Professional Documents
Culture Documents
Top 10 Ways
Top 10 Ways
______________________________________
Chapter 4- sneaky!!!
Major na to!!! Kalat na sa school na may new BF ako!!! Grabe..panu??? nagtanung
tanong ako sa mga nagsabi saakin eh..sabi nila may nakakita daw na may kasama ako
kahapon... -o-...mga tao talaga chismosa!!! At eto pa..panu nila nalaman ang
pangalan ni JUN????
Beware sa mga chismosa!!!! Ang galing makasagap ng news!!! At ang di nila alam
kahapon ko lang boyfriend kuno yung si Jun!!! eh bakit ba alam nila pangalan ni
Jun???
Haist winish ko pa naman sana na wag na siya makita..pero parang may naiisip ako
muahaha....
"hoy..san mo nalaman pangalan ni Jun?" tanong ko kay chismosa no. 1
"ah eh kasi yung BF mo sikat yun eh"
Huh??? Sikat???
"at panu siya naging sikat???" I asked chismosa no. 2 kasi mukhang di alam ang
isasagot ni chismosa no. 1 eh.... Mga chismosa nga naman
"isa siyang basketball player sa school nila..at siya yung star player. Parang
ganun. Siya yung magaling dun eh"
"Is that so????" so may cool fake boyfriend pala ako??? He ruined my night last
night.. I'm gonna ruin his day today too!!!
Gantihan lang yan...haha..bakit ba ang sama ng ugali ko??? Di naman nila ako
pinalaking masama ang ugali? Well I'm bored lang kasi!!!
"san ang school niya?" tanong ko sa dalawang chismosa
"huh? Bf mo di mo alam???"
"just answer it!!!" pagalit kong sabi para matauhan na tong chismosa na to
At dahil natakot sila ayun sinabi na kung saan ang school nila...so dun pala siya
nag-aaral...
Ang mortal na kaaway ng school namin muahahaha... parang masaya to ah...
Half day lang ang klase ngayon...
Paalis na ako eh.... Humarang nanaman ang mokong na to..sino pa? edi si Arwin
"anu nanaman?"
"di pa ako pumayag na magbreak tayo"
"eh paki ko? Para saakin wala na tayo...so go away...or just evaporate somewhere.."
Tas tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makasakay na ako sa kotse ko... ako
lang nagdradrive haha... adik much? Denimand ko to kay dad eh. Spoiled brat ako...
so I get what I want...
At anu nanaman drama ng lalaking to? Humarang pa sa dadaanan ko!!! Asar naman to oh
"anu ba hah! Di ka ba talaga aalis dyan? Gusto mo ba mamatay na?" tas pinaandar ko
na yung kotse as in wala akong paki kahit nasa harap ko siya hahaha
At syempre tulad ng inasahan ko umiwas siya... muahahaha ang sama sama mo Lian...
Hindi pala pumasok si Marie ngayon..tamad yun eh...lalo na pag nalaman niyang half
day lang ang klase.. She'd rather go shopping...
Saan ako papunta??? Syempre sa school ng "so called boyfriend ko daw"
"mukhang masaya to... I didn't know na ang pinakasikat pala sa school nila ang
biglang nahila ko?" hahaha
Hay naku Lian para ka nanaman tanga..kinakausap nanaman ang sarili.... Anyway
pampatanggal din to ng boredom...kung bakit naman kasi ang dali ko mainip?
Pag dating ko sa school nila pinagtitinginan nila ako... lalo na yung mga girls
kung makatingin tsk... di nila matanggap na mas maganda ako sakanila hahahaha... eh
totoo naman kasi.. sa school nga ako na ang pinaka maganda doon mula nung
nagtransfer ako sa school na yun hahaha... nataob ang pinakamaganda... wawa naman
siya... for 3 years pa naman siya pinaka maganda daw lol....anyway back to
reality..naglalakad lang ako sa school grounds ng so called kaaway ng school
ko..siga ba? Naka-uniform pa kasi ako eh
Alam ko na nasa loob lang siya ng gym..practicing maybe? Ewan basta nagtanong
nalang ako sa mga guys doon kung saan man yung gym... tutal mukhang di ako
sasagutin nung mga girls kung sila tinanung ko eh...
