You are on page 1of 1

Ang Modernong Bayani

Vince Francis R. Francisco

Tunay na bayani kang maituturing


di matatawaran iyong sakripisyo
di maihahalintulad pagmamahal mo
ang pagsubok at pighati'y di alintana

maibigay lamang ang buhay na kaaya-aya


Ang araw na lumisan ka
Pigil ang lungko't pagpatak ng luha
nais itigil ang oras akap ka

Mga mahal sa buhay napilitang iwanan


laging laman ng aking dalangin
ang iyong pagbalik sa bansang atin
Lahat ng sakripisyo para sa pamilyang naiwan

Titiisin ang lahat kahit sila ay magdusa


Sa bawat pagpikit ng mga mata
Ala-ala ng mga iniwanang sinta
Tanong sa isipan kamusta na kaya sila?
‘Di man niya nais wala siyang magawa

You might also like