You are on page 1of 4

Ch.

07 - The Curious Case of Baby Blue


"Anak ko."
Nabingi yata ako. (・□・;)
"Ano?" tanong ko.
"Anak ko sya."
GASP! ANOOO?!! Halos malaglag ang panga ko. Tumingin ako sa bata. Hindi ko
masyadong makita ang mukha nya. Nagtatago parin sya. Gusto kong malaman kung
hawig sila.
"A-Anak..mo?" Imposible. Wala naman syang anak na sinasabi bago kami umalis ni
Timothy papuntang Rio. Tapos ngayon meron na? Saan nya napulot 'to?! "Ampon mo?"
"Hindi, anak ko talaga sya."
Oh my God. Anak. Nya. Talaga. As in same genes?!!
Breath like a pregnant lady. Inhale. Exhale. Oh shiz. Ang expression ko. Ayusin mo
Sammy ang mukha mo! !(◎_◎;)
This is awkward. Ano ba ang tamang sabihin? Kung anak nya talaga ang batang yan ibig
sabihin..ang nanay ng bata ay isa sa mga babaeng naka-one night stand nya. Hindi sya
nagpakasal..o baka naman nagpa-secret wedding sya?! (◎_◎;)
"Congrats!"(^∇^)Sa bandang huli ngumiti nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang
sasabihin ko. Masyado akong nagulantang. Pero tama lang na i-congrats ko sya. Siguro
naman kahit papaano masaya sya? Err. (">___>)
"Salamat," ngumiti si Red. Phew! Nakahinga ako nang maluwag.
"Sam," tawag sa akin ni Jack. "Pwede mo ba muna syang kargahin saglit?" tukoy nya sa
anak ni Red.
"Ako na Jack," pigil ni Red.
"Nah. Ako na," nilapitan ko si Jack at binuhat ang bata. Hindi naman nag-reklamo ang
anak ni Red nang kunin ko sya.
"Thanks, check ko muna si Maggie babes," nag-jogging si Jack pabalik sa loob ng bahay.
Tinignan akong mabuti ng anak ni Red. Parang kinikilala ako. Malaki ang mga mata nya,
inosente. Maputi ang balat nya. Kulay itim na itim ang buhok nya. Kasing laki nya si
Angelo noong isama ko sya rito sa Pilipinas.
"Ano'ng name mo?" tanong ko sa bata.
Tinitigan lang nya ako. Hindi nya ako sinagot. Lumipat ang tingin nya sa kulot kong
buhok. Pinaglaruan nya yon sa daliri nya. Tumingin ako kay Red.
"Hindi pa sya nagsasalita."
"Hindi pa?" Pero mukha na syang two years old. Nagsasalita na si Angelo at that age.
"Sinusubukan syang pagsalitain ni Jack at Audrey pero wala eh."
Ayokong sabihin na dapat dalhin nya sa pedia. Ayokong makialam sa mga desisyon nya.
"Nasan ang nanay nya?"
Nakakita ako ng hesitation sa mga mata nya. Parang iniisip pa nya kung ano ang isasagot
sa'kin.
"Hindi namin alam."
For the second time nagulat na naman ako. Hindi pa nya kilala ang ina? Pero pano nya
nakuha ang anak nya? Via delivery? Parang pizza? Lazada? LBC?

"What do you mean you don't know?" tanong ko sa mahinang boses.