"hatid ka nalang namin dun miss" sabi nung guy
"okay"
So may escort talaga ako??well mas madali kasi pumunta kapag may kasama eh isa pa
wala naman tong gaagwin saakin...school pa rin naman to tsk..at saka neat looking
naman mga to kaya ayos naman...mukhang mapagkakatiwalaan
At heto na nga kami nandito na kami sa gym..cool nagprapractice nga siya ng
basketball... agad ko siya nakita...panu ba naman siya lang naman ang isa sa mga
gwapong naglalaro? Haha I admit gwapo siya... pero mas gwapo yung isa...yung nasa
kabilang team.pero syempre teammates pa din niya yan noh?
After nila magpractice di pa din niya ako napansin dito... ayos toh..may papalapit
na babae sakanya.... Tas pinunasan yung pawis niya... cool...parang gusto ko
magdrama bigla hahaha...
"hoy pare diba yun yung GF mo kahapon?" sabay turo saakin. At last may nakapansin
na saakin! Yung intsik yung nakapansin saakin..liit ng mata pero napansin ako
haha...
Tas nagulat si Jun kaya yung iniinom niya muntik na niyang na-spit out sa babae
haha..sayang! di pa sa mukha! XD bad bad bad...
"t-t-teka? Nung ginagawa mo dito???"
"so ganyan ka pala pag wala ako..hinahayaan mong landiin ka ng mga babae?" wahaha
my gad...I'm enjoying this
"anung sinasa-----" di ko siya pinatapos baka sabihin niya di niya ako GF XD
***teary eyes*** kaya nga ako president ng drama club eh! Haha
"pare ang sama mo nga naman...pinakilala mo palang siya saamin kahapon eh" sabi
nung isang guy
"oo nga..ang ganda na nga ng GF mo naghahanap ka pa ng iba"
"teka lang naman...di ko---"
"so ganun? Anu nalang sasabihin ng parents ko sayo..pinakilala pa naman kita
kagabi" sabi ko..tas tumulo na ng tuluyan ang tears ko!!! Wahaha
" I trusted you**sob**... ako na nga tong ***sob**pumunta sa school niyo para
mag***sob***sorry sa nangyari kahapon kahit di ko naman kasalanan"
"halika nga!" tas hinila niya ako palabas ng gym... he's pissed! haha
For the last time nag glance ako sa girl...halatang shock hahaha..grabe kung nakita
niyo mga reaction ng tao haha..nakakatwa sila!!! As in!!! wala natutuwa kasi ako sa
mga taong di maidescribe ang face eh XD...
Dito niya ako dinala sa isang classroom na walang tao...so talagang pumasok kami sa
loob ng building noh?
"anu bang ginagawa mo dito? At anung drama naman ang palabas mo kanina?"
Pinunasan ko na muna yung mata ko saka nagsalita....
"Listen..kalat sa school ko na boyfriend ko ang pinaka sikat na lalaki dito sa
school na to.. isa pa..---"
"eh di lang naman sa school mo kalat eh! Pati din naman dito! Malay ko bang ikaw
pala DAW yung pinaka maganda sa school niyo..."
"yeah right ako nga so? May angal ka?
"di kasi halata!!!" medyo pasigaw..
"what? Hoy wag na wag mo ako tinataasan ng boses..mas matanda pa din ako sayo ng
isang taon!"
"eh anu ngayon kung mas matanda ka? Age doesn't matter! Ang lakas din ng loob mong
pumunta dito na naka-uniform eh" sabi niya
"so? Paki ko ba kung magkaaway yung school natin? Di naman ako kasama dun ah.
School lang yun..at di ako kasama sa mga students na nakikipag-away sa mga what so
ever na contest na yan tulad ng basketball mo" banat ko..ayaw ko magpatalo sa age
doesn't matter niya eh hahaha
"ibang klase din tong trip mo eh. Kasalanan mo to" sisi niya
"so? Eh kung di mo nalang ako pinakilala sa mga kaibigan mo kahapon edi sana walang
gulo..."
