bihasa

sa palaro kung papaano mabuhay sa huli at Manalo.Kayamanan at kapangyarihan.dahil sa

pelikulang ito makikita na nag distritong mas mayaman ay mas marami ang prebilihiyo kaysa sa

mahirap na distrito. Pagmamahal..Makikita sa pilikula kung gaano ka halaga kay Katniss ang

kanyang pamilya lalo na ang kanyang nakbabatabg kapatid na si Primrose iniligtas niya sa

pamamagitan nang pagbuluntaro nitong maging kalahok at palitan nalang ang kanyang

nakababaang kapatid. Politika. Sa pelikula ang Panem ay iisa lamang ang namumuno at

kumukuntrol sa lahat nang tao.Kompitisyon,kompitisyon nang ibat ibang distrito at ang

sakripisyo,sakripisyo na ginawa ni Katniss para lamang mailigtas ang kanyang nakababatang

kapatid na si Primrose.

BUOD NG PELIKULA

Ang kuwento ay nagsisimula sa isang bansa sa Hilagang Amerika na tawag ay Panem, ito'y

itinatag pagkatapos ang pagkawasak sa kontinento ng isang apokalipsis. Ang bansa ay binubuo

ng makapangyarihang at mayamang Capitol at 12 na mahihirap na districts (distrito), na nasa

ilalim ng kontrol ng Capitol. District 12 ay kung saan nagsisimula ang kuwento sa isang lugar na

mayaman sa karbon, na dating tinatawag na Appalachia.

Bilang kaparusahan sa isang himagsikan laban sa Capitol noon, kung saan ang District 13 ay

nawasak, isang lalaki at isang babae edad 12 hangang 18 ay pipiliin sa taunang sapalaran o

lottery para sa The Hunger Games, isang kaganapang kung saan ang mga lumalahok,

mga Tributes, ay kailangang mag-away hanggang sa kamatayan ang isa't isa sa isang lugar na

kontrolado ng Capitol, hanggang isang Tribute na lamang ang natitirang buhay.


Ang tagapagsalaysay ng kuwento ay isang 16 anyos na babaeng pangalan ay Katniss Everdeen,

siya'y na boluntaryong isinagip ang pwesto ng kanyang bunsong kapatid na si Primrose ng ito'y

napili para lumahok para sa District 12. Ang napiling lalaki ay si Peeta Mellark, na dating

kaklase ni Katniss, na dating bumigay ng kapirasong tinapay na sumagip sa nagugutom na

pamilya ni Katniss. Ang tagapamahala ng lottery ay si Effie Trinket, isang taga-Capitol.

Kasama ang kanilang lasing na guro na si Haymitch Abernathy, idinala ni Effie sa Capitol sina

Katniss at Peeta. Si Haymitch ay nanalo noong ika-50 na Hunger Games. Sa una ay hindi

pinagkakatiwalaan ni Katniss si Haymitch subalit habang tumatagal naiisip din ni Katniss na

upang maging matagumpay siya sa palaro ay dapat niyang pakinggan ang payo ni Haymitch.

Sila'y ginabayan ni Haymitch sa pagkakaalam ng mga lakas at kahinaan ng iba't ibang mga

tributes.

Sa pagdating sa Capitol ay nakilala ni Katniss si Cinna, ang kanyang personal na stylist. Ang

mga "Stylists" ay kinukuha ng Capitol upang pagandahin ang mga tributes, para kay Katniss si

Cinna lamang ang nagugustuhan niya sapagkat naiintindihan niya raw ang mga pangangailangan

ni Katniss. Pormal na sinisimulan ang palaro sa isang "Parade" kung saan pormal na

ipinapakilala ni President Snow sa publiko ang mga Tributes sa taunang palaro. Ang isinuot ni

Katniss at Peeta sa Parade ay nagliliyab na damit, ito'y nakaagaw pansin mula sa publiko. Ang

mga tributes ay sumalang sa isang ensayo, namumuo ang tensyon sa pagitan ng mga tributes at

may namumuo ring pagkakaibigan. Dito nakilala ni Katniss si Rue, isang tribute mula sa District

11.

Sumalang sa isang interview ang lahat ng tributes kasama si Caesar Flickerman, dito lubos na

nakilala ng publiko ang mga tributes at makakuha ng sila ng kanilang paborito. Ito'y itinuturing

bilang importante ayon kay Haymitch sapagkat dito makakuha ng simpatiya ang mga tributes
mula sa mga Sponsors, na pwedeng makaligtas sa kanila sa gitna ng panganib sa paraan ng

pagpapadala ng pagkain, tubig, damit o kagamitang panlaban. Ibinunyag ni Peeta sa interview na

may gusto siya kay Katniss, subalit totoo ay sinabi niya kay Katniss ito'y isang palabas lamang

upang makakuha ng simpatiya mula sa publiko. Ipinakita ni Katniss ang kanyang nagliliyab na

gown sa interview, ito'y nakatawag ng pansin at nakakuha ng pagkahanga mula sa publiko.

Habang namatay na ang kalahati ng mga tributes sa unang araw ng palaro, ginamit ng Katniss

ang kanyang kakayahan sa pangangamo at surbaybal upang makatago at mapalayo sa ibang mga

tributes. Namuo ang isang alyansa sa pamamagitan ni Katniss at ni Rue, isang tribute mula sa

District 12 na nagpapaalaala sa kanyang kapatid. Ito'y pagkatapos na tinulungan ni Rue si

Katniss sa pagpapataboy at pagpatay sa ibang tributes gamit ang isang lunga ng mga Jabberjays.