Tumingin si Jared sa anak nya, umiling sya sa akin. Hindi nya gusto na tanungin ko sya sa
harap ng anak nya. Sya nga naman Samantha, baka matakot ang anak nya.
"Ano nga ulit ang pangalan nya?" pag-iiba ko ng topic.
"Tinatawag syang Blue nila Jack," hindi nakatingin na sagot nya sa akin.
"PFFT!" Di ko napigilan ang tawa ko. "Hahahaha! Blue? Pfft!" Tinakpan ko ang bibig ko.
"Not you too," he groaned. "Alam ko. Alam ko, bandila ng Pilipinas. At pangungunahan
na kita, hindi Yellow ang pangalan ng nanay nya. Makakalimutin man ako sa mga
pangalan ng mga babae pero sigurado ako na hindi Yellow ang pangalan nya."
"Hahaha! Jack is a genius." Tinignan ko ang bata sa braso ko. Nakatingin lang sya sa akin.
May maliit na ngiti sa labi nya. "Hi Blue. Ako si Sam."
The more I stare at him, the more na nakikita ko si Red sa kanya. Magkamukha nga sila.
Pero this little one, unlike his father, sobrang inosente ng mga mata nya. Hanggang kailan
kaya? Sana hindi nya makuha ang pagiging playboy ng tatay nya. (。-_-。)
"Kumusta naman ang Rio?"
"Sobrang ganda!" excited na sagot ko sa kanya. "Masaya. Pumunta kami sa giant statue
ni Jesus Christ. Ang ganda ng view mula ron. Baka bumalik ulit kami."
"Kung ganon kailangan na pala namin mag-expect ng baby?"
"Red!" namumula ang mukha na saway ko sa kanya. Bakit nya biglang tinanong 'yon?
Kakahiya.
Sa totoo lang nagtatago pa ako sa Crazy Trios. Baka tanungin nila ako tungkol sa detalye
ng first night namin ni Timothy. >///<
"Hahahaha!" tumawa lang sya.
"Miracle." Oh shiz!
"Timothy," naramdaman ko syang humalik sa pisngi ko. Naramdaman ko ang kamay nya
sa likod ko.
"This must be your son, Red," sabi ni Timothy kay Red.
"Yep. Blue ang pangalan nya," sagot ni Red. Inayos nya ang barbeque. Nilagay nya sa
plato ang mga luto na.
"Nice name," naka-smirk na sabi ni Timothy.
"Kuya! Luto na ba?" dumating sina Audrey at nakabuntot sa kanya si Omi. "Kanina ka pa
rito. Kami nalang ni Omi ang bahala rito."
"Sa wakas may nakaramdam din. Gutom na ako," reklamo ni Red.
"Kumain ka na sa loob," utos ni Omi.
"Hoy Omi, lumayo ka nga nang kaunti sa kapatid ko. Para kang sawang manunuklaw ah.
Sa harap ko pa mismo." (,+ +)
"Kuya! Tumigil ka nga! Pumasok ka sa loob. Pakainin mo muna yang si.." lumipat ang
tingin ni Audrey sa akin. "Blue. Hi Sam."
"Hey," bati ko.
"Psh." Kinuha sa akin ni Red ang anak nya. "Salamat Sam."
"Welcome."
Umalis na si Red. Lumingon sya nang isang beses para warningan si Omi. 'I am watching
you,' he mouthed.
"You're still watching him," bulong sa akin ni Timothy.
"Don't be jealous," bulong ko sa kanya.
"Don't give me a reason to."
"Well don't be, ikaw ang bibigyan ko ng lap dance mamaya not him."
Nakita ko syang ngumiti.
"Can't wait."
"Okay! Alam namin lahat na bagong kasal kayo pero.. Ano ba?! Kayong dalawa hwag nga
kayong maging mushy eewy gooey lovey dovey sa harap namin! Gosh!" react ni Audrey.
"Kinikilabutan ako."
"Yaan mo na sila honey, gusto mo tayo rin?" sabat ni Omi.
"Ah talaga? Gusto mo rin. Oh heto," ibinigay ni Audrey ang pamaypay kay Omi.
"Paypayan mo yan para magkaapoy. Dun ako sa loob. Bahala ka dyan."
"Honey! Joke lang yun! Don't leave me!" >__<;
Oh dear. =______=
***
"Alam mo ba Sammy pinapauwi na kami ni Lola sa Bukidnon," sabi sa akin ni Michie.
Nasa loob kami ng kwarto ko..namin ni Timothy. Magpapalit lang sana ako ng damit pero
sinundan nila ako at na-corner.
"Ano ka ba Michie, hindi naman yan ang sasabihin natin kay Sam eh," sabat ni China.
0__0 Hala ayan na..Tatanungin na nila ako.
"Malaki ba?" diretsong tanong sa akin ni Maggie.
"A-Ang alin?" >__< Gulp.
"Hwag kang pa-virgin dyan Sammy ha! Hindi ka na virgin!" sabi ni China.
"WAAAAAAHH!!" namula ako. Tinakpan ko ang mukha ko.
"Masakit ba? Gaano kasakit ha?" tanong ni China.
"Marami bang dugo?" tanong ni Maggie.
"Masarap ba?" tanong ulit ni China.
"Ang alin?" tanong ni Michie. *U*
"WAAAAAHH!! Hwag nyo akong tanungin!" >///<
"Bakla ka, napakadaya mo! Mag-share ka naman. Si Audrey nga hindi rin nag-share eh.
Damot." – China
"Huh? Si Audrey?" tanong ko. Di na sya virgin?
"Narinig ko ang pangalan ko," pumasok si Audrey sa kwarto kasama si Blue. "Nandito
lang pala kayo."
"A-Ah. Bababa na ako. Pupuntahan ko si Timothy. Baka hinahanap na nya ako."
"Don't bother, nag-iinuman silang mga lalaki sa baba. Kaya nga kami umakyat ni Blue
rito. Bakit nga ba narinig ko ang pangalan ko?"
"Tinatanong namin si Sammy kung ano nangyari sa first night," paliwanag ni Maggie.
"Oh right! Pano napasok ang pangalan ko?"
"Eh diba di ka na virgin?" - China
"Stupid! Virgin pa ako. Leche kayo yata ang nagkakalat ng balita na yun eh." +___+
Lumipat ang tingin ng Crazy Trios sa akin.
"Ano na Sammy! Kwento!"
"Ah-haha.. Ano ba?" Umupo ako sa kama. (>人<;)
"Yung first night. Ikwento mo! BUONG DETALYE ha! Simula dun sa pumasok kayo sa
kwarto," excited na sabi ng magkapatid na Dela Vega.
(___.________")
Simula nang pumasok kami sa loob ng kwarto?
Ano nga pala ginawa namin?
Ahh. Oo nga pala.. ( ̄^ ̄)ゞ

You might also like