Tama ako eh...kung di niya ako pinakilala sa kaibigan niya edi sana walang
gulo..ayon sa mga nalaman ko di naman yung kiss yung nakita..kundi ang narinig ko
nung nasa cr ako ay ito:
***flashback***
"nakita ko kahapon si Lian kasama yung si Jun sa mall kahapon"
"ooh? Anung nakita mo?
"nung napadaan ako sa lugar nila narinig ko na sabi ni Jun na girlfriend niya si
Lian. Tas kiniss pa siya sa cheek...I envy her"
---end of flashback---
Diba??? Di ko naman kasalanan....
"anyway..anung gusto mong gawin? Tiyak nasa atin mata ng mga students" sabi niya
"anu pa nga ba?"
"go with the flow???"
"fine then..but no kiss! O kaya hug o holding hands" demand ko
"may mag syota bang ganun?"
"meron mga lovers na may LQ!" sabi ko
"anu yun? Lagi tayong LQ?"
"konting common sense Jun. di naman tayo madalas magkita..kaya parang laging may LQ
na yun" sabi ko tas tumawa ako
"eh baliw ka pala eh! Panu kung nagtaka mga students na di naman pala tayo?"
"oo nga pala masisira pareho image natin"
Yeah boy!
Nakiki-image na din ako kahit na wala naman akong image sa school..well siguro
meron..baka isulat sa article sa newspaper ng school ito...ang pinakamagandang
babae sa campus ay nadump ng pinakasikat na lalaki ng kaaway naming school...nice
ba? Ayaw ko ata yun...
"kelangan din natin lumabas labas kahit minsan lang..kahit twice a week lang"
"eh akala ko ba minsan lang? nilubos mo naman ata yung minsan?"
"fine..once a week.. pero kung bored ako pupuntahan kita sa school niyo"
"bahala ka..ewan ko lang kung may makikita kang magandang nilalang doon kapag
pumunta ka" bulong ko naman
"huh? May sinasabi ka?"
"sabi ko bahala ka sa buhay mo..sige aalis na ako"
"hatid na kita sa bahay niyo" sabi niya..aba? trip ata ako ng batang to ah hahaha
"no thanks may kotse ako..at ako ang nagdadrive" lol so pinamumukha ko sakanya na
wala akong driver??? XD
So lumabas na kami doon sa building...kasasabi ko lang na walang holding hands! Aba
at hinawakan ako sa kamay...hinihigpitan ko yung hawak yung super sakit na... para
bitiwan lang niya ako..pero mukhang timang lang pag may bumabati sakanya o kaya pag
may nagsabi na ang ganda ng GF ngumingiti lang siya..tiyak nasasaktan na yan haha
Mean girl ako..lalo na pag bored..pero sensitive ako... at never pa naman ako na in
love... sinubukan ko lang mag BF nun.at kapag bored na ako sakanila..nakikipagbreak
na ako..kaya walang nagtagal saakin..haha..pero yung ngayon mukhang masaya... lalo
na fake lang naman to....
Hinatid na niya ako kung saan nakapark yung kotse ko....
"sige alis na ako bye" sabi ko nung papasok na sana ako sa kotse
"WALA BANG KISS DYAN?" sigaw nung isang guy dun sa kabilang side
"loko yun ah. Pakisapok nalang" sabi ko kay Jun
Per-pero.........he kissed me!!!!!!!!
Super na shock ako dun!!! Dalawa na yung nilabag niya!!!
First no holding hands and second? Kiniss niya ako sa tapat ng students sa parking
lot!!!
"gantihan lang yan" bulong niya sakin...
"sige babe bye" sabi pa niya..
OMG!!! Grabe na to! Di ko inexpect yun...akala ko isa siyang obedient na bata!!!
Hindi pala -_-.....
tulala akong pumasok sa sasakyan ko..as in! shock kaya...
Chapter 5: Revenge
That kid kissed me!!! OMG... nakakainis!!! He broke the rules..... di pa din ako
nakakaalis sa parking lot..at nakatayo pa din siya dun sa malapit...
"oh di ka pa umalis?"
"I hate you!" I yelled at him... first time na parang may nanghahamon saakin sa
isang inisan!