Madaling natapos ang kanilang alyansa pagkatpaos pinatay ng isang tribute si Rue at bilang

panlaban sa sarili ay tinunod ni Katniss ang tribute. Kinantahan ni Katniss si Rue hanggang ito'y

namatay at bilang bigyan ng desenteng pamamaalam si Rue ay nagkolekta ito ng iba't ibang

bulaklak at paligid at inalay kay Rue. Ang pangyayaring ito ay nag-dulot ng matinding

kaguluhan sa District 11 sapagkat ito'y naging sinyales ng pag-aalyansa sa ibang District, isang

aktong labag sa kalooban ng makapangyarihang Capitol.

Dahil sa imahe ng pagiging magkasintahan ni Katniss at Peeta, pagkatapos ng pag-amin niya sa

interview, ay binago ang patakaran ng palaro. Idineklara na pwedeng manalo ang dalawang

maglalaro na mangagaling sa parehong district. Agad hinanap ni Katniss si Peeta at nakita niya

ito na sugatan at nagtatago. Inalagaan ni Katniss si Peeta at ipinakita na sila'y nagmamahalan

nang lubos upang makaakit ng suporta mula sa publiko, ito'y nagresulta sa pagdami ng mga

regalo mula sa mga Sponsors na nakaligtas sa buhay nilang dalawa.


Sa paglapit ng katapusan ng palaro ay napansin ni Katniss na ang mga namatay na tributes ay

ginagawang Mutts o parang aso na mga halimaw. Ito'y inihabol sila ni Peeta hanggang nakaharap

nila ang nag-iisang tribute na kalaban nila. Sa huli ay naging matumpay sila ngunit idineklara ng

Capitol na ibinabalik ang dating patakaran na iisa lamang ang mananalo sa palaro. Bilang

protesta sa ginawang deklarasyon, ay nagtangkang magpakamatay ang dalawa gamit ang parang

duhat na prutas na tinatawag Nightlock Berries. Ito'y isinagawa ni Katniss upang pagprotesta sa

panggigipit ng Capitol. Napatigil ang dalawa ng nag-deklara ang mga Gamemakers na binabawi

ang huling deklarasyon at idineklara sila bilang ang mga nagwagi sa ika-74 na Hunger Games.

Sa katapusan ng palaro ay binalaan ni Haymitch si Katniss na siya'y isang politikal na kalaban na

ng Capitol dahil mga ginawa niya sa palaro na nagpahiya nang lubos sa mga lideres ng Capitol.

Ibinunyag ni Katniss na wala siya talagang may nararamdaman kay Peeta at lahat ng ginawa niya

ay palabas lamang upang mailigtas niya si Peeta at ang sarili niya. Ngunit siya'y napapaisip ulit

sa paghihiwalay nila pagdating ng District 12, napapaisip kung magiging pareho pa rin ba ang

dati kung wala na si Peeta.

SINIMATOGRAPIKO

Ang pagkakuha ng pelikula ay talagang napakaganda at propesyonal sa aspect nang Angulo at

kasanayan nang kumukuha sa pelikula .Kung susuriing mabuti makikita na para bang walang

bakas nang pag eedit sa mga eksena.Tulad nang pagpakita nila ni Katniss at Peeta sa

pagpapakilala nangkalahok sa simula nanglaro na nakasuot nang lumiliyab na damit ,kung ito’y

ibabatay sa totoong buhay ito’y impusible sapagkat ikay masusunog nang malala .
APEKTONG TEXTUAL

Sa aspektong textual naman ay nakatutulong ang mga musika sa pagpapakita nang emosyong at

tagpo sa eksena.Tulad nalang sa pagkamay ni ni Rue na siyang matalik na kaibigan ni

Katniss,mapakikingan doon ang mahina at mabagal na beat ng musika na nagpapahiwag ng

pagluluksa ni Katniss sa Pagkamatay nang matalik niyang kaibigan.Isa pa sa halimbawa ang

pagtatago niya na may malakas at mabilis na beat nang musika na nagpapahiwatig nang

“suspense “sa eksena .

KABUUAN NAG MENSAHE

Ang estorya ay hindi tungkol sa pagpatay upang mabuhay .Nakakalungkot mang isipin ngunit ito

ang nagiging unang naiisip nang karamihan .Sa pelikulang ito ipinapakita ang pagsasakrepisyo

,pagmamahal at pananampalataya .Sakripisyo .Apektong hindi siya ( Katniss) nagdalang isip na

tubusin ang kanyang nakababatang kapatid upang maging kalahok sa taonang Hunger Games

.Pagmamahal .Sa aspektong dahil nga sa mahal niya ang kanyang pamilya ay kaya niyang gawin

lahat upang makatulong sa pamilya nito kahit buhay pa niya ang kabayaran.At ang huli ang

pananampalataya, dahil epinapakita sa pelikulang ito ang magiging resulta nang walang

pananampalataya sa lipunan .Tulad din sa panahon ngayon dumarami na ang salot sa

lipunan:mga adik sa drugs, mga rapist at iba pang krimen. Ngunit kung ang bawat isa sa atin ay

may papanampalataya at takot sa diyos ay hindi natin magagawang gawin ang mga bagay na

nakasisira sa lipunan at lalo na sa ating sarili.

You might also like