You are on page 1of 2

March 26, 2019

Minamahal kong Gurong Tagapagsanay


Nung una po natakot ako dahil hindi ko po alam kung paano ako haharap
sa maraming tao, di ko po alam kung paano ako makikisama sa mga mag-
aaral. Nadala po ako ng takot na baka hindi ako makapasa dahil natatakot
akong magkamali sa harap ng maraming tao. Naalala ko pa dati sabi sakin ng
mga nakakakilala sa inyo masungit daw po kayo, ako naman po takot na
takot dahil hindi ko po alam kung paano po ako makikisama sa inyo, paano
po ako lalapit at hihingi ng tulong sa inyo kapag kailangan ko. Lalo’t marami
po kayong ginagawa lagi pero nagpapasalamat po ako dahil handa po kayong
tumulong sa akin kahit marami po kayong ginagawa.

Salamat po kasi kahit di tayo madalas mag-usap binibigyan niyo po ako


ng payo at sinasabi niyo po kung ano ang mga dapat kung gawin at baguhin
sa pagtuturo ko. Alam ko pong marami pa akong dapat baguhin at
matutunan. Kaya po masaya ako dahil sa kabila po handa po kayong
umagapas sa lahat ng oras.

Alam ko po hindi ako kasing galing ng iba pero sinubukan ko naman po


lahat ng magagawa ko para makatulong po ako sa inyo at ginawa ko po
kayong inspirasyon para maging mas magaling ako. Sa totoo lang po
sobrang taas ng tingin ko sa inyo para sakin sobrang galing niyo po magturo,
sobrang galing niyo po sa mga ginagawa niyo. Aminin ko po may mga oras
na di ko na alam kung tama pa ang mga ginagawa ko, di ko alam kung kaya
ko pa pero dahil po pinapakita niyo na may tiwala kayo sakin nakaya ko
pong lagpasan yung mga bagay na dati akala ko di ko kayang gawin.

Naalala ko pa nga po nung minsan tinanong ako ng mga bata kung bakit
daw po dami ko laging ginagawa? Bakit daw po ang effort ko sa mga biswal
na ginagawa ko? Bakit daw po lagi akong nagtuturo eh wala naman daw po
akong sahod at dami ko na daw pong gastos? Nung una po naiisip ko bakit
nga ba nagpapakahirap ako pero nung ilang linggo pa po ang lumipas doon
kop o nakita na mahalaga po pala na sundin ko ung mga sinasabi niyo.
Naging mas madali para sakin na kunin ang atensyon nila dahil kapag
nagdidikit pa lang ako nakaabang na sila sa kung anong paraan ng pagtuturo
ang gagawin ko sa aral na iyon.

Ipinakita niyo rin po na kahit maraming problema o di magandang


pangyayari sa buhay ng isang tao ay kailangan maging malakas tayo at
buong buo natin itong harapin. Kung may mga taong galit o naiinis sa atin
wag tayong padala sa mga ginagawa nila kundi gawin natin itong hamon sa
ating buhay na mas galingan pa natin, at ipakita natin na di tayo basta
sumusuko at mapapabagsak dahil lang sa kanila. Yan po ung isa sa mga
bagay na gusto kung matutunan kung paano ko magagawang positibo ang
isang bagay kahit gaano pa ito ka negatibo. Alam ko pong maikling panahon
pa lamang po ang ating pinagsamahan, maikling panahon na inakay niyo ako
upang mahubog ang aking katauhan sa larangang nais kong tahakin,
maikling panahon ng paghanap at pagpapalabas sa mga nakatago at
natutulog kong talento at galing sa iba’t ibang larangan na maari kung
iugnay at gamitin sa aking pagtuturo, maikli man at mabilis ang panahon/
oras na nakasama ko kayo marami naman po akong natutunan at nagawang
posible ang akala kong dating imposible.

Lumipas man po ang panahon tatanawin ko pong isang malaking utang na


loob ang pag tuturo niyo sa akin at ibabahagi ko din po sa iba ang bawat aral
at pangaral na ibinahagi niyo sakin na naging daan upang magawa ko ang
mga bagay na nagagawa ko ngayon. Maraming salamat po ulit at paalam
sana po ay maging matagumpay ang bawat landas na ating tatahakin at sana
po magkita pa po ulit tayo sa hinaharap, pero sa pagkakataong iyon ay
parehas na po tayong guro.

Nagmamahal gurong nagsasanay :

Jessa Mae T. Dugan

You might also like