You are on page 1of 1

BUDBUD SUMAN

From Dumaguete, Negros Oriental


Central Visayas
Ang budbud ay isang uri ng matamis na kakanin. Ito
ay gawa sa isang butil na ang tawag ay kabog na
nanggagaling sa mga bundok ng Dumaguete, Negros
Oriental.

Ayon sa isang alamat, ang kabog ay nahanap ng


isang magsasaka sa loob ng kweba ng mga paniki.
Niluto niya ang kabog, ngunit ito ay walang lasa.
Niluto niya ulit ito pagkatapos niyang durugin ang
mga butil at haluan ito ng asukal.

Ngayon, ang budbud ay niluluto na may sangkap na


gata, asukal at kaunting asin. Pagkatapos, ito ay
binabalot at pinapasingaw habang nakabalot sa
dahoon ng saging. Kinakain ito kasabay ng mainit na
tsokolateng inumin at matamis na mangga.

Ipinagdidiwang ang Piyesta ng Budbud Kabog


Tuwing ika-10 ng Pebrero.

Kyle David M. Libayan

You might also like