You are on page 1of 5

math

fraction

musical

bago ko ituro ang lesson ang mga mag aaral ay kailangang kumanta ng awit na may pamagat na
"fractions-fractions" upang maging masigla sila sa pakikinig.

Kinesthetic/Body

pagkatapos kantahin bubuo sila ng grupo at bawat grupo ay dapat gagayahin ang porma ng bawat grupo
ang fractions number na ibibigay ko sa kanila gamit ang kanilang mga katawan.

Interpersonal/People

bibigyan ko sila ng group activity tungkol sa paksa at kinakialangan na ang bawat isa sa grupo ay
nakakatulong sa gawain nang sa ganoon ay mas mapadali ang gawain.

Intrapersonal

tatanungin ko ang bawat grupo at kinakailangan na ang bawat miyembro sa grupo ay makakasagot sa
lahat ng aking mga katanungan tungkol sa paksa.

linguistic

magpapakita ako ng chart ng mga salitang ng fractions at isusulat nila sa chart kung anong fractions
number ito batay sa pinakita kong mga salita sa chart.

mathematical

magpapakita ako ng ibat ibang hugis sa pisara at sasagutan nila sa papel kung ilan ang makikita o
mabubuong fractions batay sa mga hugis na nasa pisara.

naturalistic
tatanungin ko sila kung papano nagagamit ang fraction sa kapaligiran.

existentialist

magtatanong ako sa mga magaaral kung bakit nakakaapekto sa buhay ng tao ang fractions.

science

weathering

musical

bubuo sila ng 5 pangkat at kung ano man aking sasabihing salita ay kinakailangan nila itong pag isipan ng
kanta.

Kinesthetic/Body

habang inaawit nila ito dapat may kasamag sayaw na naaangkop sa liriko ng kanta.

visual

magpapakita ako ng mga larawan ng mga ibat ibang klase ng uri ng weathering at Tatanungin ko sila kung
ano ang nakikita nila sa larawan at at pagkatapos ay ipapaliwanag ko sa kanila ito.

Interpersonal

bubuo ulit sila ng pangkat at ang bawat pangkat ay kailangan magpakita sa harapan ng klase kung ano
ano ang mga dahilan ng weathering, kinakailangan na ang bawat miyembro sa grupo ay nakikilahok sa
gawain ng grupo upang mapag usapang mabuti ang kanilang report at dapat ay nagkakaintidihan.

intrapersonal

kapag handa na sila magreport sa harapan ng klase kinakailangan na ang bawat miyembro ng grupo ay
kasama sa magpapaliwanag ng kanilang report upang masiguro na nakikitaan ng bawat estudyante ng
paggawa.
linguistic

isusulat ko sa pisara ang mga salitang maaring dahilan kung bakit nagkakaroon ng weathering
magtatawag ako kung sino man ang magtataas ngnkamay at tutukuyin nila ito sa pamamgitan pagpili ng
"oo" o "hindi" at isusulst nila ito sa pisara. "oo" kung ito ba ay isa sa mga dahilan ng weathering at
"hindi" nman kung hindi siya isa sa mga dahilan.

Mathematical/logic

bibigyan ko sila ng aking ginawang work sheets na may nakasulat na mga salita na maaring dahilan ng
weathering at isusulat nila kung iilan ang mga maaring dahilan ng weathering at hindi kasama sa mga
dahilan.

Naturalistic/Nature

iguguhit nila sa papel kung papano nakakaapekto ang weathering sa kapaligiran.

existentialist

bibigyan ko sila ng pagsusulit na may katanungan na bakit importante na malaman ang weathering
kasama ang ibat ibang uri nito.

filipino

pandiwa

musical

una ay aking kakantahin ang awit na paru parung bukid at gagayahin ng mga estudyante ang ang aking
inaawit upang sa ganoon ay masiguro ang interest ng mga bata sa paksang aking inihanda.

kinesthetic

magsasabi ako ng mga salitang kilos na maririnig sa kanta at kanila itong gagayahin gamit ang kanilang
katawan kung anong kilos ito.
visual

magpapakita ako ng mga larawan ng ibat ibang kilos ng tao at tatanungin ko sila kung ito ba ay salitang
kilos o hindi. pagkatapos nilang sagutan ay ipapaliwanag ko sa kanila ang tawag sa salitang kilos ay
pandiwa.

linguistic

susulat ako ng mga scramble words sa pisara at magtatawag ako ng mga sasagot sa harapan kung ano
ano ang mga mabubuo salita batay sa scramble words.

interpersonal

bubuo sila ng pangkat at bawat pangkat ay gagawa ng ibat ibang senaryo sa palengke na makikitaan ng
mga salitang kilos.

intrapersonal

bawat miyembro ng grupo ay inaasahan na makapagbibigay idea sa kanilang gagawin upang masiguro na
may gawa ang bawat isa.

mathematical

magpapakita ako ng isang larawan na may senaryo ng isang pamilya na kung saan ang bawat isa ay may
gawain sa kanilang bahay. pagkatapos ay bibilangin nila kung ilan ang pandiwa o salitang kilos ang
makikita sa larawan.

naturalist

magtatanong ako sa mga mag aaral kung paano makakaapekto ang pandiwa sa kapaligiran.

existensialist

tatanungin ko ang mga estudyante kung ano ano ang mga kahalagahan ng pandiwa sa buhay ng tao.

You might also like