You are on page 1of 1

Kaugnay na Pag-aaral

Ang K+12 ay may kaloob na dalawang karagdagang taon sa hayskul kung saan ay magkakaroon ng
“senior high” na magtatagal ng dalawang taon. Ito ay magpopokus sa Agham at Teknolohiya, Musika at Arts, Sports, Negosyo
at marami pang iba namaghahanda sa kanila sa pagtatrabaho oras na sila ay makatapos nang hayskul.
Isa rin sa mga dahilan kaya lalong pinagtibay ang pagkakatatag ng programangito ay dahil sa mababang katayuan
ng Pilipinas sa pandaigdigan pagdating saEdukasyon. Kadalasan nasa pinakadulo ang Pilipinas pagdating sa edukasyon
nasadyang nakakalungkot. Ito ang isa sa mga naging basehan upang pagtibaying lalo angpagkakatatag ng K+12.na ang
nakaraan nang itinatag ni Horace Mann ang isang malawakang sistema ng edukasyon sa Massachusetts,
kung saan ito ang naging unang estado na pumasa sa pagdalo sa mga batas ng paaralan noong 1852.
Noong 1918, sa lahat ng mga estado ang mga bata ay itinalaga ng batas na makatanggap ng edukasyon.
Ayon kay Joe Padre, kabilang sa mga nagtutulak maisabatas ang programangito ay ang mga pulitiko at mga
batikang tao sa industriya. Sa bahagi naman ng mga hindi sang-ayon dito ay ang mga mamamayan na direktang maapektuhan
kungsakaling daragdagan ang taon ng pag-aaral.
Ayon naman sa isang mamamahayag ng Philippine Daily Inquirer na si Tarra Quismundo, mas
magiging kompetitib ang mga Pilipino sa mga dayuhan dahil masmagkakaroon sila ng kasanayan sa loob ng dalawang taong
idaragdag sa kurikulum ngedukasyon. Ani niya ay maiiwasan ang pang-mamaliit at pang-aabuso sa mga Pilipino dahil mas
magiging malawak ang mga kaalaman nito pagkagraweyt ng hayskul
Ayon sa pag-aaral ni Daisy B. Bornilla noong 2011 ukol sa Kahandaan ng mga Guro ng Filipino
sa Implementasyon ng Kurikulum ng Edukasyong Pansekundarya, natuklasan na hindi pa handa ang
mga guro sa implementasyon ng Kurikulum ng Edukasyong Pangsekondarya at katamtaman lamang ang
antas ng kanilang kaalaman ukol sa kurikulum na ito. Napag-alaman ring mas handa ang mga guro sa
malalaking paaralan kaysa sa maliliit na paaralan sa implementasyon nito. Maaari ring maging suliranin
ng mga guro ang kakulangan sa mga kagamitang pangturo at multimedia na maaring gamitin sa
pagtuturo ng mga aralin.

Ayon sa isa pang pag-aaral na isinagawa ni Jane Matibag noong 2014 hinggil sa Reaksyon ng
mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Balete, natuklasang naging maayos ang pagkalap ng
impormasyon tungkol sa bagong kurikulum na K-12. Karamihan ng mga mag-aaral sa mataas na
paaralan ng Balete ay sumasang-ayon sa bagong kurikulum na K-12 at may kaalaman ukol sa nasabing
kurikulum. Binibigyang diin din ng mga mag- aaral na magiging epektibo ang makabagong sistema na
ipinatupad ng Departamento ng Edukasyon.

Ayon sa parehong pag-aaral ukol sa Damdamin at Saloobin ng mga Piling Mag-aaral na nasa
Ikapitong Baitang sa Mataas na Paaralan ng San Isidro hinggil sa Bagong Kurikulum na K-12,napag-
alamangmarami ang naniniwala na sa tulong ng K-12 kurikulum ay nagkakaroon ng malaking pagbabago
sa ekonomiya ng bansa dahil sa tulong ng mga guro sa pagkakaroon ng iba’t-ibang stratehiya at sa
tulong na rin ng pamahalaan. Ayon rin ditto, malaki ang maitutulong ng K-12 kurikulum sa mga guro
sapagkat maraming oportunidad na darating sa kanila dahil sa karagdagang taon, higit na kinakailangan
ng Departamento ng Edukasyon ang karagdagang guro dahil sa pagdadagdag ng taon at higit na
makabubuti ang ginawa ng pamahalaan upang maipa-alam sa mga mamamayan ang epekto ng
pagsasabatas ng K-12 Kurikulum.

https://www.slideshare.net/justinefaithdelavega/thesis-in-filipino-sample
https://www.scribd.com/doc/126322859/K-12-pamanahong-papel-docx

You might also like