"haha why beb? May nagawa ako?" sarcastic niyang tanong
Nagtitinginan saamin yung mga students...oh no may lalabas nanaman na rumor about
dyan for sure TT^TT
Tas lumapit sakin si Jun
"baka gusto mo machismis ulit tayo ng kung anu-ano dyan..remember...sikat tayo" asa
naman sikat ka dyan..sarap hampasin eh
"and so what if sikat? I don't care about my image..yung iyo ang atupagin
mo..parang tinatago mo lang sakanila ugali mo eh"
"huh? Me??? Hindi ah... so pati sa school niyo ganyan ugali mo?" tanong niya saakin
"yeah so? May angal?"
"nice then di mo kelangan magpaka princess-like di tulad ng iba"
"right whatever... and by the way Jun...BEB!!! I HATE YOU!!! BABAERO!!!" sigaw ko
tas pinaandar ko na yung sasakyan...
Haha got yah!...gantihan pala ah...tas tumingin ako sa side mirror ko..hala kawawa
mukhang kinakaawaan siya ng mga tao doon haha... tas naririnig ko pa yung
iba...sabi "babaero pala si jun?" tas may isa pa "kung ako sakanya di na ako
mambabbae kung ganyan syota ko"
Right lakas ng pandinig ko noh???to think na nasa sasakyan ako at umaandar
yun..mabagal lang naman andar kasi naman sa loob pa din ng campus ito...
"LOSSER!" muahahahahaha
Pinatay ko yung phone ko para di siya makatawag haha..meaniee..o kaya kahit na text
lang di ko mabasa... grabe tawa ako ng tawa sa mukha niya nung nakita ko sa side
mirror eh...di mo maipinta...
Yung isa kong phone yung naka-on... and eto Marie is calling
"hey" bati ko
"oh good mood ka ata?" tanong niya
"hehe yeah! As in..so anung atin?"
"girl nalaman ko na Bf mo daw si Jun!!!" sigaw niya
"aww mariee..wag sisigaw...he's not my boyfriend..we're just pretending to be one"
"huh? Pretending? Why???"
"long story..kwento ko sayo mamaya..nasan ka?"
"bahay mo inip na nga ako eh"
"lapit na ako hehe"
Toooooooooooooooot
Adik much naman tong espren ko.kapag sasagap ng chismis ang bilis pumunta sa
bahay..pero pag kelangan mo nawawala tsk tsk...
So nakarating din ako sa bahay... grabe halata bang good mood ako??? Lawak ng ngiti
ko eh haha.... Nakaganti kasi ako kaya ganun...
"LIAN!!!!" si Marie na to haha
"hey...wag kang sumigaw"
"so tell me dali!!!"
"Chismosa -_-"
"yeah super lalo na kung tungkol sayo..dali bakit ka good mood???"
"wala wala wala"
"meron meron meron! Dali na"
"fine...nakaganti kasi ako kanina"
"ganti???"
"yup..ganti nga haha..."
"eh bakit??dali na!! Cliffhanger!"
"I told you right? Di talaga kami...but he kissed me..then he said na gantihan lang
daw... so dahil nandun na din ako sa school nila at gusto ko gumanti...sumigaw ako"
"huh? Anung sinigaw mo?"
"na babaero siya haha...promise kung nakita mo lang mukha niya"
"oh no....kawawa naman si papa Jun"
"kilala mo yun?"
"hello ang gwapo kaya lalo an pagnaglaro noh!"
"so napanuod mo na siya naglaro"
"hell yeah! Imbis na yung team ng school natin pinangchicheer ko yung sa kabila na
haha"
Oh yah cheer dancer nga pala yang si Marie...
"waaaaaaaah! My gad girl kinikilig ako para sayo! So he kissed you! Grabe na to"
"yeah malamang gumanti yun kasi I kissed him first" sagot ko
"what???kelan???"
"sa mall nung bigla mo akong iniwan..siya din naghatid saakin dito..at kaya kami
nagprepretend ngayon..yan na lahat ng story. Ayaw ko na dagdagan ng detail..."
"waaaaaaaaaah! MEANIE ng bestfriend ko!!!"
"yup matagal na^_____^"
<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>47##########################################################
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>