1. Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan – binubuo ito ng mga
paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega. 2. Kalakalan – mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t- ibang produkto at paglilingkod. 3. Pananalapi – kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa. 4. Paupahang bahay at Real Estate– mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town house, at condominium. 5. Paglilingkod ng Pampribado – lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor ay kabilang dito. 6. Paglilingkod ng Pampubliko – lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan