You are on page 1of 6

PROGRAM FOR INVESTITURE

I. PAMBUNGAD NA SEREMONYA
 Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant
Troop/Crew Leader
 Panalangin
 Pagpasok ng mga Kulay
 Pambansang Awit
 Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

II. PAMBUNGAD NA PANANALITA - Mr. Francisco B. Gangan


III. INVESTITURE PROPER
 Pagbigkas ng Pangako at Batas ng Scout
 Paglalagay ng Neckerchief
IV. HAMON SA MGA SCOUTS AT MAGULANG – Mr. Fredderick Fernando
V. AWIT NG SCOUT
VI. PANGWAKAS NA SEREMONYA
 Scout Benediction
 Paglabas ng mga Kulay
 Paglabas ng mga Scouts at Panauhin

SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM

EMCEE: Magandang umaga po sa inyong lahat. Mangyari po lamang na tumayo ang


lahat para sa Pambungad na seremonya. Sisimulan natin ito sa pagpasok
ng mga Scouts na pinangungunahan ng ating Troop Leader, Assistant Troop
and Crew Leader.

(Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant


Troop/Crew Leader at ng Panauhing Pandangal)

Para sa ating panalangin, tinatawagan ko si


________________________________.

(Panalangin)

Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at Pambansang


Awit ng Pilipinas sa pangunguna at kumpas ni
_________________________________.

(Pagpasok ng mga Kulay at Pambansang Awit)

Para sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si


_______________________________.

(Panunumpa)

Maari na po kayong magsiupo.

Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat. Sa umagang ito ay ating


masasaksihan ang pagtatalaga ng ating mga Scouts. Upang pasimulan ang
1
programang ito, narito ang tagapamahala ng ating sangay, si G. Francisco
B. Gangan.

(Pambungad na Pananalita)

Maraming salamat po, Sir Gangan.

Bago natin simulant ang pagtatalaga, atin po munang bigyan ng isang mainit
na pagsalubong ang ating mga Eagle Scouts para sa isang pampasiglang
bilang.

(Pampasiglang Bilang)

Ngayon ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Boy at Senior


Scouts na pangungunahan ng ating Outfit Adviser na si B. Donna.

G. Donna: Tinatawagan ko si Sctr. Ron Ramirez na tawagin ang mga


itatalang Scout.

Ron: Lakad patakda na, tungtong kanan tungtong harap Ta

G. Donna: Mga itatalang scout kayo ay nandito sa aming harapan at nag


nanais na maging isang ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?

Participants: Mam, Yes Mam!!!

G. Donna: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng


scouting sa casa del nino at sa kapatiran ng scouting sa buong mundo. Sa
harap ninyo ay ang isang nasindihang candila. Ito ang sumagisag sa diwa
ng Scouting.

Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at batas ng


Scout ay nag bibigay gabay para sa ating maayos at marangal na
pamumuhay at ito ay maging isang pamantayan ng pag-uugali na dapat
sundin ng lahat ng kasapi ng kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.

Kapag kayo ay nagging isang ganap na scout matututo kayong ng maraming


bagay patungkol sa diwa ng scouting. Ang Panunumpa at batas ng Scout ay
pangungunahan ni ESL Ron Ramirez.

(bigkasin ng mga participants ang Scout Oath and Law)

(Ang pag sisindi ng tatlong Malalaking kandila na kumatawan sa Diwa ng


Scouting kasunod ang 12 na candila na simbulo ng labing dalawang puntos
ng Batas ng Scout. Ang 12 dalawang kandila ay sisindihan ng isa isa
pagkatapos sabihin ang puntos na sinisimbulo nito.
Ang 3 scout na mag bibigkas ng Panunumpa ng Scout.)

2
SCOUT A: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng aking dangal; ay
gagawin ko ang buong makakaya; Upang tumupad sa aking tungkulin sa
Diyos at sa aking Bayan; ang Republika ng Pilipinas. (sisindihan ang gitnang
kadila)

Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka mahalaga at


sagradong pag aari sa iyong buhay. Kalakop nito ay ang iyong pangalan,
integridad at maganda reputasyon. Sa tuwing kayo’y nanunumpa bilang
isang scout, kayoy nangangako na mamumuhay na ayon dito upang
mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa iyong buhay.

