You are on page 1of 2

Enero 14, 2019

I. Layunin :
A. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng pangyayari sa alamat na
napakinggan.
B. Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan.
C. Nakadarama ng kasiyahan sa pagbibigay ng hinuha sa alamat na napakinggan.

II. Paksang Aralin


A. Konsepto: Paghihinuha sa maaring mangyari.
B. Kagamitan: Visual Aids,
C. Sanggunian:

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
1. Pagtatanong ng mga mga bugtong at huhulaan nila kung ano ito.
2. Pagtatanong ng mga maaring kahalagahan sa mga sagot sa bugtong.

B. Paglalahad
1. Alam niyo ba o naaalala niyo ba ang alamat ng pakwan?
2. Kung Oo, maari niyo bang isalaysay ang pangyayari sa alamat?
3. Kung hindi, ay ako na lamang ang magsasalaysay sa inyo tungkol sa Alamat
ng pakwan.
C. Pagtatalakay
1. Pagtatanong ng maaring mangyari sa o resulta sa bawat pangyayari hanggang
sa katapusan ng alamat na napakinggan.
2. Pagtatanong ng mga aral na maaring makuha sa alamat na napakinggan.

D. Paglalapat
1. Pangkatang Gawain
Panuto: Hahatiin ang klase sa 4 na pangkat. Bawat pangkat ay guguhit ng
isang larawan ng isang pangyayari at pagkatapos nilang iguhit ito ay
magpapalitan ang bawat pangkat ng kanilang naiguhit sa manila paper at
isusulat naman nila ang maaring mangyari na makikita nila sa larawan na
naiguhit ng kabilang pangkat.

E. Paglalahat
1. Sa paanong paraan mabibigyan ng paghihinuha ang isang pangyayari?
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang wastong katapusan ng mga pangyayari. Isulat ito sa isang
buong papel.

1. Si Jerry ay mahilig gumamit ng selpon sa kahit saang lugar. Isang araw ay


ginamit niya ang kanyang selpon habang siya ay naglalakad sa isang kalsada
sa Quiapo. Kahit alam niya na maraming mandarambong sa lugar na iyon
2. Ang batang si Noel ay masipag na mag-aaral sa katunayan ay nangunguna
siya palagi sa klase nila. Tuwing gabi ay nag-aaral si Noel bago matulog kaya
lubos na natutuwa ang kanyang mga magulang sa kanyang ipinapakitang
kasipagan sa pag-aaral. Kinaumagahan ay nagkaroon sila ng biglaang
pagsusulit
3. May mga alagang aso si Fredo at mahal na mahal niya ang mga ito. Tuwing
linggo ay pinaliliguan niya ito at ara-araw niyang nililinis ang mga dumi na
nagkalat sa sahig. Pagkatapos ng isang linggo
4. Inutusan si Kardo na bumili ng suka para sa nilulutong ulam ng kanyang ina
na kakainin nila ngayong gabi.Dahil doon ay pansamantalang huminto si Kardo
sa kanyang paglalaro sa kanyang mga laruan para bumili ng suka. Habang
tumatakbo ng mabilis si Kardo ay bigla na lamang siyang napahinto sa pag-
takbo dahil sa nakita niyang magandang laruan sa tindahan
5. Mahina ang loob sa kahit na anong bagay ang batang si Marco kaya lagi siyang
tinatawag ng kanyang mga kalaro na duwag. Hindi na kayang tiisin ni Marco
ang mga pangungutya ng kanyang mga kaibigan kaya napagisipan niyang
maging matapang para hindi na siya tuksuhin ng kanyang mga kalaro. Isang
araw ay niyaya siya ng kanyang mga kaibigan na maligo sa ilog at tinanggap
niya ang paanyaya nito kahit hindi naman siya marunong lumangoy

V. Takdang Aralin
Panuto:

You might also like