Gagawin ko ang buong makakaya- Sa lahat ng iyong ginagawa, ikaw ay


nakipagtipan na gagawin mo ang lahat na iyong makakaya. Kung may bagay
na mahalagang gawin ito ay dapat gawin at tapusin, kung tatapusin ito
tapusin ito ng mabuti. Ang paggawa ng buong makakaya ay isang personal
na pagsubok. Laging magsumikap na gawin sa pinakamahusay na antas
sang lahat ng iyong ginagawa.

sa Diyos at sa aking Bayan …Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout ay na


nanalig sa Diyos. Di man tayo nakakapareho sa pamamaraan ng pagsamba
sa kanya, ngayon may tayo’y isa sa pag titiwala at paniniwla sa puong may
kapal, na ating Diyos at Panginoon. Upang gawin ang tungkulin sa Diyos,
kailangan nating sambahin sya at sumunod sa kayang kautusan na naayon
sa inyo-inyong paniniwalang pang relihiyon. Makasusumpong kayo ng
kaligayahan kung kayo’y taus pusong tutupdin ang tungkulin para sa ating
Diyos.

SCOUT B: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya


na sumunod sa Batas ng Scout; Tumulong sa ibang tao sa lahat ng
pagkakataon;

sumunod sa Batas ng Scout – Sa pamumuhay ng ating Sinumapaan


pangako sa scouting- kailangan natin ang batas ng scout upang maging
gabay natin. Ang labing dalawang puntos ng batas ng scout ay ang
pamantayan ng pag-uugali habang tayo’y naglalakbay sa buhay ng isang
Scout. Kaya iminumungkahi na kayo’y mag pasyang mamuhay ayon sa
panunumpa at batas ng scout.

Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilang kung


bakit ang scouting ay lumago sa bansang ito ay sa kadahilanang nakatangap
ito na suporta sa mamamayan. Ang scouting ay pinahahalagahan ang
suportang ito ay dahil sa ang mga scout ay nagpakita ng pagiging mahalang
bahagi ng lipunan. Ang diwa ng paglilingkod ay nasa puso ng tunay na
Scout.

SCOUT C: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya;


Pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang isipan at marangal ang
asal. (sisindihan ang kanang kandila).

Pamalagiing malakas ang aking katawan … Sa ngayon, alam na natin ang


pagiging malinis at ang kalusugan sa ating paaralan na kung ito ay
masusunod matutulungan nito tayong maging malusog at maligaya sa
3
buhay. Kung ninanais ninyong mag karoon ang isang alerting isipan at ng
kahandaang tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing malusog at
maglakas ang inyong pangangatawan.

gising ang isipan … Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay magpapakita


ng alertong at matalinong isipan. Hindi sapat ang mga scout ay puro pisikal
na lakas lamang; kailangan niyang mag karoon ng gising na isipan din. Ang
kanyang pagkilos ay dapat maliksi, kalkulado at handing tumugon sa
anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng pagkakataon.
marangal ang asal…Kailangan ng scout na maging huwaran ng magandang
asal. Ang kanyang asal ay nasa pinaka mataas na antas. Ang kanyang isip,
salita at gawa ay laging nag papakita ng wastong asal.
(Ang pag sasalita ng 12 piling scout.)

EMCEE: Dumako napo tayo sa Batas ng Scout.

Scout 1: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi


ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako. Ang pagiging
matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan ng ibang tao.

Scout 2: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang


pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at sa bayan.

Scout 3: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang


tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran
o pabuya.

Scout 4: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat.


Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa Scout. Sinisikap niyang
umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang
tao na naiiba sa kanya.

Scout 5: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman


ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-
uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.

Scout 6: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking


lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong
pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop
at iba pang bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay
mapangalagaan.

Scout 7: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod sa mga


alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa. Sumusunod siya sa mga
batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga
alituntuning hindi tama, sinusunod niya itoat hindi sinusuway ngunit sinisikap
niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.

Scout 8: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa


maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan ang mga
naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng
lugod sa iba.
4
Scout 9: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang
matustusan ang kayang sarili at upang makatulong sa iba. Nagiimpok siya
para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga
likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.

Scout 10: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na
humarap sa panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay
naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o
pananakot ng iba.

Scout 11: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang
kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganito
ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang
tahanan at pamayanan.

Scout 12: Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos.
Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang pananampalataya.
Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.

B. Donna: Narining ninyo ang Panunumpa at labing dalawang puntos ng


Batas ng Scout. bilang isang scout, tinatangap ba ninyo ang tatlong tungkulin
at labing dalawang puntos ng batas na ito?

Participants: “Mam, Yes, Mam!”

Emcee: Nawa ay si buhay ninyo mga aral na ito. Ipinakikiusap ko po sa ating


mga magulang, Ninong at Ninang na sila ay tumayo sa may likuran ng
kanilang anak o aanakin, sagisag na sa ano mang adhikain ay nasa likuran
kayo ng mga batang ito.
Tinatawagan ko ang inyong SCL upang pangunahan ang Scout code.

Ron: Ako po ang maguuna at kayoy susunod sa akin.

As a Scout Citizen,

I will live the Scout Oath and Law, the Scout Motto, and the Scout Slogan;
I will be familiar with the Constitution of the Republic of the Philippines,
especially my rights and obligations as a Filipino citizen;

I will share in the responsibilities of my home, school, church,


neighbourhood, community, and country;

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the Scout Law;

I will work to preserve our Filipino heritage, aware that the privileges we enjoy
were won by hard work, sacrifice, clear thinking, and faith of our forefathers;

I will do everything in my power to pass on a better Philippines to the next


generation.

5
Emcee: At ngayon upang opisyal ng matalaga kayo, ina-anyayahan po ang
namin kagalang-galang na Punong Guro na siya ring ating Punong
Institusyunal na italaga na ang mga bagong iskawt.

Sir Richard: Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinag kaloob sakin ng


Boyscout of the Philippines bilang Punong Institusyonal ng Casa Del Niño.
Itinatalaga kayo bilang Opisyal na miyembro ng Boyscout of the Philippines.

Sir Richard: Ngayon po ay sabay-sabay nating ilagay ang alampay o ang


neckerchief sa leeg ng mga batang itinalaga.

(hintaying maging maayos ang lahat)

Sir Richard: Malugod naming kayong tinatangap sa pamilya ng scouting.


Maraming maraming salamat po.
Maraming salamat B. Donna. Bigyan po nating muli nang matunog na
pagpugay ang mga bagong itinalagang scouts.

Ngayon naman ay tinatawagan natin si G. Fredderick Fernando, upang


magbigay ng hamon at inspirasyon sa inyong mga bagong itinalaga.

(Hamon at Inspirasyon)

Maraming salamat po, G. Fred. Nakasisiguro po kaming sapat ang inyong


mga salita upang pagibayuhin ng mga scouts ang kanilang paglilingkod.

Ngayon ay sabay-sabay nating awitin ang Awit ng Scout sa pangunguna ni


____________________________________.

Magaling mga Scouts! Para sa Scout Benediction, narito si B. Donna

Maraming salamat, B. Donna. Tayo po ngayon ay magsitayo para sa


paglabas ng mga kulay kasunod ang mga Scouts at ang mga pinuno ng ating
paaralan.

Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa Casa del Nino Montessori


School of San Lorenzo sa inyong walang sawang pagsuporta sa adhikaing
ito. Muli po, isang magandang umaga sa inyong lahat.

Paalala po sa mga makikilahok sa Institutional Camping and Team Building,


kayo ay inaasahang narito na sa paaralan sa ganap na ala-dos ng hapon.
Kita-kits!

You might also like